Chapter 14

11.4K 404 24
                                    

LOGAN

SUMASAKIT ang dalawang ulo ko. Nabitin ako sa paghimas ni Danica sa kasundaluhan ko na tumitirik na sa tigas.

Bumukas ang pinto pumasok ang kaibigan kong si Alice. Napatakip ako sa bumubukol ko ng kasundaluhan. Pasimple ko itong nilagyan ng unan para hindi halata.

"Kumusta ka na Logan? Nabalitaan ko ang nangyari sa iyo?" sabi nito. Umupo ito sa tabi ng kama ko.

"Okay na ako Alice. May mga taong tumambang sa amin. Iniimbistigahan pa kung sino ang nasa likod nito" sabi ko.

May dalang basket ng prutas ito. Inilapag niya sa tabi ng kinahihigaan ko.

"How's your new office?" tanong ko para maiba naman. Nadidistract kasi ako sa bukol ko naninigas pa din kasi.

"Are you okay Logan bakit parang may masakit sa iyo?" hinawakan ni Alice ang braso .

"I'm okay medyo masakit pa din ang bukol ko este ang sugat ko," napangiti ako ng alanganin.

"Kain ka ng fruits para madaling maghilom ang mga sugat mo. Nag-worry ako ng sobra ng malaman kong nangyari sa inyo ng girlfriend mo. Nasaan pala siya?"tanong nito.

"Pumasok muna sa presinto nila. Mamaya pa babalik iyon," nakangiting sabi ko. Masarap pakinggan ang salitang girlfriend.

NAGMULAT ako ng mga mata nang may naramdaman akong tao nasa loob ng silid ko.

Isang lalaking nakasuot ng doctor. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot ng mask. Tanging mga mata ang makikita sa kanya. Hindi naman ganito ang doctor na kumausap sa akin last time. Kinutuban ako. Kung pupunta ang doctor dito bakit siya ang magpapalit ng dextrose dapat ang nurse.

"Who are you?!" tanong ko sa lalaki. Nagulat pa ito ng makitang gising ako.

"I just checking your status," sabi nito. May tinitingnan kunyari sa log book nito. Kahit masakit ang tama ko sa tagiliran sinipa ko ang lalaki. Napasadsad ito sa sulok. Naglabas ito ng baril pero nagawa kong masipa ang hawak nito. Kaya nabitawan ang baril na hawak niya.

"Sino ang nag-utos sa iyo!" sigaw ko ng ma-corner ko ito. Inapakan ko ang leeg nito.

Isang ngisi lang ang binigay niya sa akin. Hinawakan ko ang buhok nito at sinakal. Isinandal ko ito sa pader. Napaigik ang lalaki. Malakas kong isinandal ang lalaki sa pader na nagpa-igik sa kanya. 

"Hindi mo ba sasabihin kung sino nag-utos?! I will wring your fucking neck!" sigaw ko sa kanya. Kahit sumasakit ang sugat ko pinilit kong indahin ang sakit.

"Kahit patayin mo ako wala kang makukuha sa akin!" matigas na sabi nito.

Sa sobrang inis ko sinapak ko ng ubod lakas ang lalaki. Nakatulog siya. Kinuha ko ang cell  phone ko at tinawagan ang pinsan kong si Alexandro. Napangiwi ako ng sumakit ang sugat ko. Napahawak ako sa tagiliran ko. Nakita kong may dugo ang kamay ko. 

"Punta ka dito Alex ngayon na! May nagtangka sa buhay ko. Tangina!" nagtagis ang bagang ko.

PUMAMEYWANG si Alexandro habang nakatayo sa harapan ko.

"Sino naman ang nagbabanta sa iyo?" tanong nito.

"Gago! Pulis ka di ba? Di ikaw ang maghanap sinong nagtangka sa akin. Ako pa talaga tatanungin mo! Hindi ko din alam at wala akong ideya kung sino," naiinis na sabi ko. Hindi na ako makapagtrabaho dahil sa mga buwisit na nagtatangka sa buhay ko.

"Tarantado! Siyempre kami lang ang mag-iimbistiga. Ikaw dapat ang nakakaalam kung sino ang alam mong may galit sa iyo!" napairap sa akin ang pinsan ko. Siraulo ito.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now