Chapter 5

14.5K 443 21
                                    

DANICA 

NAGTAGO ako sa likod ng puno nang paputukan ako ng lalaki. Sumenyas si Logan na maghiwalay kaming dalawa. Nagpunta ako sa kabilang side. Gumulong ako para hindi ako makita. Inililis ko ang dress ko upang makuha ang swiss knife ko sa kanang hita ko.

Lagi ko itong dala lalo sa ganitong pagkakataon. Madaming mga sindikato akong laging nahuhuli kaya hindi malayong mainit ako sa mga mata ng mga drug lord.

Nakita kong palapit sa kinaroroonan ko ang isa pang lalaki. Inilabas ko ang maliit na swiss knife. Tinarget ko ang kamay nito na nakaumang sa akin ang baril nito. Sapol ang kamay nito. Napaluhod sa tama ng swiss knife ko ang lalaki kaya nabitawan nito ang  baril. Napatingin sa area ko si Logan. Pag-alala ang nakarehistro sa guwapo nitong mukha. Sumenyas ako na ayos lang ako.

Binaril ko ang nasa van. Nabasag ang harapan ng salamin nito. Pinaulanan nila ako ng baril. Kaya nagtago ako sa likod ng puno. Nakita ko si Logan na nakikipagbarilan sa mga lalaking nasa kabilang side.

Kinuha ko ang phone sa handbag ko para tumawag ng backup. Masyado silang madami para sa dalawang tao.

"Hello, Sara, we need backup right now! Nandito kami sa Makati park. Shit!" napamura ako ng umulan ng bala sa kinalalagyan namin ni Logan. Nakita kong gumulong si Logan papunta sa kinatataguan ko.

"Are you alright, babe?" hinawakan nito ang baywang ko. Gusto ko sana mapaismid puwede naman sa braso ako hawakan pero bakit sa baywang ko.

Pero wala na akong oras para magreklamo.

"I'm alright. Tumawag ako ng backup. Parating na sila," halos magkadikitan na kami ng mukha. Dahil nakayakap na sa akin si Logan.

Sabay kaming napabaling sa mga bumabaril sa amin.

"I'm out of bullet." Sabi ni Logan sa akin. Inililis ko ang dress ko para kunin ang isa pang baril na nasa kabilang hita ko. Napatingin si Logan sa legs ko. Nakita kong napalunok ito. Ibinigay ko sa kanya ang isa pang baril.

"Maghiwalay tayo," suhestiyon ko kay Logan.

"No! Ayaw kong maghiwalay tayo! Hindi na mangyayari iyon! Ngayon pa nagkita na tayo!" sabi nito. Napakunot noo naman ako sa pinagsasabi ng lalaking ito. Siraulo ba ito? Anong pinagsasabi nito? Bigla ko siyang binatukan. Napahimas ito sa batok nito.

"Anong sinasabi mo? Ang ibig kong sabihin doon ka sa kabila at dito ako para ma-distract natin sila," sabi ko. Siraulo talaga ang lalaking ito.

Napangisi si Logan sa akin. Inirapan ko lang siya. Kahit gusto ko ng haplusin ang guwapo nitong mukha. Ang macho pa niya ngayon.

Narinig ko ang sirena ng pulis. Dumating na ang backup namin. Nagkabarilan na sa park. Buti na lamang wala masyadong tao sa loob ng park. Napatay ang ilan at ang iba ay nakatakas. Gusto ko sanang malaman kung sino ang mya kagagawan nitong pagtambang sa amin. Sigurado akong may kinalaman ito sa kaso na hawak ko. Hindi nila ako mapapatumba dahil sila ang patutumbahin ko.

"Beshy!" tawag ni Sara nang lumapit sa amin. 

"Good thing nakarating kayo sa oras. Wala ng bala ang baril ko. Puro swiss knife lang ang mayroon ako."

Napasulyap si Sara kay Logan. "Oh, kasama mo pala si handsome boy. Girl ang macho niya huh?" napakagat labi si Sara. Gusto ko din mapakagat ng labi pero hindi ko ginawa.

Ang macho naman kasi ng lalaking ito. Walang kinana ang mga pulis na kabaro namin na ang lalaki ng tiyan. Mukha silang baboy na tumatakbo sa gitna ng city. Kailangan siguro magkaroon ng fitness day ang mga pulis na ito. Para kasi silang mga buntis. 

"Thank you, Logan sa pagtulong sa beshy ko. " Sabi ni Sara. 

Napasimple pa itong napahawak sa mabato-batong dibdib ni Logan. Parang nainggit naman ako doon. 

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora