Chapter 15

12.8K 463 45
                                    

DANICA

Nangangamba ako sa kaligtasan ni Logan. Lalo pa ngayon hindi lang ako target ng mga sindikato pati na din ang iba pang kapulisan.

Kung bakit kasi nakikiaalam pa si Logan sa kaso na hawak ko. Hindi naman siya pulis. Tuloy nanganganib na siya ngayon. Ayokong mangyari na madamay siya ng dahil sa akin.

" Beshy ang lalim yata ng iniisip mo? Bakit iniisip mo ang bukol ni machong Logan? Kung paano mo sisisirin?" sinamaan ko ito ng tingin. Well slight lang na naiisip ko.

" Iniisip ko lang damay na si Logan sa mga taong pinagtatangkaan ng mga sindikato. Kailangan nating magdoble ingat kasi hindi natin alam ang mga kaaway. Madaming galamay ang mga sindikatong iyon." napaupo ako at pinagsiklop ang kamay ko.

Umupo din siya sa silya na nasa tapat ng table ko.

"You're right kaya nga ako medyo nag-iiba ako ng color ng buhok. Alam mo na?" kaya pala iba na ang kulay ng buhok nito.

Napalingon kami ng pumasok sa opisina ko si Sr. Spt. Alexandro Dela Costa. May hawak itong folder.

" Insp. Danica and Insp. Sara. Ito ang mga list na tratrabahuin natin ngayong linggo. Gumawa na ako ng plan para mahuli na ang mga ito. " iniaabot niya sa akin ang folder.

Sumaludo kami at ganun din siya. Lumabas na ito sa opisina ko.

"So be ready mapapasabak na naman pala tayo." sabi ni Sara. Tumango ako.

Kailangan kong maghanda. Hindi dapat ako magpapatalo sa mga kriminal na iyon. Kailangan nilang mawala sa mundo dahil salot sila na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

NAKATAYO ako sa labas ng presinto habang hinihintay ko si Sara. Nakasuot ako ng cap at panlalaking kasuotan. Mukha tuloy akong tomboy.

Pupunta kami ng mall. At may gagawin kaming pag-iimbestiga sa isang sindikato na nakalista sa folder na binigay ni Sr. Supt. Dela Costa.

"Hey beshy ready na ang beauty ko." sabi ni Sara. Nagulat pa nga ito ng makita niya ako.

Pinasadahan ko si Sara ng tingin dahil ang sexy ng suot nito. At hindi ko siya nakilala. Inabakyan ko ito at kiniss sa pisngi.

"You're beautiful babe!" sabi ko sabay kindat dito. Itinulak ako ni Sara na parang diring diri.

"Eww! Hindi ako pumapatol sa babae!" singhal nito sa akin. Natatawa akong napailing.

"Gagi kunyari lang ito. Siyempre para kapanipaniwala. Ayos ba?" tanong ko. Nag-thumbs up lang si Sara.

Narating namin ang mall. Pinuntahan na namin ang restaurant na pinupuntahan ng target namin. Nakita namin itong may kasamang mga kalalakihan. Napangisi ako dahil tamang-tama ang disguise nitong si Sara.

"Go maglandi ka na," natatawa kong utos kay Sara. Inirapan lang ako nito. May binigay akong maliit sa kanya na device for tracking. Bahala na siya kung paano niya didiskartihang ikabit sa mga kriminal na iyon.

"Akong bahala babe ko," malanding sabi ni Sara sa akin. Ako naman ang napangiwi ng himasin niya ang braso ko. Gaga talaga.

Nakita kong lumapit sa tatlong kalalakihan si Sara. Ni-ready ko ang hearing device ko para marinig ang mga pinag-uusapan nila. Walanghiyang Sara iyon hindi ko akalain kaya niyang maglandi ng ganun. Napatingin ako sa kabilang side. Parang pamilyar ang likod ng isang lalaki. Nakasuot ito ng cap kaya hindi ko makita ang mukha nito. Baka naman kamukha lang ng likod ni machong Logan. Kainis na-miss ko na ang gagong iyon.

Humigop ako ng kape sa cup ko. Nakita kong tumayo na ang mga kalalakihan at kasama si Sara. Kaya pa-simple din akong napatayo. Sinundan ko sila hanggang parking lot. Nagtago ako sa isang sasakyang nakaparada. Kailangan naming makakuha ng ebidensya sa mga ugok na ito. 

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now