Chapter 25

493 10 4
                                    

Kellis's POV:

"Bakit hindi mo kausapin si Mazer, Sky?" Napatingin ako kay Franke na kumakain ng junkfood.

"Ayaw nga nyang kausapin. Iiniwasan nya nga, ang kausapin pa kaya." Masungit namang sagot ni Savanna.


Nakaupo kami dito malapit sa court, kasama ko ang dalawang ito na maingay habang nagbabasa naman ako ng libro pero ang totoo ay ni isang salita ay wala namang pumapasok sa isip ko dahil isang tao lang naman ang laman ng isip ko. Si Mazer.


"Bakit naman?"

"Para naman malaman nya na kasalanan nya talaga dahil kinampihan nya ang babaeng yon kaysa sa best friend ko."

"Bakit hindi nyo ipaalam ang totoong nangyari?"

"Tuleg ka ba?" Singhal ni Savanna kay Franke. "Ni hindi nga nya pinakinggan ang explanation ni Kellis nong araw na yon eh. Anong karapatan nya para magpaliwanag ulit kami sa kanya." Nag-cross arm ito saka tinaasan ng kilay si Franke. "Hayaan mo syang mabaliw kakahanap kay Kellis para naman maramdaman nya ang sakit na pinagdadaanan ni Kellis. Hayaan mo syang magdusa."

"Ang lupit mo naman."

"Hindi ako malupit sadyang dapat lang sa kanya yon." Sinamaan nya ng tingin ito. "Teka nga, ano bang ginagawa mo dito? Bakit ka ba nandito?"

"Nakikiupo?" Patanong nitong sagot.

"Umalis ka nga dito. Marami namang ibang upuan dyan ah. Bakit dito ka nakikisiksik."

"Makasiksik ka naman, ang luwag pa kaya. Isa pa wala ng bakante kaya nga nakikiupo di ba?"

"Anong wala ng bakante? Yon oh." Turo ni Savanna sa isa pang bench.

"Kita mong may nakaupo di ba?"

"Bakit hindi mo gamitan ng charms mo ng makaupo ka?"

"Ayoko nga. Nakaupo na ako dito eh."

At nagpatuloy na sila sa pagbabangayan nilang dalawa. Nitong mga nakaraan ay parati ng sumasama sa amin si Franke habang tinataboy naman ito ni Savanna. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo nito kay Franke, mabait naman ito. Napatitig ako sa kanilang dalawa dahilan para sabay silang mapatigil sa pagbabangayan saka napatingin sa akin ng sabay.


"Anong tingin yan Kellis?" Magkadikit ang kilay nitong tanong.

"Bagay kayo."

"What?" Napatayo ito sabay napahampas sa mesa. Tss ang o.a ng reaksyon nya, napaghahalataan.

"What? Is there something wrong?"

"Kami?" Turo nito kay Franke saka sa sarili nya. "Bagay?" Tumango ako. "The hell no."

"Opinion lang naman yon." Walang ganang sabi ko.

"Oo nga naman. Ang o.a mo din kasi minsan Savanna." Nanlaki ang mga mata nito ng biglang kwelyuhan sya nito.

"What did you said? I'm o.a?" Nakita ko kung paano napalunok si Franke kaya mahina akong napatawa. Takot pala kay Savanna eh. "Say it again and I'll rip your fucking damn mouth."

"H-hehe nagbibiro lang ako." Sabi nito saka dahan-dahan na inalis ang kamay nito sa kwelyo nya. "Para binibiro ka lang eh. Ang seryoso mo naman." Inirapan lang sya ni Savanna.

Loving Kellis Sky ReyesWhere stories live. Discover now