Chapter 27

12.5K 422 24
                                    

LOGAN

NAHULI na ang Uncle ni Danica. Hindi ko akalaing isa itong mafia leader. Kahit si Daddy ay nagulat din sa nalaman. Matagal na silang magkaibigan pero hindi man lang niya ito nakitaan ng kahit ano para isiping isa siyang mafia. Talagang magaling lang siya magtago. Pero wala talagang lihim na hindi nabubunyag.

Mabuti na ang kalagayan ng asawa ko. Kahit muntik na niya akong mabaril. Pasalamat ako dahil sa sintas ko. Hindi ko pa oras matigok. Mamamayagpag pa ang kabukulan ko at macho kong katawan.

"Babe." bati ko sa asawa kong bagong ligo. Yumakap ako mula likuran nito. Hinagkan ko ang leeg nito. Hinampas niya ang braso ko.

 Logan kakaligo ko lang lalawayan mo na naman ako! Puwede ba maligo ka na! Amoy araw ka!" itinulak niya ako. Nagpunta ito sa harapan ng salamin at nagsuklay. Inamoy koang sarili ko. Hindi naman ako amoy araw. Amoy macho ako.

"Babe, wrestling tayo? Miss ko na laban natin." Pakiusap ko. Ilang buwan na ba mula noong honeymoon namin? Hindi na nasundan yun. Naging busy kami sa trabaho. Dumagdag pa ang nangyari sa pagdukot sa Mommy ni Danica. Kaya natuyot ang bukol ko. Parang balon walang tubig kaya natigang na. Kailangan ng diligan.

"Bakit ngayong pang nakaligo na ako?! Sana kaninang hindi pa ako naliligo bago mo ako inaya!" singhal nito sa akin. Bakit ba ang sungit ng asawa ko. Parang naglalambing lang.

"Eh, di maligo uli tayo. Wala namang problema doon." Pinulupot ko ang braso ko sa kanyang beywang. Siniko niya ako kaya napangiwi ako. Nabitawan ko siya sa pagkakayakap.

"Babe, naman ang sakit mo maniko. Para akong sinaksak ng kutsilyo." Napahawak ako sa tagiliran kong nasiko.

"Sinaksak talaga?! Ako nga parang sinaksak kapag nakaturo ang bukol mo sa ano ko! Maligo ka na nga may pupuntahan pa tayo!" Napakunot ang noo ko.

"Saan tayo pupunta?" tiningnan lang niya ako at lumabas ng silid namin.

Ano kaya ang gagawin ng asawa ko? May binabalak yata iyon? Nagpunta ako ng bathroom para maligo. Nang matapos na akong maligo nagpasya akong sundan sa baba ang asawa kong maganda.

Pagkababa ng hagdan nakita ko si Danica na nakaupo sa sofa. May binabasa itong sulat.

"Babe! Ready na ako. Saang part tayo magla-loving-loving" birong sabi ko. Inirapan ako ng asawa ko.

"Loving-loving sinasabi mo? Umayos ka Logan kung hindi wala kang score sa akin mamayang gabi!" pinanlakihan niya ako ng mata.

"Maayos naman ako, ah? Halika na babe baka ma-traffic tayo." umabrisyete ito sa braso ko.

GUSTO ko sanang ako ang mag-drive pero ang asawa ko ang nag-volunteer.

"Where are we going, babe?" I asked her. Sabay himas sa binti niyang mapintog. Hinampas niya ang palad kong humihimas sa legs nito.

"Stop it Logan! I am driving!" she hissed at me.

"Ito naman para hinawakan lang." Reklamo ko ng ialis ko ang palad ko. Naupo ako ng matuwid. Naglalambing lang ako sa kanya ayaw pa. Kung iba-iba lang iyan. Dakma agad!

"Mamaya ka na maglambing tingnan mong nagda-drive ako." Sabi nito.

"Okay, sinabi mo yan. Mamaya na lang kita lalamasin," sabi ko sabay kindat sa akin. Napapairap sa akin si Danica.

Narating namin ang ospital. Bakit nandito kami sino ang dadalawin namin? Pagkakaalam ko okay na ang Mommy ni Danica? Back to normal na ang lahat.

"Babe, sino ang dadalawin natin?" tinaasan ako ng kilay ng asawa ko.

"Ipapatuli kita ulit!" nagulat ako sa sinabi ni Danica.

