Chapter 22

11.9K 395 34
                                    

LOGAN

"KAILANGAN kong paghandaan ang wedding day namin ng mahal kong Danica. Siguraduhin mong maayos ang magiging venue. Kung hindi iitlogan kita!" singhal ko sa kaibigan kong si Nathan. Siya kasi ang pinag-ayos ko sa venue. Naayos na ang iba pang kailangan sa kasal namin ni Danica. Ako na ang nag-asikaso dahil ayokong mapagod ang mahal ko. Kahit ako na ang mapagod huwag lang si Danica. Ganoon ko siya kamahal. Handa kong ialay ang macho kong katawan.

"Siyempre maayos at perfect! Baka ikaw ang betlogan ko diyan. Pati itlog ko pinapakialaman mo! Nanahimik ito iniistorbo mo!" reklamo nito.

"Gusto ko lang makasiguro baka kasi busy ka na naman sa mga babae mo!" sabi ko.

"Hindi, ah?! Wala na akong babae ngayon. May balak na kasi akong pormahang babae. Kaya nag-lay low na ako sa pambabae. Alam mo iyon para maka-good shot!" napakunot noo ako sa sinabi niyang may popormahan ito. Pagkakakilala ko dito walang sineseryosong babae. Tinapik ko ang balikat nito.

"Naks, sumeseryoso ka na, ha. Ayos yan para iyang itlog mo mamahinga na sa kakalabas ng sperm mo! Baka kasi masahidan ka na niyan!" natatawa kong biro sa kaibigan. Napailing ito sa biro ko.

"Tarantado! Hindi naman nasasahid iyon. As long as na malakas ka pa. Hangga't kaya pang mag-perform ng itlog ko hindi iyon mawawala!" natatawang sabi ng kaibigan ko.

"Oh, hayan na pala yung future bride mo!" napangiti ako ng makita ko si Danica.

"Babe!" tawag ko sa kanya. Napangiti din ito.

"Oh, ang aga mo yata? Akala ko may meeting pa kayo ng mga General?" sabi ni Danica ko.

"Yes, pero natapos din ng mas maaga. May pupuntahan pa kasi sila."  Binigyan ko ng halik ang pisngi nito.

"I have to go! May pupuntahan pa ako. Nice to see you again Danica." Sabi ni Nathan.

"Nice to see you too, Nathan." Sagot ni Danica. Tinapik ni Nathan ang balikat ko. Sabay bulong.

"Pakasal ka na brod mukhang nilulumot na ang kasundaluhan mo. Saka ang palad mo lumalapad na." Sabay tawa nito kaya napatingin si Danica sa amin.

"Gago!" bulong ko.

Nakaalis na ang kaibigan ko pero hindi ko maibuka ang bibig ko.Gusto kong sabihin kay Danica na magpakasal na kami. Nauunahan ako ng pagkatorpe. Tinaasan ako ng kilay ni Danica.

"May sasabihin ka ba?" tanong nito. I cleared my throat.

"Danica, next month na kasal natin." Nagulat ako sa sinabi ko. Bakit iyon ang sinabi ko. Napakamot ako sa ulo. Ang sasabihin ko dapat "okay lang ba sa iyo kung next month na ang kasal natin?" Sana pala uminom muna ako mga tatlong shot. Para masabi ko ang dapat sasabihin.

Nakatingin lang sa akin si Danica. Hindi ko mabasa ang nasa isip nito. Nagulat ako ng sinipa niya ang tagiliran ko at ginawaran niya pa ako ng isang sampal. Napabaling ang mukha ko. Napaatras ang macho kong katawan.

"Babe, why did you do that?" napahawak ako sa tagiliran ko at sa pisngi ko. Kahit ganito katigas ang katawan ko nasaktan ako. Talagang malakas sumipa si Danica. Para siyang kabayo manipa.

Napangiti ito at bigla niya akong niyakap. Napangiti na din ako. Ibang klase pala maglambing si Danica. Naninipa at nanampal.

NANDITO ako ngayon sa bahay nila Alexandro para ibalita na ikakasal na ako. Pagkapasok ko ng bahay nila sinalubong na ako ni Tita Mame.

"Oh Logan, napadalaw ka?" hinagkan ko ang noo ni Tita Mame.

"Nandiyan po ba si Alexandro?" tanong ko. Hindi ko na kasi naabutan sa presinto kaya dito na ako tumuloy.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now