Chapter 9

12.8K 432 12
                                    

DANICA

Malaking palaisipan sa akin kung sino ang laging nagbabanta sa buhay namin ni Logan. Hindi ako sure kung iisa lang ang taong may kinalaman sa kaso ni  Mrs. Alejandro. Madami pa akong kasong hawak kaya hindi din ako sure kung iisa lang ang taong nasa likod nito.

Nakapatataka naman bakit pati si Logan ay may banta na din sa buhay nito. Kapag magkasama kami lagi kaming napapalaban. 

Napalingon ako nang tinawag ako ni Logan. Ano na naman ginagawa ng machong lalaki na ito? Naglakad ako papunta sa kinatatayuan nito. 

"Hey, Logan. What are you doing here?" tanong ko. 

May ibinigay itong flower sa akin. Kinuha ko naman ito. 

"Thanks sa flowers. Nag-abala ka pa," sabi ko.

"Puwede ka bang ma-invite for dinner sa bahay?" napatitig ako sa mukha niyang guwapo. Lumuluwag ang strap ng bra ko kapag tinitigan ko ang lalaking ito. Kung sa ibang babae malalaglag ang panty sa akin ay bra ang malalaglag.  

"Sure . Anong mayroon?" tanong ko.

Napakamot ng ulo ang macho. Ang hot niyang tingnan. Gusto ko sana mapakagat ng labi pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Puwede ka bang ligawan?" tanong nito sa akin. Halos mamula na ang mukha nito habang tinatanong ako. Napakamachong lalaki ang torpe naman.

Napangiti ako. Tinapik ko ang mabato bato niyang dibdib. Ang tigas grabe.

Umaliwalas ang guwapo nitong mukha.

Nabigla ako ng yakapin niya ako. Napabitaw kami pareho ng may tumikhim sa may likuran naming. 

"Puwede ko ba muna kayo madisturb mga lovers?" sabi ni Chief.

"Hey, Alexandro." Bati nito sa pinsan.

"Sir." Nag-salute ako sa hepe ko.

"Can I talk to you Insp. Danica," sabi ni hepe. Tumango ako. Tumalikod na ito at nauna na sa loob ng presinto.

"Mahihintay mo ba ako Logan?  Mukha kasing matagal ang usapan namin ni Chief."

"Kahit ilang oras pa iyan, babe, handa akong maghintay," sabi nito sabay kindat. Napakagat ako ng labi ng tuluyan. Nakita kong napangisi ito sa akin.

Nakakaupo sa waiting area si Logan. Nilapitan ko ito. Halos isang oras din kaming nag-usap ni Chief.

"Logan, so sorry natagalan ang usapan namin ni Chief. It's important about sa kaso na hawak ko."

Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko. 

"Its okay, babe."Nakangiting sabi nito. Iniumang niya sa akin ang mamasel nitong braso. Iniangkla ko ang braso ko dito.

"Nakakahiya naman sa iyo naghintay ka pa ng matagal." sabi ko. Ngumiti lamang ito sa sinabi ko.

*******

"Salamat sa masarap na hapunan." Sabi ko.  Nakatutuwa dahil si Logan mismo ang nagluto at naghanda sa dinner namin.

"Basta para sa iyo, babe," nag-smile ito labas ngipin. Napakaguwapo ng walanghiya. Ang sarap niyang sampalin ng himas at bugbugin ng halik.

"Why are you blushing, babe?" tanong nito. Parang gusto kong magtago sa mabato-bato nitong abs at takpan ang katawan ko ng malalaki nitong biceps at muscle sa braso.

"N-nothing maybe sa wine?" iyon talaga palusot ko? Hindi naman matapang ang wine na iniinom namin. Ano ka ba Danica?

Kinuha nito bigla sa kamay ko ang kopita. Napakunot naman ako.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora