Chapter 2

1.2K 40 0
                                    

NAPANGITI si Kellis ng bumungad sa kanya ang kanyang mga magulang na naglalambingan nang makapasok sya sa kusina. Nagluluto ang daddy nya habang nagti-timpla naman ng kape ang mommy nya.

Ito ang nagpapangiti sa kanya araw-araw. Ang mga magulang nya na makikita naman talaga nya ang pagmamahalan ng mga ito.

Tumikhim sya para mapalingon ito sa kanya. Nang makita sya ay ngumiti ang mga ito.

"Good morning honey." Bati sa kanya ng mommy nya.

Humalik ito sa pisngi nya. "Good morning mom." Lumapit sya sa daddy nya saka ito hinalikan sa pisngi. "Good morning dad."

"Good morning din."

Sinilip nya ang niluto nito saka napangiti. "Ang bango nyan dad ah."

Pinisil ng daddy nya ang pisngi nya. "Bolera. Maupo ka na don, malapit na 'to."

Ngumiti sya saka umupo. Hindi nagtagal ay naghain na din ang daddy nya. Napapangiti sya habang pinagmamasdan ang mga magulang nya. Ang daddy nya na pinagsisilbihan ang mommy nya. She's so lucky to have a parents like them. Tingin palang alam muna na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Bakit ka nakangiti dyan baby?" Tanong ng mommy nya.

Nakatingin na sa kanya ang mga magulang nya na may nagtatanong na tingin. Ngumiti sya dito. Only her parents, family and close friends can see her smile.

"Nothing mom. Nakakatuwa lang kayong tingnan ni dad."

"Bakit?" Napangiti sya ng sya naman ang pinagsilbihan ng daddy nya.

"The way you look at each other I can see the spark that they said. I can see love in your eyes. You really actually love each other."

Hinawakan ni Blake ang kamay ni Allison saka ngumiti dito.

"We are baby. We are."

***

NANG makapasok si Kellis sa campus ay kanya-kanyang bulongan agad ang bumungad sa kanya. Sanay na sya na sa tuwing dadating sya ay sari-saring bulongan agad ang maririnig nya pero ang ipinagtaka nya ay hindi tungkol sa kanya ang bulongan. Kundi tungkol sa isang transferee.

Hindi nalang nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Wala din naman syang pakialam sa pinag-uusapan ng mga ito.

Nang makapasok sya sa room ay maingay ang mga kaklse nyang babae. Sa likod sya dumaan kaya hindi sya napansin ng mga kaklase nya sa subject na 'yon.

"God, ang gwapo nya talaga."

"Oo nga eh. Lalo na kapag ngumiti sya. Nagiging singkit ang mga mata nya."

"Lumalabas pa ang dimple."

Nilagay nya sa tenga ang head phone nya ng marinig ang tili ng mga kaklase nya. Mas gusto pa nyang makinig ng musika kaysa makinig sa tili ng mga babae. Nakakabasag eardrums eh.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang prof nila at nagsimula ng mag-lecture.

Nang matapos ang klasi nya sa umaga ay agad syang dumiretso sa tambayan nya. Sa likod ng isang building. May nag-iisang puno ng acacia doon. Sa ilalim ng punong 'yon sya tumatambay dahil maliban sa hindi mainit, mahangin pa doon.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now