Chapter 4

15K 449 13
                                    

Logan 

ISANG malaking palaisipan sa akin kung bakit hindi na niya ako maalala. Sadya bang kinalimutan na niya ako at pati ang pangako namin sa isa't isa ay nakalimutan na niya rin?





"Ang lalim yata ng iniisip natin, ah?" tanong ng kaibigan kong si Nathan.





"Naalala ko lang si Danica." Napabuntonghininga ako ng malalim. "She has no recollection of me. Nalulungkot lang ako." 





Tinungga ko ang beer. Nasaktan ako sa ginawi niya.





"Baka naman sa tagal na ng panahon talagang nakalimutan ka na niya. Alam mong medyo bata pa kayo noon. Remeber ilang taon na rin ang lumipas, madaming nangyari. We don't know what happened to her." Napabuntong hininga ako ng malalim.





"Yeah I know. Pero hindi naman dahilan para kalimutan niya ang pangalan ko. We promised to each other..." hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng tumunog ang phone ko.







Nakita kong tumatawag si Daddy. Sinagot ko ang tawag nito. "Hello. Dad? Napatawag po kayo?" 







"Samahan mo nga akong puntahan ang kumpare ko. Ipapakilala kita sa kanya at may irereto kami sa iyo. Siguradong magugustuhan mo" napatawa ako kay Daddy sa sinabi niya.





" Dad! Ikaw talaga. Nakakahiya naman" sabi ko.





" Anak ang bagal mo naman kasi. Madami naman nagkakandarapa sa iyo pero ni isa sa kanila wala kang nagustuhan? Kaya ako na ang gagaw ng paraan. Huwag kang mag-alala anak matino itong irereto namin. Pulis siya kaya bagay na bagay kayo" napatawa si Daddy sa kabilang linya.





Pagbigyan ko na lamang si Daddy. Ayoko namang biguin ang kahilingan ng pinakamamahal kong ama.



BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon