Chapter 2

16.8K 502 9
                                    

Danica 

Inayos ko ang suot kong fitted sexy na damit. Halos lumuwa ang dibdib ko pero keri lang kailangan namin sa pagpapanggap bilang GRO dito sa club. Nakasuot ako ng wig, color violet nga ang kulay. At naglagay din ako ng nunal sa bandang taas ng labi ko.

Pumasok kaming magkaibigan dito dahil sa kasong hawak namin. May report na ngayon darating ang mga batang babae para ibenta sa mga mayayamang hayok sa laman.

Isinuksok ko sa boots ko ang swiss knife ko kung sakaling mapapalaban atleast may panlaban ako. Nagtago ako ng baril sa beywang ko. Para kung sakaling magkabarilan may magamit ako.

Naglakad ako papunta sa loob ng club. Hinanap ko ang kaibigan ko. Nakita ko itong may kausap na guwapong lalaki.

Nagpasya akong lapitan ang kaibigan ko.

"Hi, beshy." Bati ko sa kanya. Napalingon sa amin ang lalaki. Pamilyar ang mukha ng lalaki parang nakita ko na siya.

"Oh, hi, Miss, hindi ba ikaw iyong nakabanggaan ko kahapon?" napangiti ito sa akin. Grabe ang pogi niya para siyang artista. Anang isip ko.

Tumango ako.

"Sorry, huh, hindi kita nakita kaya nabangga kita. Magso-sorry sana ako sa iyo kaso bigla ka na lang umalis." sabi nito. Napaka-gentleman naman niya. Siya pa talaga ang magso-sorry ako iyong nakabangga sa kanya.

"Dapat ako nag-sorry sa iyo. Puwede ko bang mahiraman muna saglit ang friend ko?" sabi ko.

"Ah, okay lang . Pero bago iyan. May I know your name?" nagkatinginan kami ng kaibigan ko. I need to hide my identity dahil kailangan sa trabaho.

"I'm Grace Lumibay" sabi ko. Pangalan iyan ng kapitbahay kong tsismosa. Sorry na lang sa kanya ang pangalan niya ang ginamit ko to protect myself.

"I'm Logan Dela-" naputol ang sasabihin niya nang may tumawag dito. Kaibigan yata nito.

"Mauuna na kami." Paalam ko sa lalaki. Tumango na lamang ito.

Hinila ko sa isang sulok ang kaibigan ko.

"Nakita ko ang isang tauhan ng sindikato. Nakikita mo iyong hallway na iyon? Doon nila sigurado ipapasok ang mga babae nilang biktima. We need to be careful." Paalala ko sa kaibigan ko. Tumango ito.

Pumuwesto ako sa madilim na parte ng club para hindi ako mahagip ng camera. Alam kong nagkalat ang mga CCTV dito. Bago ako pumasok dito pinag-aralan ko na kung saan nakalagay ang mga iyon.

Napansin kong may mga lalaking dumating. May hawak silang apat na babae. Sigurado akong pinainom nila ito ng droga. Mukhang nakatulala ang mga ito.

Nag-igting ang panga ko. Inayos ko ang earpiece ko upang kung sakaling mapasok ko ang loob magra-radyo ako sa mga kasamahan kong nakaantabay sa labas ng club.

Naglakad ako para sundan ang mga lalaking may mga dalang batang babae. Maingat akong nagmasid sa paligid baka matiktikan nila na may sumusunod sa kanila.

Nakita kong lumiko sila kaya sinundan ko ng hindi gumagawa ng ingay. Narinig kong nagsalita sa earpiece ko ang kaibigan ko.

"Nica, may paparating sa kinaroonan mo" nagmadali akong pumasok sa isang silid doon. Good thing naka-open ito. Hindi ko nilapat ang pinto pasara. Nag-iwan lang ako ng siwang para makita ko ang mga dumaang lalaki na malalaki ang katawan.

"Clear na beshy." Sabi ng kaibigan ko. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ngunit palinga-linga ako upang makasigurong walang sumusunod sa akin.

Nakita kong ipinasok ng mga lalaki ang mga babae sa isang silid. Nagtago ako sa isang sulok nang makita kong lumabas na ang mga lalaki.

Kailangan ko ng madaliin baka ilalabas na nila ang mga batang babae para ibenta. Nang masiguro kong nakalayo na ang mga lalaki. Nagmadali na akong pumunta ng silid. Good thing walang nakabantay. Alam nila sigurong hindi papalag ang mga babae dahil mga nakadroga ang mga ito.

Kinuha ko ang panungkit ng door knob na nasa boots ko. Pinag-aralan ko din ang magbukas ng pinto gamit ang alambre. Napangisi ako nang marinig ko ang pag-lick ang lock. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Parang nadurog ang puso ko sa mga batang babae. Tulala ang mga ito at nakasuot ng mga damit na sobrang iksi at kita na ang kaluluwa. Nagtagis ang bagang ko. Napakademonyo ng mga taong iyon.

Tinawagan ko ang kaibigan ko para ipaalam na nakapasok na ako. Ni-lock ko muna ang pinto. Ni-eady ko ang sarili ko.

"Shit!" Napamura ako nang marinig ko ang mga putok ng baril. Baka nandito na ang mga kasamahan ko. Sumilip ako sa labas. Nanlaki ang mata ko nang makita kong paparating ang mga lalaki.

Logan 

PALABAS na ako ng CR nang makarinig  ng putukan ng baril. Nagkagulo ang mga tao sa loob ng club. Nagkanya-kanyang paglabas sa pintuan ng club. Dahil sa daming tao nagkaroon ng stampede.  Walang nagawa ang tangkad at laki ng katawan ko sa dami ng taong kasalubong ko.

Napunta ako sa isang pasilyo. Napatingin ako sa paligid. Maraming silid. Nangunot ang noo ko. Para saan ang mga silid na ito? Nakarinig ako ng kalabog sa dulo ng pasilyo. Naging alerto ako.

Tinakbo ko iyon para tingnan kung sino ang nasa loob. Sinipa ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang babae na nakikipag-agawan ng baril sa lalaking may malaking katawan. May lalaking nakabulagta na at tila may tama ng baril. 

Tinulungan ko ang babae. Inagaw ko ang baril ng lalaki na hawak nito. Sinipa ko sa tagiliran kung kaya nabitawan nito ang baril. Nakipagsuntukan ito sa akin. Napangisi ako akala naman nito matatalo niya ako sa suntukan. I am a UFC champion.

Sinipa ko ng  malakas ang tagiliran nito kaya napaigik ang lalaki. Napaluhod ito. Tinuhod ko ang panga nito kaya na knock-out ang lalaki.

Nakita ko ang babaeng hawak ang tagiliran. May tama ito ng baril. Halos panawan na ng ulirat ang babae. Dahil sa dami ng dugo na dumadaloy sa tagiliran nito.

Binuhat ko na ito agad. Kailangang madala sa ospital ang babae kung hindi mamatay ito. Lalabas na sana ako ng dumating ang mga pulis bigla nila akong tinutukan ng baril. Napahinto ako sa paglalakad.

"I am 2Lt. Logan Dela Costa. I'm just here to save this girl." Pakilala ko sa sarili ko. Parang hindi sila naniwala. Kaya kahit hirap na hirap akong dukutin sa likod ng pantalon ko ang ID ko kinuha ko. Ipinakita ko sa kanila ang ID ko sa PAF. Nag-salute sila sa akin ng makita ang ID ko.

"Insp. Corpuz samahan mo si 2Lt. Dela Costa." Utos ng pulis na rumesponde. Nakalabas na din kami ng silid.

"Hold on, babe."  Sabi ko sa babaeng namumutla na.

Pagkalabas namin ng buliding ay may mga paramedics ng nakaabang sa amin. Kinuha na nila sa akin ang babae. Isinakay na nila ito sa stretcher.

"Ah, Mis,s anong name ng nabaril?" tanong ko sa Insp. Corpuz.

"Her name is Danica Gomez. Sige Mr. Dela Costa I have to go. Thank you sa pagtulong sa kaibigan ko." Sabi nito at nagpaalam na ito sa akin. Natulala ako habang nakatingin sa papalayong ambulance.

Huminto ang inog ng mundo ko sa narinig kong pangalan.

That girl...

My first love. . .

Danica.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13













BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon