Chapter 6

14.3K 426 23
                                    

DANICA

"Mag-ingat tayo beshy dahil mabigat na sindikato itong papasukin natin ngayon. Isama mo na lang kasi ako sa loob para kung sakaling mapalaban ka matutulungan kita," suhestiyon ng kaibigan at katrabaho kong si Sara.

"Hindi nga puwede. Dito ka lang at manmanan ang ibang parating na mga tauhan ng sindikato. Saka baka makatunog sila kung dalawa tayong nandoon. Trust me, beshy. I can do this alone." Paniniguro ko sa kanya. Nagbuntonghininga si Sara saka niya ako tinapik sa aking balikat.  

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Duh." Napatirik pa ito ng mga mata. Napangiti ako.

Nagpanggap akong prostitute sa isang elite bar ng mga mayayaman. Na-surveillance ang club na ito dahil may nakapag-tip sa amin na dito daw dinadala ang mga babaeng ibebenta nila sa mga customer at gagawing sex slave. May mga tauhan din kami na nasa loob ng club. Nagpapanggap na waiter. Kaya kung sakaling magkabukuhan may backup ako. May report din na nakalap na dito nagpupunta ang isang pinuno ng isang malaking sindikato ng droga.

"Sige beshy. I need to go. Nag-signal na ang nasa loob." Tinapik ko si Sara sa balikat nito.

Napatingin ako sa suot kong napaka-sexy. Halos lumuwa ang cleavage ko dahil malalim ang neckline ng suot kong hapit na damit. Maikli ang palda ko at may slit pa. Makapal ang makeup ko at nagsuot ako ng wig  para hindi ako makilala. Pinasingkit ko ang mga mata ko para naman tsinita ang effect ang hitsura ko.

Pumasok na ako sa loob para simulan ang show.  Ako kasi ang front act.P ole dancer ang gagawin ko dito. Pinag-aralan ko ang ganitong sayaw dahil nasa plano.

Habang papasok ng club hindi maiwasan ng mga lalaking nakakasalubong ko na hagudin ako ng tingin na parang pinagnanasahan ako sa uri ng kanilang mga tingin. 

May isa pa nga hinawakan ang puwet ko. Kahit gusto kong upakan ay hindi ko na lang pinansin. Kailangang kalmahin ko ang sarili sa mga taong hayok sa laman dito. 

Nag-aral din ako ng karate at Muay Thai dahil kailangan sa trabaho ko bilang pulis. Kaya kong depensahan ang sarili ko kapag nawalan ako ng bala.

Nagulat ako ng sumulpot sa harapan ko si Logan. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa lalaking humawak sa puwet ko. Bigla niyang sinakal ang lalaki. Diyos ko namang lalaki ito gagawa pa yata ng scene dito. Mabubulilyaso pa ang operation namin ngayon.

"Sir, huwag po kayong gumawa ng gulo dito," sabi ko kay Logan. Hinawakan ko ang malalaking niyang bicep. Oh my god, ang tigas.

Binitawan niya ang lalaking halos habol ang hininga nito. 

"Asshole, get out of here. I'm going to wring your fucking neck!" sigaw ni Logan dito. Tumakbo ito palabas ng bar.

Masisipa ko ang harap nito, eh. Grabe kung hindi lang talaga siya guwapo kanina ko pa ito binugbog ng yakap. Gusto kong batukan ang sarili ko sa pinag-iisip ko.

"Bakit hinahayaan mo lang na hawakan niya ang maselang bahagi ng katawan mo?! Look at your clothes? Damit pa bang matatawag iyan?! Halos nakikita na ang breast mo?!" nanlilisik ang mga mata ni Logan na nakatingin sa katawan ko.

Naku naman bakit ba nandito kasi ang lalaking ito? "Please Logan, don't ruin our operation. Part ng plano namin ito. Kaya please lang behave ka muna? Puwede ba? At paano mo ako nakilala?" bulong ko dito. Gusto ko ng sampalin ang guwapo na mukha nito. Kakainis naman.

"Kilala na kita sa katawan pa lang," sabi nito. Hindi ako naniniwala. Sinusundan siguro ako nito, eh. Napahinga ito ng malalim. Iwinaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa braso ko. Nagtuloy na ako sa loob dahil ako na ang sasalang sa stage.

LOGAN

NAG_INIT ang ulo ko ng makita kong pumasok si Danica sa club. Ano naman ginagawa niya dito? Ano pa nga ba part na naman ng trabaho nito. Talagang sinusundan ko talaga siya kahit saan ito magpunta.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now