Chapter 20

12.4K 429 35
                                    

DANICA

"Bakit hindi mo kausapin ang tunay mong ina? It's time na para magkaayos na kayo. Para mapaglaanan mo ng oras si machong boyfriend mo. Hindi na kayo bumabata malapit na kayong magtrenta," sabi ni Sara. Nandito kami ngayon sa coffee shop. Kaka-out lang namin sa trabaho.

"Hindi pa ako ready. Dapat siya ang gumagawa ng way para makipag-usap sa akin. Siya ang may malaking pagkakamali sa akin," sabi ko. Ininom ko ang kape habang nakamasid sa paligid.

"Paano kapag inaya ka ni Logan na magpakasal? Hindi mo pa ma-resolve ang sigalot niyo ng Nanay mo. Dapat kapag lumagay ka na sa tahimik wala kang naiwang mga negative vibes. You Know." Napairap ako kay Sara.

"Hindi pa nga nagpro-propose! Paano naman ako sasagot ng oo," sabi ko.

Ang macho niya pero ang bagal kumilos. Napakatorpe.

"Baka naman humahanap ng tiyempo kung kailan siya magpropose sa iyo." Napasandal ako sa upuan at humalukipkip. Hahanap pa ng tiyempo kailangan pa ba iyon? Sa tanda naming ito may ganun pa?

"Hahanap ng tiyempo?! Ewan ko sa machong iyon. Diyos ko magtrenta na kami at saka pa lang siya magpro-propose?!" sabi ko. Kung ako lang ba puwede na, eh. Siyempre gusto ko siya ang gagawa ng hakbang, no?

"Oh, hayan na pala ang machong boyfriend mo. Grabe beshy ang pogi niya at ang laki!" napatirik ako ng mga mata. Ang landi niya. Palaging napapansin ang bukol niya. Napatingin din ako doon. Oo nga ang laki. Napapunas ako sa noo ko. Bigla kasi akong nainitan kaya pinagpawisan ako.

"Babe!" nakangiting bati ni machong Logan sa akin. Hinagkan niya ang labi ko. Hindi smack kundi torrid kiss.

"Nang-iinggit kayo! Makaalis na nga," reklamo ni Sara.

"Bakit mukha yatang bad trip ka, babe? May nangyari bang hindi maganda?" tanong nito.

"Wala naiinis kasi ako sa isang lalaki. Iyong kaibigan ko kasi gusto ng mag-asawa kaso yung boyfriend niyang napakatorpe at sobrang bagal na parang pagong. Hindi pa nagpro-propose. Kaya balak na niyang i-break ang lalaki. Parang wala namang balak pakasalan ang boyfriend niya," sabi ko.

"Nakakalungkot naman kung magkakahiwalay lang sila dahil sa hindi sa pagpro-propose ng lalaki. Baka hindi siya mahal ng babae? Madaling sumuko. Dapat hintayin niyang gawin iyon ng lalaki na hindi pinipilit." Gusto kong tadyakan ang machong ito. Hindi ba niya alam siya iyong tinutukoy ko?! Aba, ako pa ang naging masama?

"Paano naman maghihintay ang kaibigan ko?! Matanda na sila para maghintay pa ng ilang taon. Diyos ko sabihin mo wala talagang balak ang lalaki na pakasalan ang babae. Kaya mas mabuti na iwanan na lang niya. Hindi mo dapat isisi sa babae ang kabagalan ng lalaki!" galit na sabi ko.

"Babe, relax lang bakit parang naha-high blood ka na diyan? Desisyon nila iyon labas na tayo doon." Kumuyom ang kamao ko. Nakakainis talaga ang Logan na ito. Ang hina ng pickup. Diyos ko!

"Ewan ko sa iyo! Humanap ka ng makakausap mo!" tumayo na ako at iniwan si Logan na nagtataka sa inasal ko.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang tunay kong Ina.

"What are you doing here?" luminga ako at baka may kalaban na naman. Pero parang safe naman.

"Gusto sana kitang makausap, anak. Sana naman pagbigyan mo ang paanyaya ko." Napabuntonghininga ako.

"Okay," pagpayag ko. 

Wala naman akong pagpipilian. Maliit ang mundong kinagagalawan namin. Magkikita at magkikita pa din kami. Gusto ko na din ng tahimik na buhay. Walang sama ng loob. Siguro it's time to move on. Kailangang kalimutan ang mga nakaraan. Hindi na maibabalik iyon sa pamamagitan ng galit. Mas lalo lang mabigat dalhin sa dibdib.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin