Chapter 12

12.1K 426 19
                                    

DANICA

Nakakalap ako ng information mula sa bago kong kaibigan na si Alice. Buti na lang hindi nakahalata ang babae na ini-interview ko siya about sa father niyang kriminal.

Nilista ko lahat ng pinupuntahan ng ama nito at kung anong araw. Kailangan ko munang manmanan ng ilang araw para masigurado kong nandoon nga ang target ko.

"Babe," tawag sa akin ni Logan. Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng PAF. May dala na naman itong bulaklak.

"Thank you sa flower," kinuha ko ang flower. Inumang niya ang braso nito para hawakan ko. Pa-simple kong dinama ang malalaki nitong muscle sa braso nito.

Ang bango pa ni Logan kahit hapon na. Sinamyo ko ng palihim ang balikat ni Logan.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang nasa sasakyan na kami ni Logan.

Iba kasi ang naging way namin.

"Gusto ko sanang kumain tayo sa favorite kong lomihan. Hindi ba favorite mo ang lomi?" sabi nito. Napangiti ako. Iyon ang lagi kong kinakain kapag nag-aaya si Logan kumain noong high school kami sa favorite naming lomi house. Hindi pa din pala niya nakakalimutan.

"Yes, it's one of my favorite food. You still remember," sabi ko.

"Yes of course dahil hindi talaga kita kinalimutan babe. Kahit ilang taon na ang lumipas," kumindat pa ito sa akin. Napairap ako sa sinabi niya. Iyong lomi ang pinag-uusapan namin hindi ang pinagsamahan namin noon. Siraulo.

"Ewan ko sa iyo Logan masyado kang cheesy," natatawang sabi ko.

"We're here." 

Bumaba si Logan para pagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan pa ako ng kumag. Akala mo naman hindi ako makakalakad. Kulang na lang buhatin niya ako. Pinagsiklop niya ang aming kamay. Hindi ko maitatangging gusto ko ang ginagawa niyang pag-aalaga at pagiging sweet. Hindi pa din siya nagbabago dahil kahit noon ganun pa din ang ugali niya. Ang nag-iba lang ang pangangatawan nito. Ang macho na niya ngayon.

Pumasok kami sa loob ng mamihan. May sumalubong na babaeng mukhang GRO. Bigla itong lumapit kay Logan at humawak sa beywang nito knowing na katabi ako ni Logan.

"Hi, Logan! Buti napadaan ka dito. Na-miss kita," tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ng babaeng mukhang GRO. Ano ba ito dito? Ang iksi ng suot niyang dress. Kapag tumuwad ito makikitahan na ng tumbong nito. Pa-simple akong itinulak ng babae kaya napahiwalay ako kay Logan. Nagsisimula ng mangati ang paa kong sumipa. Masasampulan ko ang isang ito.

"Yeah, I'm with my girlfriend,"sabi ni Logan at napatingin sa akin habang nangangamot ng ulo. Tiningnan ko ang babaeng GRO. Inirapan niya ako. Parang balewala lang ang sinabi ni Logan sa babae. Kumapit pa ito sa braso ni Logan. 

"Bhe, iyon pa din ba dati mong order ?" tanong ng hitad kay Logan. May pa bhe pang nalalaman ang babaeng ito.

"Yes. Favorite namin ng girlfriend ko kasi ang Lomi." 

May pagmamalaki kong tiningnan ang babaeng linta. Irap lang nang irap ang babae sa akin.

Umupo na kami. Kinuha ng waiter ang order naming lomi.

"Sino yung babae kung makapit parang tuko? Ex mo?" nanlaki ang mga mata ni Logan.

"No! She is not my ex! Wala akong naging girlfriend magmula ng maghiwalay tayo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko wala ng iba. Kahit may maghubad pa sa harapan ko hindi ako magiging mahina. Pero kapag ikaw ang naghubad sa harapan ko magiging mahina ako. Iikaw lang ang tinitibok nito," napamaang ako kasi dalawa ang hinawakan ni Logan. Ang puso at ang pagkalalaki niya.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now