Chapter 21

11.4K 398 25
                                    

LOGAN

Nagising ako napasapo ako sa ulo ko. Napakabigat ng pakiramdam ko. Ano bang nangyari kagabi?

"Buti naman gising ka na babe. Oh, inumin mo itong kape para hindi sumakit ang ulo mo sa taas. Ewan ko sa baba." napakunot noo ako. Anong ginagawa ko dito sa bahay ni Danica. Ang alam ko nasa bahay ako ni Titus at nag-iinuman kami doon.

"Paano ako nakapunta dito sa bahay mo babe?" tanong ko. Hinilot ko ang sintido ko dahil nagsisimula ng sumakit ang ulo ko.

"Ano?! Hindi mo natatandaan ang ginawa mo kagabi?!" salubong na ang kilay ni Danica sa akin. Ano ba ang ginawa ko kagabi. Nanlaki ang mata ko. Baka may nangyari na sa amin ni Danica! Sobrang lasing ako kagabi hindi ko na matandaan.

"Ang alam ko nasa kaibigan ako at nag-iinuman kami. Hanggang doon lang natatandaan ko." halos lumukot sa kunot ang noo ni Danica dahil sa sinabi ko.

"Nakikita mo ito?!" pinakita nito ang daliri na may singsing. Nanlaki ang mata ko. Paano napunta sa kanya ang singsing? Hindi pa naman ako nagpropropose. Dahil balak ko pa lang.

"Paanong napunta sa iyo ang singsing?" tanong ko. Napakamot ako ng ulo ko.

"Naglakad ang singsing tapos sumuot sa daliri ko! Kaya napunta dito!" sarkastikong sabi nito.

"Babe, I'm not kidding. I'm serious to my question." sabi ko sa seryosong tinig. Tinitigan ako ni Danica na parang dismayadong dismayado sa sinabi ko.

"Seryoso din ako! Oh hayan ang singsing mo! Ibigay mo yan sa baabeng gusto mong pakasalan! Parang ang sama ng loob mo na suot ko ang singsing! Bakit may pagbibigyan ka ba nito na ibang babae?!" binigay nito ang hinubad na singsing. Umiling ako.

Isang nakakasugat na tingin ang ipinukol niya sa akin. Tsaka niya ako tinalikuran. Napatulala ako. Napatingin ako sa singsing.

"Tangina!" mura ko. Tumayo ako bigla at sinundan ang babe ko. Nagpalinga linga ako sa sala subalit wala ito. " Babe!" sigaw ko.

"Naku Sir lumabas na po si Ma'am Danica sakay po ng kotse niya." sabi ng katulong na nakasalubong ko. Nakatingin siya sa akin na para bang isa akong taong sinauna.

Nagmadali akong sumakay sa sasakyan ko. Kahit hindi ako sigurado kung saan ito nagpunta.

Nakarating ako ng matiwasay sa presinto. Nakita ko ang sasakyan ni Danica. Bumaba ako kaagad. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko sa loob ng presinto. Nakita kong palabas ng opisina si Alexandro. Napahinto ito ng paglalakad. Napatitig din sa akin ang pinsan ko na para bang isa akong terorista sa paningin niya.

"Nasaan ang opisina ni Danica!" tanong ko sa pinsan ko. Napatawa ito na parang nang-aasar.

"Parang kakagaling mo lang ng giyerahan huh?! Talagang ganyan talaga?" napakunot ang noo ko sa sinabi ng pinsan ko.

"Anong ganyan talaga?! Sabihin mo na lang kaya kung saan ko makikita ang opisina ni Danica!" sigaw ko dito.

"Akala ko kakasisid mo lang mukha yatang nabitin ka? Doon ang opisina ng babe mo. Hoy paalala ko lang bawal ang sumisid dito. Ganyan talaga?!" tinalikuran na ako ng pinsan ko. Gago talaga iyon. Anong sinasabi niyang ganyan talaga? Pinuntahan ko na ang opisina ni Danica. Binuksan ko na lang kaagad ang pinto nito. Wala ng katok katok.

Nagulat pa ito ng makita ako. Napatayo ito sa swivel chair niya.