"What?! Bakit mo ako ipapatuli? Natuli na ako, babe! Hindi puwedeng tuliin ang tuli na!" sabi ko.

Baka maging paliko na ang bukol ko kapag tinuli uli ako. O kaya naman mabawasan ang haba niya. Hindi ako papayag.

"Uwi na tayo! Ako ang magda-drive!" halos nagtaas na ako ng boses. Napalingon sa amin ang mga tao na papasok ng ospital. Binatukan ako ni Danica. Napakamot ako sa batok ko. Grabe naman ang asawa ko kung maka-under.

"Ewan ko sa iyo! Hindi ba uso ang mag-joke?! Naniniwala ka ba na may pangalawang tuli? Wala naman di ba?" sabi nito. Aba malay ko ba?

"Babe, naman akala ko naman totoo iyon, eh. Baka kasi kapag hiniwaan ulit ang bukol ko lumiit na ito" reklamo ko. Napahawak ako sa bukol ko. Naawa tuloy ako. Hindi na siya tatawaging bukol.

"Baka gusto mong ako na manghiwa para maniwala ka na talaga! Hay, naku! Masyado kang madaling maniwala, Logan!" hinila na niya ako at nagmadali kaming naglakad.

Tumapat kami sa isang pinto may nakalagay na Dr. Helen De Belen, Obgyne Clinic.

"Para san ba itong doctor na ito?" nakakunot  ang noo ko. May sakit ba ang asawa ko kaya siya magpapa-checkup? Napabuntong hininga lang si Danica sa sinabi ko.

Pagkapasok namin lumapit kami sa isang table doon at may nakaupong babae.

"Good morning, Ma'am Danica. Nandiyan na po si Doktora hinihintay na po kayo," sabi ng babae. Nagtatanong na tingin ang pinukol ko kay Danica.

"Hi, Danica. Oh, kasama mo pala ang pogi at macho mong asawa. Have a sit," sabi ng Doktora. Naupo kami sa sofa. Napatingin ako sa mga naka-display na mga picture sa wall. May mga babaeng buntis. Buntis naman pala. Napatingin uli ako sa picture pati na din kay Danica at Doktora.

"Buti naman kasama mo na ang asawa mo sa pagpapa-prenatal mo. Mas maigi nga iyon para mapaghandaan ni Mister ang araw ng panganganak mo. Malalaman kung ilang months na ang baby niyo."

Baby lang pala. Bigla akong napabaling ng tingin sa doktora na nakangiti sa akin.

"Baby, dok?" tanong ko. Feeling ko kasi hindi ko alam ang ibig sabihin ng baby. Nawindang ang macho.

"Yes, Mr. Dela Costa. Your wife is 8 weeks pregnant. Last time hindi ka niya naisama. Busy ka daw buti ngayon nakasama ka na." Nakangiti na sabi ng doktora. Hinawakan ko ang palad ni Danica at iniligay sa aking labi. Masaya ako at magkakaanak na kami. Ito ang pinakahihintay ko sa lahat. Ganoon na pala kami katagal na mag-asawa. Feeling ko kasi noong isang linggo lang kami ikinasal. Sa sobrang busy hindi ko na namalayan ang buwan na lumipas.

Humiga na sa mahabang higaan ang asawa ko. Pinataas nito ang damit kaya tumambad saa kin ang tiyan ni Danica. Kaya pala may moodswing ito palagi. Akala ko naman naiinis lang siya. Sign na pala iyon ng pagbubuntis niya.

May inilagay na cream ang doktora sa tiyan ni Danica. Napatingin kami sa maliit na monitor.

"Ito ang baby niyo." Itinuro niya ang isang maliit na parang may hugis. Kahit macho ako napaluha ako ng makita ko ang magiging anak namin ni Danica. Hindi ko akalain na makakabuo kami ng ganito. Ginagap ni Danica ang palad ko ng makita niya akong naluluha. Napakasaya ko. Sa kabila ng pinagdaanan namin hirap nitong nagdaang buwan. Binigyan kami ng diyos ng isang napakagandang regalo.

"Thank you, babe." Sabi ko. Hinagkan ko ang labi ng asawa ko.

"I love you, babe." Sagot nito.

"I'll be a good father to our baby. And I'll be a good husband to you. I love you more." Sabi ko habang ang mata ko ay hindi mapigilan mapaluha.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13






BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang