Chapter 8

12.7K 441 32
                                    

LOGAN

"Kailan mo ba ipakikilala sa akin ang nobya mo?" tanong ng aking lola. Napakamot ako ng ulo. Wala pa nga akong nobya. Hindi ko pa madiskartehan si Danica ng maayos dahil ang daming nangyayari everytime na nagkakasama kaming dalawa. Habulin yata kami ng mga kalaban.

"La, wala pa po akong nobya. Nililigawan ko pa lang po," sabi ko.

"Aba, hindi ka na bumabata, Logan. Kailangan mo ng lumagay sa tahimik. Baka naman uugod- ugod ka na bago ka makapag-asawa. Tingnan mo si Mikael may dalawa ng anak at baka nga magtatatlo pa iyon. Parang naglilihi na naman ang asawa niya." Natatawang sabi ni Lola. Inakbayan ko siya at hinagkan ang noo nito.

"La, darating din tayo diyan. Ayoko naman pong mamili ng babae kung saan lang," sabi ko.

Tanging si Danica lang angi tinitibok ng puso ko mula noon. Siya lang ang huling babae para sa akin.

Tinawagan ko ang number ni Danica para kamustahin.

" Hello Logan napatawag ka?" tanong nito. Maingay ang background nito siguradong nasa field na naman.

" I just want to know if you're okay" sabi ko.

Napatawa ito ng mahina. Ang sexy niya tumawa parang aaruba yata ang birdie ko.

" Okay lang ako ano ka ba? Hindi ako lampang babae na madapa lang iiyak na." sabi nito.

" Yeah I know but I still want to know if you are okay. Where are you now?" tanong ko.

" Nas field kami may sinusundan kaming suspect. Logan talk to you later" sabi nito.

" Wait lang" hindi n niya ako hinintay makapagsalita inendcall na nito ang tawag ko. Bigla kasi akong kinutuban gusto kong malaman kung nasaan siyang lugar.

Tatawagan ko ang pinsan ko.

"Bro, napatawag ka?" tanong ni Alexandro sa akin.

"Bro, ask ko lang kung saan ang lugar na pinuntahan nila Danica?" tanong ko.

"Nasa may tondo sila. May operation doon. Wait huwag mong sabihing susundan mo si Danica doon? Don't worry she'll be okay. Kayang kaya niya iyon. Tsaka may mga backup na pulis if ever na maengkwentro sila doon." sabi nito.

Hindi ako mapakali. Kailangan kong puntahan si Danica.

" Hindi mo ako mapipigilan. Pupuntahan ko siya!" kahit nagsasalita pa ang pinsan ko inendcall ko na ang tawag.

Sumakay na ako sa kotse ko para puntahan si Danica.

NAKARATING ako sa lugar na sinabi ni Alexandro. Nakita kong nakaparada ang mobile car nila sa isang kanto at may mga pulis. Hinanap ng mata ko ang mahal kong Danica. Hindi ko ito makita. Kaya nagpasya akong pumasok sa loob. Iniwan ko na lang sa may gilid ng kalsada ang sasakyan ko.

"Brod, pakibantayan nga itong sasakyan ko" sabi ko sa isang tambay doon. Naglabas ako ng 1 thousand para ibigay dito.

"Salamat, Ser! Hayaan niyo seyp ang sasakyan niyo dito. Babantayan kong maigi.

"Salamat, brod!" sabi ko saka tinapik sa balikat.

Nagtuloy akong naglakad papasok ng eskinita. Nakarinig ako ng nag-uusap na dalawang babae.

"Naku kumare, may ire-raid yatang bahay na tulak ng droga. Naku dapat lang na mamatay na ang mga addict na iyan. Nakakasira lang sila sa lipunan," sabi ng isang matabang babae.

"Oo nga pati mga kabataan ngayon natututo ng magdroga dahil sa kanila. Dapat sa kanila hindi na binubuhay pa. Para hindi na makaperwisyo" segunda naman ng isang matandang babae na walang ngipin.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon