Chapter 25

13.3K 398 25
                                    

LOGAN

Nang bumaling ako sa kabila ng side ng higaan ay may nahawakan akong katawan. Nagmulat ako ng mga mata. Napahinga ako ng maluwag nang masilayan ko ang asawa ko. Payapa itong natutulog habang nakayapos ang braso nito sa beywang ko. Hinagkan ko ang noo nito. 

Bumangon ako upang maligo. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng boxer. Naglakad ako patungong bathroom. Ngunit bumalik ako sa kama namin dahil nagbago ang isip ko. Sabay na lang kaming maliligo ng asawa ko. 

Nakita kong nakaupo na ang asawa ko. Pupungas pungas itong napatingin sa paligid. She is so hot kahit magulo ang buhok.

"Babem good morning." Bati ko at saka nilapitan ang asawa ko. Hinagkan ko ang kanyang labi.  Pinalalim ko ang halikan namin. Pinisil ko ang kanyang dibdib. Napaungol  ito sa ginawa ko. Tinampal niya ang kamay ko ng pinisil pisil ko pa uli ang kanyang dibdib.

"Ano ba Logan! Nilamog mo na ang dede ko!"reklamo nito. Hindi ko kasi mapigilang panggigilan ito.

"Umungol ka naman kaya ibig sabihin nasarapan ka." Biro ko sa kanya na ngayon ay namumula na ang pisngi nito. Mas lalo siyang gumanda sa paningin ko.

"Malandi ka kasi. Paanong hindi din ako lalandi?" anito. Kaya natawa ako. Tumayo ako para tumawag sa hotel service. Magpapa-deliver kami ng breakfast namin.

"Sabay na tayo maligo, babe?" hinimas ko ang balikat nitong naka-exposed.

"Baka naman hindi ligo ang gagawin natin? Sasalakay ka na naman?" itinulak niya ako. Natatawa akong tumayo na din. Isinuot ko ang boxer brief ko.

"Huwag ka ng magbihis pa babe. Maliligo naman tayo." Suhestiyon ko.

"Eh, bakit ikaw nakasuot ka ng boxer brief? Magsusuot din ako ng panty ko!" isinuot nito ang panty nito. Natatawa akong hinila siya papasok ng bathroom. Doon nag-wrestling uli kami.

PAGKALABAS ko ng kampo napansin ko ang lalaking nakatayo sa tapat ng sasakyan ko. Nakatalikod ito mula sa kinatatayuan ko. Kinutuban ako kaya naalarma ako.

"Who are you?" tanong ko. Napalingon sa akin ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag ng makilala ko ito.

"Anong ginagawa mo ditong gago ka?" tanong ko kay Titus Nieves.

"Sana tinawagan mo na lang ako." Sabi ko. Napaiiling ito sa akin.

"Alam mo namang hindi ako mahilig tumawag? At mas lalong hindi ako mahilig mag-text. Nilulumot nga yung cell phone kong iphone XS max ko," sabi nito. 

Napataas ako ng kilay. Aba! Daig pa ako? Samantalang sa akin ay Cherry Mobile lang na maliit. Pangtawag ko lang kasi. Madali kasing gamitin hindi hassle dalhin, kahit saan mang lupalop ng Pilipinas. Sabi nga ng pinsan kong si Alex ang laki ng sweldo ko hindi ako makabili ng mamahaling cell phone. Sa hindi nga ako mahilig sa mga gadget. Tsk.

"Bakit anong kailangan mo?" tanong ko. He looks sad.

"Aayain lang kitang mag-inuman." Sabi nito. Inakbayan ko ang kaibigan ko.

"Bakit na-basted ka ba ulit?" natatawang biro ko. Ilang beses na bang nabasted ang kaibigan niya? Hindi naman ito isang manloloko. Parehas lang kami na kapag umibig ay sa iisang babae lang. Matino nga ito - ni hindi mo kakikitaan na madami itong naikamang babae. Dahil nire-respeto nito ang mga babae. 

Natawa ang kaibigan ko. "Gago! Pareho lang tayo! Hindi ba torpe ka din kagaya ko?! Naswertehan mo lang at mahal ka din ni Danica." Napangiti ako ng mabanggit niya ang name ng asawa ko.

NARATING namin ang bahay ni Titus. Dumiretso kami sa mini bar nito na nasa underground. Nagpunta ito sa lagayan ng mga alak. Ako naman ay umupo sa high chair. Inilabas nito ang bote ng alak na ininom ko noon.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon