Chapter 19

11.8K 392 18
                                    

LOGAN

HINDI din naming nakausap ng masinsinan si Mrs. Alejandro. Nagpasya na lang kaming umuwi ni Danica. Ayokong nakikitang umiiyak ang mahal ko. Ayaw pa sanang pumayag ni Mrs. Alejandro dahil gusto pa nitong makausap ang anak.

Hinaplos ko ang pisngi ni Danica. Nakatulog na ito dahil sa pag-iyak. Tumayo ako para tawagan si Alexandro. Kailangan niya din malaman ang tungkol kay Lady Dragon. Napakakomplikado ng mga nangyayari.

Nakipagkita ako sa pinsan kong si Alexandro. Habang hinihintay siya tinawagan ko muna si Danica. Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka tulog pa siya. In-end call ko na lang ang tawag. 

"Bro, anong pag-uusapan natin? Mukhang mahalaga, ah? Ayaw mong pag-usapan sa phone lang." sabi nito. Parang fresh na fresh ang hitsura ni Alexandro ngayon ah.

"Mukhang in love ka ah? Dahil ba kay bubwit?" tanong ko. Napangisi siya sa tanong ko.

"Gago! Siyempre!" pagmamalaki nito. I am so happy to him because hindi na siya babaero mula ng makilala niya si Melissa. He is a new guy now.

"It's about Lady Dragon" sabi ko. Sumeryoso ako.

"I already talked to her. Actually she is cooperating right now about the case I'm handling. She is willing to help. Makakatulong siya dahil madami siyang alam sa mga sindikato na sumusuporta sa droga. And she need to do that dahil nasa delikadong situation ang anak niya." napatango ako.

"So alam mo na anak niya si Danica?" tumango ito sa tanong ko.

"Matagal ko ng alam. Actually lihim kaming nag-uusap ni Lady Dragon. Siya ang source ko sa mga iniimbestigahan kong mga kaso." sabi nito.

"Nag-aalala ako sa mga taong gusto kaming patayin. Well kaya ko naman ang sarili ko. Pero I'm so worried to Danica. Ayokong may masamang mangyari sa kanya. Although I know she is a tough girl pero iba ang mga kalaban. Hindi natin alam kung sino sino ba sila. Gusto ko lang malaman kung sino ang mga taong nasa likod na posibleng kalaban ni Lady Dragon." napabuntong hininga ako. Sana matapos na ito. Para maging okay na ang buhay namin. At puwede ko ng ayain ng kasal ang mahal kong Danica. I want her to be happy.

"Don't worry tinatrabaho na namin iyan. Basta mag-ingat na lang tayo sa bawat kilos natin. And mayroon intelligence report about sa kaibigan mo." napakunot noo ako.

"How about Alice? What do you mean?" tanong ko.

"It's confirmed she's one of them. Miyembro siya ng underground syndicate. She is just using her business para mapagtakpan ang kanilang negosyong droga. Sinabi niya lang sa iyo ng kaibigan mong hindi siya humihingi ng pera para hindi ka mag-isip kung sakaling malaman mo ang about sa ama niyang drug lord. Do you remember the time na may nagtangkang pumatay sa iyo? Siya ang may utos nun. Umamin sa amin ang suspect na inutusan niya. He said everything. Pagkakamali mo lang you told her about the people behind it." napasuklay ako ng buhok. Hindi ko akalain magagawa niya sa akin iyon. Kumuyom ang kamao ko. We are good friends since high school. Paano niyang magagawa sa akin ito. Kaya pala nasa malayong lugar ang opisina nito at kakaiba ang hitsura ng bago nitong building. Iyon naman pala ginagawa nila itong hideout.

"So mag-ingat ka sa babaeng iyon. Don't worry nasa list na siya sa huhulihin namin. Sinusurveillance pa namin ang kilos niya. Baka makakuha pa kami ng evidence sa iba pa." sabi ng pinsan ko. Tinapik niya ang balikat ko.

"Salamat bro mag-iingat ako. Hindi ko hahayaang may mangyari sa akin at mas lalo kay Danica" sabi ko.

Umuwi akong madaming gumugulo sa utak ko. Nagiging complicated na ang lahat habang tumatagal. Habang naglalakad papunta sa sasakyan ko. Naalerto ako ng may napansin akong taong sumusunod sa akin. Hinanda ko ang baril ko. Nagtago ako sa isang gilid. Napansin kong nagpalinga linga ang taong sumusunod sa akin. Nag-igting ang panga ko.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now