Chapter 13

12.5K 446 23
                                    

LOGAN

NA-confine ako ng Ilang araw sa ospital dahil sa tama ng bala sa ilang bahagi ng katawan ko. Buti mababaw lang at hindi naapektuhan ang internal organ ko. Mabuti na ako ang may tama ng bala kaysa si Danica. Handa kong ibuwis ang buhay ko upang maging ligtas lang siya. 

Napangiti ako dahil kami na ni Danica. Kung hindi dahil sa nangyari sa akin ay hindi ko pa mapapaamin sa kanyang nararamdaman sa akin. Alam ko namang hanggang ngayon ay mahal pa din ako ni Danica. Hindi lang siya muna nag-focus sa pag-ibig dahil gusto niyang lutasin ang kaso ng mga magulang nito. 

"Babe," napalingon ako sa tumawag sa akin. Inuumang ko ang braso ko at nagpapayakap sa kanya. 

"Babe, na-miss kita," sabi ko. Napailing ito sa akin. Yumakap ako sa beywang nito.

"Tumigil ka nga diyan kurutin ko ang sugat mo, eh?" pagbabanta nito. Hinagkan ko ang labi nito at saka pisngi nito. Isinandal nito ang ulo sa braso ko.

"Babe, nahuli na ba ang mga tumambang sa atin?" napabuntonghininga si Danica.

"May lahi yatang palos ang mga iyon. Puro patay lang ang nahuli. Ang mga buhay nakatakas. Pero hindi ako titigil na mahuli sila lalo ang mastermind." Galit na sabi nito.

"Don't worry I will help you to find them," pangako ko. Kinintalan ko ng halik ang kanyang sintido. Napabaling siya ng tingin sa akin.

"Nahihiya nga ako sa iyo dahil sa akin natamaan ka. Imbes na ako sana ang nandito sa ospital." Hinaplos ko ang buhok nito.

"Babe, sabi ko naman sa iyo ibubuwis ko ang buhay ko huwag ka lang masaktan. Mahal na mahal kita, babe." Napangsuo si Danica. Nagsimula ng mangilid ang mga luha nito sa mga mata. Hinampas niya ng mahina ang braso ko.

"Ano ka ba?! Huwag ka nga magsalita ng ganyan. Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Tama na ang pamilya ko ang nawala. Ayokong may mawala pa sa mga mahal ko." Pinahid ko ang luha na pumatak sa pisngi niya.

"Hindi naman ako mawawala. Hindi ako papayag. Ang laki kaya ng muscle ko, oh?" pina-flex ko ang muscle ko. Napahawak doon si Danica.

"Basta huwag mo ng gagawin iyon. Buwis buhay ang ginawa mo, eh! Kainis ka!"

"Kiss tayo, babe?" ngumuso ako. Napangiti si Danica at tumango. Maghahalikan na sana kami nang bumukas ang pinto. 

Tangina naman! Sino bang istorbo na ito?

"Bro! Buti buhay ka pang gago ka! Na-stress ako sa inyo! Napapabayaan ko na ang lovelife ko!" reklamo ni Alexandro.

"Busalan kaya kita ng kamao ko. Makakareklamo ka pa kaya?!"

"Chief," sumaludo si Danica kay Alexandrong siraulo.

"May intelligence report na ang mga tumambang sa inyo. Tauhan sila ng numero unong drug lord ng Metro Manila. Kilala mo ang taong iyon Logan," napakunot noo ako. Napabaling ang tingin ko kay Danica na seryoso ang mukha.

"I have no idea? Sinong tinutukoy mo?" tanong ko.

"Siya ang ama ni Alice ang kaibigan mo. Matagal na naming sinusubaybayan ang matandang iyon. Nasa NARCO list siya. Well, kailangan pa namin ng matibay na ebidensya bago kami gumawa ng hakbang. Maimpluwensya ang taong iyon. Kaya niyang bayaran kahit sino. Kaya nag-iingat lang kami," paliwanag ng pinsan ko.

"I know naiintindihan ko. Pero kilala ko ang kaibigan ko. Hindi siya gumagawa ng illegal. Sa totoo niyan hindi ito humihingi sa ama. May sariling pera ang kaibigan ko. Ito ang ginagamit niya sa pagpapatayo ng business niya. Kaya malabong isa din si Alice sa mga drug lord na yan, " sabi ko. Napatingin bigla si Danica sa akin. Ang sama ng tingin niya.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now