"Logan anong ginagawa mo dito?! Diyos ko naman ganyan talaga?!" sabi ni Danica. Bakit ba ang big deal ng pagpunta ko dito? Ano ba kasing ibig sabihin nila sa ganyan talaga?

"Sorry na babe. Sa iyo naman talaga ang singsing. Hindi ko lang kasi natandaan na nagpropose pala ako sa iyo kagabi. Alam mo naman senglot ako kagabi. Sorry na talaga babe." lumuhod ako sa harapan niya at yumakap sa baywang nito.

"Okay pinapatawad na kita. Tumayo ka na diyan. Tsaka puwede ba Logan bago ka lumabas ng bahay magsuot ka naman ng pants. Nakaboxer short ka lang!" napatingin ako sa pang-ibaba ko. Napangiti ako ng alanganin. Kaya pala ganun na lang ang tingin nila sa akin. Nakasuot lang pala ako ng boxer short. Tanginang alak iyan. 

DANICA

WALANGHIYANG machong Logan na iyon. Kinalimutan niya ang nangyari kagabi! Kahit na senglot hindi naman ganoon ang gusto kong proposal niya! Malaking bagay sa akin iyon.

Pumasok ako sa opisina ko na mainit ang ulo. "Oh, Beshy. Bakit ganyan ang mukha mo para kang sinaniban ng mga sampong drug lord?" inirapan ko ito.

"Naiinis lang ako kay Logan. Matapos mag-propose ng lasing ngayon hindi na niya natandaan anong nangyari kagabi! Napahiya pa nga ako the way ng pagkakatanong niya! Bakit nasa akin ang singsing? Sinong hindi mag-iisip na mayroon siyang ibang pagbibigyan sa singsing?! Para bang ninakaw ko pa sa kanya! Walanghiyang iyon!" bumunghalit ng tawa si Sara dahil sa sinabi ko.

"Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?!" pumameywang ako at sinamaan ito ng tingin.

"Hindi lang pala topre ang boyfriend mo. Makakalimutin din. Sayang ang macho at ang ang laki niya, huh?" tinalikuran na ako ni Sara habang tumatawa. 

Pumasok na ako sa opisina ko. Hindi pa nag-iinit ang puwet ko sa swivel chair ko ng pumasok si Logan. Napatingin ako sa kanya. Bakit pumunta dito ang walanghiya na naka-boxer short lang?

"Logan, anong ginagawa mo dito?! Diyos ko naman, ganyan talaga?!" sabi ko. Diyos ko ako ang naiiskandalo sa bukol ni Logan. Nagtataka niya akong tiningnan.

"Sorry na, babe. Sa iyo naman talaga ang singsing. Hindi ko lang kasi natandaan na nag-propose pala ako sa iyo kagabi. Alam mo namang senglot ako kagabi. Sorry na talaga, babe." napairap ako. 

May gana pa siyang magsabi na sa akin ang singsing? Ang liwanag ng pagkakasabi niya kanina. Para bang hindi niya intention na ibigay ang singsing sa akin. Nagulat ako ng lumuhod ito sa harapan ko at yumakap sa baywang ko. Napabuntonghininga ako ng malalim.

"Okay, pinatatawad na kita. Tumayo ka na diyan. Puwede ba Logan bago ka lumabas ng bahay magsuot ka naman ng pants. Naka-boxer short ka lang!" sabi ko.

Bumubukol ang bukol niya. Siguradong pinagpiyestahan na ito sa labas. Lalo na iyong mga babaeng laging tumatambay sa labas ng presinto. Tiba-tiba ang mga mata nila. Hindi man lang kasi tinitingnan ng isang ito kung nakasuot siya ng pants. Gago talaga!

Buti na lang boxer shorts ang isinuot niya. Paano na lang kung brief? Diyos ko hindi ko ma-imagine ang mga taong makakakita sa kanya? Dumagundong ang puso ko ng maaninag ang kahabaan nitong naninigas. 

(A/N: Pasensya na po maikli ang UD at walang UD sa ibang story ko naging busy ako kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Pasensya na po maikli ang UD at walang UD sa ibang story ko naging busy ako kanina. Ito muna inuna ko sa Barako kasi ending na din ang story ni machong Logan. Bukas na ang UD ng iba. Salamat po. Enjoy reading.)

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon