WAKAS

16.3K 548 84
                                    

TODO ang asikaso ko sa asawa ko dahil kabuwanan na nito. Nag-leave na ako sa trabaho dahil kailangang bantayan ito bente-kuwatro oras. Ako na ang tigasin sa bahay. Gusto kong ako ang personal na mag-asikaso sa pangangailangan niya. 

Napatingin ako sa labahin ko. Dalawang lagayan ng hamper ang lalabhan ko. Maaga akong nagising dahil ipinagluto ko ng almusal ang mahal kong asawa. Gusto kong ituring na reyna si Danica. She deserves it. Kahit naman macho ako, ang maganda sa akin marunong ako sa gawaing bahay. Lumaki kasi akong si Lola ang nag-alaga sa akin.Wala akong ina na gumabay sa akin. Si lola tinuruan niya ako ng mga gawaing bahay. Magluto, maglaba at maglinis ng bahay. Kaya kahit na nasa kampo ako nakaya ko ang training doon. Mamuhay sa bundok at maghanap ng makakain sa bundok.

Nilutuan ko ang asawa ko ng sinangag, pritong itlog at ang binabad kong bangus kagabi na dinaing ko. Buti maganang kumain si Danica at hindi mapili sa pagkain. Hindi kagaya ng ibang buntis na maselan sa pang-amoy at pagkain. Sisimulan ko ng labhan ang mga damit para maisampay ko na. Dahil maglilinis pa ako ng bahay at bakuran namin. Ang mga puti ay kinusot ko at ang mga de kolor isinalang ko sa washing machine. Umupo na ako sa bangkito para simulang kusutin ang binabad kong mga puti kaninang nagluluto ako.

"Logan!!!!!" napatayo ako ng marinig ko ang asawa kong tinatawag ang pangalan ko. Kahit may bula pa ang kamay ko pinuntahan ko agad ang asawa ko.

"Babe, nagugutom ka ba?" bungad na sabi ko kahit alam kong kakakain lang namin ng almusal. Pumasok ako sa silid namin. Nakita ko itong nakahawak sa tiyan at nakangiwi na. Kaya nataranta ang kamachohan ko.

"Logan, manganganak na ako. Ang sakit na ng tiyan ko! Lalabas na ang baby natin!" halos hindi na makatayo ang asawa ko dahil sa pagsakit ng tiyan nito. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko.

"Wait lang, babe! I'll call Daddy." kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng lamesita para tawagan si Daddy. Kasi siya ang magtutuloy ng labahan ko.

"Daddy, pumunta ka dito sa bahay. Ikaw muna ang magtutuloy sa labahin ko. Nababad naman na yung mga puti. Tapos yung nakasalang sa washing huling ikot na iyon. Babanlawan na lang. Sabi ko kay Daddy.

"Bakit saan ka pupunta? Wala ka bang katulong diyan? Ako talaga magtutuloy ng labahin mo?!" napangiwi ako ng magtaas ng boses si Daddy.

"Daddy, ngayon lang naman. Manganganak na kasi si Danica. Baka kasi hindi ko maasikaso ang naiwan kong labahin. Sige, Dad! We have to go." tinapos ko na ang tawag kahit nagsasalita pa si Daddy. Alam ko namang hindi ako mahihindian ni Daddy. Aba, hindi niya makikita ang apo niya kapag hindi niya ako pinagbigyan. Kinuha ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Danica. Isinukbit ko ito at binuhat ang asawa ko na namamalipit na sa sakit.

"Relaks ka lang, babe. Pupunta na tayo sa ospital." Nakapikit na si Danica. Baka siguro masakit na ang paghilab ng tiyan. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan ko para makarating agad sa ospital. Pagkababa ng sasakyan. Binuhat ko na ang asawa ko. Dinala ko sa loob ng ospital. Sinalubong kami ng mga Nurses. Napatingin sila sa akin na parang ang guwapo at ang macho ko. Totoo naman kasi iyon.

"Mga beautiful mamaya niyo na pagpantasyahan ang macho kong katawan. Tulungan niyo muna ang asawa ko!" Singhal ko sa mga nurses. Sinakay na nila sa stretcher ang asawa ko. Buti na lang nai-shoot ko ang phone ko sa bag na dala ko. Tinawagan ko si Kael malibog para samahan ako dito sa ospital. Wala kasi akong ideya sa ganitong senaryo. Si Kael kasi madami ng anak kaya may experience na.

"Naks, magiging Daddy ka na! Okay, pupunta ako. Tamang-tama wala akong trabaho." Napangiti ako. Maasahan talaga si Kael malibog. Kahit pang-asar ang pinsan kong iyon. Maasahan sa lahat. 

Palakad-lakad ako sa hallway ng ospital. Hinihintay ko ang paglabas ng Doktor. Napapansin kong halos lahat ng tao nakatingin sa akin. Ang macho ko kasi kaya ganun. Hindi ko na lang pinagkaabalahan ang mga tao. Umupo at tumayo ang ginawa ko sa bench.

Nakita kong humahangos na paparating si Kael malibog kasama ang asawa nitong si Felicity. Kumunot ang noo ko ng takpan ni Kael ang mata ni Felicity.

"Goddamnit! Logan, bakit ganyan ang hitsura mo?! Ganyan ka nagpunta dito sa ospital? What the hell!" pagmumura ni Kael malibog. Nagtaka naman ako. Ano bang hitsura ko? Nanlaki ang mata ko ng maalala kong naka-half naked pala ako at nakasuot ng boxer short. Naglalaba ako kanina. Natatandaan kong hinubad ko ang t-shirt ko dahil nainitan akong naglalaba kanina. Bumababa ang tingin ko sa boxer short ko na may bukol.

"My god, Logan! Magbihis ka! Ikaw pala ang pinag-uusapan ng mga tao sa lobby na naka-half naked at boxer short! At ang sabi nila daks ka daw!" sabi ni Felicity sa akin.

Kinuha ko ang isang t-shirt doon sa bag ni Danica para pantakip sa hubad kong katawan. Buti nagdala ako ng t-shirt dahil iyon ang gustong suotin ni Danica kapag nakapanganak na siya. Nagsidatingan din ang iba kong pinsan at sila Tito Dade at Tita Mame.

"Ano ba naman ang tagal naman ng doktor. Kanina pa iyon!" naiinip na sabi ko. Nagtatawanan ang mga pinsan ko sa hitsura ko. Hindi ko sila pinansin.

"Relax ka lang, bro. Masyado ka naman atat! Pati ba naman yang suot mo hindi mo na napansin nakahubad ka na! Buti nagsuot ka pa ng boxer short." Pang-aasar ni Alexandro sa akin. Sapakin ko kaya mukha nito. Hindi ako natutuwa sa biro niya. Siya kaya nasa kalagayan ko? Makukuha mo pa bang tingnan kung ano ang hitsura? Hindi di ba?

"Sapakin ko kaya yang betlog mo para hindi ka na magkaanak!" naiinis na sabi ko. Nagtawanan lalo ang mga siraulo kong pinsan.

"Tama na iyan! Nakikita niyong tense ang pinsan niyo. Kapag kayo nanganak ang mga asawa niyo ganyan din ang mga itsura niyo." Sabi ni Tita Mame. Napangiti ako dahil buti pa siya naiintindihan niya ang situation ko.

"Pero sana naman Logan, hijo. Hindi ka na muna nagbihis para nakita namin ang hitsura mo," sabi ni Tita Mame. Napa-peace sign pa ito. Napangiwi ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman. 

HINDI ko mapaniwalaang pogi ng anak namin ni Danica. Akala ko CS ang asawa ko dahil ang tagal ng labor nito.

"Kamukhang-kamukha mo Logan ang baby boy natin. Gusto kong pangalanan siyang Donovan. Ang astig ng dating ng name ng panganay natin," sabi ni Danica. Siya kasi ang pinagdesisyon ko kung anong ipapangalan sa mga anak namin.

"Napakagandang pangalan. Machong-macho," sabi ko.

 Salamat, Logan sa pagmamahal mo sa akin. Nagkalayo man tayo noon pero hindi ko akalaing hindi nawala ang pagmamahal mo sa akin. Ako din naman hindi ka nawala sa puso ko. Masaya ako dahil tayo pa din hanggang sa huli." Napangiti ako.

"Yes, babe. Ikaw lang ang babaeng iibigin ko habang buhay. Sa kabila ng pinagdaanan natin hindi tayo sumuko. Pangako ko aalagaan ko kayo ng magiging anak pa natin. I love you, babe."Hinagkan ko ang labi niya.

"I love you more bukol este babe." Masaya ako I have a complete family now. Hindi ko man naranasan ang magkaroon ng kompletong pamilya. Sisiguraduhin kong hindi magagaya ang anak ko sa naranasan ko. Ang mga pagsubok sa buhay ko at sa buhay ni Danica masasabi kong. Its Over Now. Nagkatitigan kaming mag-asawa. Napatingin kami sa anak naming nakahilig sa dibdib ni Danica.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

🎉 Tapos mo nang basahin ang BARAKO SERIES: #5 It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETED 🎉
BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon