Chapter 4

1.1K 38 2
                                    

NAGBABASA ng makapal na libro si Kellis sa veranda ng bahay nila. Hapon na pero hindi naman mainit sa pwesto nya. Sa katunayan ay 'yon ang pinakapaborito nyang lugar sa bahay nila.

Maliban kasi sa kita nya ang garden na may magagandang bulaklak ay mahangin pa doon. Mas nakakapag-fucos sya sa pag-aaral.

Linggo ngayon kaya wala syang pasok. Gaya ng dati nyang nakagawian ay magbasa ng libro sa veranda ang lagi nyang ginagawa kapag walang pasok.

Mas makakapagpahinga sya ngayon dahil walang manggugulo sa kanya. Walang Mazer na mangungulit sa kanya. Dapat matuwa sya dahil walang maingay sa paligid nya pero bakit ganon?

Bakit ngayon na wala ang binata para gulohin sya ay hinahanap nya ito. Hinahanap nya ang pangungulit nito, lalo na ang cookies na ito mismo ang nagba-bake para sa kanya.

Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit nararamdaman nya ang tinatawag nilang pangungulila sa isang tao? Bakit parang nami-miss nya ito?

Napatingin sya sa langit saka napahinga ng malalim at marahan itong pinakawalan.

What just the hell is happening to me?

"Ang lalim non baby ah." Napalingon sya sa pinanggalingan ng boses saka ngumiti ng makita ang ina. Lumapit ito saka inilapag ang tray na may pagkain. "Merienda ka muna."

Mas napangiti sya ng isang plato ng cookies at orange juice ang dala nito.

"Thanks mom." Kumuha sya ng isang piraso ng cookie saka kinagat.

"Problema?" Tanong ng ina nya.

Napasandal sya sa kinauupuan. "Wala naman mom." Tumingin sya dito saka ngumiti. "I'm fine."

Sumandal din si Allison sa kinauupuan saka tumingin sa langit.

"Eh bakit ang lalim ng buntong-hininga mo kanina?" Umayos ito ng upo saka humarap sa kanya. "Tell me. What is it?"

"I'm..." Huminga ulit sya ng malalim saka nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm just confuse."

"Confuse about what?"

Umayos na din sya ng upo saka humarap sa ina.

"Mom, I meet this most talkative and annoying guy. Naiinis ako kapag nandyan sya at mas naiinis ako sa twing sinusungitan ko sya ay nginingitian nya lang ako na para bang iniinis nya ako lalo. Kahit anong gawin o sabihin ko sa kanyang masama ay ayaw nya parin akong tigilan."

Napahinto sya sa pagku-kwento saka napatingin sa ina. Mainam itong nakatingin sa kanya at nakikinig ng mabuti sa sinasabi nya.

"And?" Nakataas ang dalawa nitong kilay na tanong.

Huminga ulit sya ng malalim saka pinagpatuloy ang pagku-kwento.

"He baked cookies for me. Araw-araw naglalagay sya ng cookies sa locker ko. Kahit gusto kong itapon ang cookies ay hindi ko magawa. I don't know why, maybe because I love cookie." Kibit balikat nyang sabi. "And I'm confuse mom, why is my face heat when he smiled at me?"

Napakunot-noo sya ng tumawa ang ina nya. "That what you called blushing sweetie."

"Blushing?" She knows the meaning of it pero hindi naman sya naniniwala na nangyayari nga 'yon sa mga tao.

Kung baga para sa kanya, sa libro o telenovela lang 'yon nangyayari. Nagbu-blush on lang para matawag na nag-blush nga ang isang tao.

"Yes sweetie." Her mom nodded. "So what else do you feel?"

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now