Chapter 26

12.3K 391 28
                                    

LOGAN

"Tangina! Pumasok na tayo sa loob!" sabi ko sa mga kasama ko. Hinarang ni Sara ang braso nito sa malapad kong dibdib.

"Hindi muna tayo papasok sa loob. Kailangan nating maghiwa-hiwalay. Kapag nasa alanganin si Danica saka tayo susugod. Hindi puwedeng sumugod agad sa loob. Baka trap lang ito. Kaya relax ka lang macho, okay?" 

Naiinis ako dahil nag-aalala ako sa asawa ko. Wala akong magawa kung hindi maghintay kami ng pagkakataon.

"Tama si Sara. Hindi dapat tayo magpapadalos-dalos. I know alam nilang may kasama si Danica. We must spread! Doon ako sa likod. Ikaw sa tagiliran. At si Sara sa harapan ko. I mean doon sa may lalabasan ko." Kinindatan ni Nathan si Sara. Napairap ako sa dalawa. Mukhang lalandi ang dalawang ito. 

Nagpunta ako sa bandang tagiliran. Napansin kong may nagbabantay. Kinuha ko ang baril na nakasukbit sa beywang ko. Habang papalapit ako sa pinto. May nagtutok ng baril sa ulo ko.

"Oras na gumalaw ka matutuluyan ka!" Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko. Nagtagis ang panga ko. Tangina! Bakit ngayon pa ako nahuli. Kailangan kong malusutan ito. Kailangan ako ng asawa ko. Hindi dapat ako maging mahina dito! Ang macho ko para maging mahina. Gagamitin ko ang lakas ng mga biceps at muscle kong namumutok. Napangisi ako.

"Ibaba mo ang baril mo!" utos nito. 

Dahan-dahan kong ibinaba ang baril ko. Tiningnan ko ang paa nito. Bumuwelo lang ako. Bigla kong inuntog ang ulo ko sa mukha ng lalaki. Napaupo ang lalaki habang sapo ang ilong nito. Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Malakas  kong sinipa ang panga nito. At isa pang sipa ang ginawa ko. Natumba ang lalaki. Hinila ko ito para itago sa loob ng drum na nakita ko. Pumasok ako sa pintuan. Nagtago ako sa gilid nang maulinigan kong may nag-uusap. Tatawagan ko sana ang dalawa kong kasama ngunit wala akong dalang cell phone. Gagamitan ko na lang ng diskarte.

"Mga brod pinapatawag kayo sa labas. May nakita silang tao na magmamanman." Sabi ko sa dalawang pinagkaitan ng mukha.

"Sino ka?" tanong sa akin ng isa na mukhang bulldog. Mayron palang ganun na tao. Kahawig niya talaga iyong bulldog na aso ng kapitbahay namin.

"Bagong recruit lang ako dito mga brod."

Napatingin naman ang isa. Nahiya naman ang mukha niya sa tigyawat.

"Isko, puntahan mo na baka malusutan tayo dito." Sabi ng lalaking mukhang bulldog.

"Bakit ako lang?! Dapat tayong dalawa!" sabi ng isa na mukhang tigyawat.

"Okay, tayong dalawa na lang. Siya na lang dito sa loob." Napangisi ako ng lihim. Mga bobo din pala ang mga tauhan ng mafia.

"Oo ako na lang maiiwan dito. Sa laki ba naman ng muscle ko kayang-kaya kong patumbahin ang magtatangkang pumasok dito." Pagmamayabang na sabi ko. Itinaas ko pa ang braso ko para ipakita ang muscle sa braso. Nagtawanan naman ang dalawang lalaki. Nang masiguro kong nakalayo ang dalawa nagpasya akong pumasok sa loob. Napahinto ako dahil maalala kong baka may CCTV Camera dito. Tangina!

DANICA

GUSTO kong paulanan ng sipa ang lalaking hindi ko akalaing magtatraydor kahit sa sarili nitong kapatid. Napakademonyo niya. Naawa ako kila Mommy at Daddy wala silang kasalanan para patayin sila. Napakabuti nilang tao.

"Napakasama mo! Hindi ko akalaing pati sarili mong kapatid kaya mong patayin. Isa kang demonyo!" hindi ako makagalaw dahil itinali nila ang kamay at mga paa ko sa upuan. Humalakhak na parang demonyo ang Tito ko. Ang kapatid ni Daddy. Pinaikot niya ang baso na hawak nito. Nagtagis ang bagang ko. Napakagaling niyang magtago isa pala itong mafia leader na kalaban ng pamilya ko. Mautak din ang mga ito dahil pinaikot niya kami.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now