Chapter 17

11.6K 430 22
                                    

LOGAN

Habang tinititigan ko si Danica hindi ko maiwasang isipin ang nalaman ko.

"May problema ba Logan?" salubong ang kilay na tanong niya sa akin. 

Napangiti siya. "Nagagandahan kasi ako sa iyo, babe. Nakakatigas ng muscle ko sa puson. Mas nagiging lalaki ako." Tiningnan niya ako ng baliw look. Sinuntok niya ako ng mahina sa balikat ko.

"Parang hindi naman ganun ang ibig sabihin ng tingin mo sa akin. Parang may something, eh?" sabi nito.

"Bakit nabasa mo ba ang nasa utak ko?" biro ko sa kanya.

"Hindi. Kasi iba ang expression ng mukha mo. Mukha kang ewan." Napaiiling ito sa akin.

"Kumusta na pala yung kasong hawak mo?" tanong ko.

"Anong kaso? Madami akong hawak alin ba doon?" tanong niya.

"Yung kay Mrs. Alejandro?"

"Back to zero ako sa kaso niya. Kailangan ko ulit mag-imbestiga. Madaming loopholes sa mga sinabi niya ng malaman ko na siya ang Lady Dragon." napatingin ako kay Danica. Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang nalaman ko? She needs to know the truth. May binigay akong folder sa kanya. Lumalim ang gatla nito sa noo ng napakunot ito.

"Ano ito?" tanong nito habang nakatingin sa folder.

"Folder." sabi ko. Hinampas niya sa mukha ko ang hawak nitong folder. Natawa ako ng mahina. Pikunin talaga ang babe ko. Naarouse tuloy ako.

"Alam kong folder ito! What I mean is ano ang laman nitong folder na ito? Mukhang importante dahil may nakalagay na confidential. Bakit ibinibigay mo sa akin?" napatitig ako sa mga mata niya.

"Nandiyan lahat ng kasagutan sa mga tanong mo at sa kaso na hawak mo ngayon." Sabi ko. I rested my big arms on her shoulder.

"Why are you doing this? It's not your job to investigate and gather evidences na hawak ko ngayon." Malungkot niya akong tiningnan. 

"Dahil gusto kong pumasok diyan?" inginuso ko ang puso niya ngunit bumaba ang tingin ko patungo sa puson niya. 

Bigla niya akong sinampal. Grabe! Ang sakit sumampal ng babe ko. Pero ayos lang para ngang naglalambing ang mga sampal niya sa akin.

"Wala ka talagang matinong sasabihin! Seryosa nga!" napatirik ito ng mga mata. Napangisi ako dahil apektado ang babe ko dahil namumula ang pisngi nito.

"Puso iyong itinuro ng nguso ko. Of course I am here to help you. Dahil parte ka ng aking. . ." pinutol niya ang sasabihin ko.

"Ano na naman iyan?" sabi nito.

"Bakit na naman? Ang sabi ko parte ka ng buhay ko. Ikaw itong nag-iisip ng kung ano-ano. Wala naman akong ibig sabihin doon?" inosente kong sabi sa kanya.

"Basta basahin mo yan. Malalaman mo lahat. At kung sakaling hindi mo kayanin nandito lang ako babe." Hinaplos ko ang pisngi nito. Sinandal ni Danica ang pisngi nito sa balikat ko at yumakap sa akin.

"Thank you babe sa lahat. Kahit lagi kitang nasasaktan physically nandiyan ka pa din. I am sorry kung hindi ko nagagawa ang part ko bilang girlfriend mo. Pero babawi ako kapag natapos ko na ang mga kasong hawak ko." Pangako nito. I hold her tightly in my arms.

"You don't need to do that. It's my job to make you happy. I love you so much, babe. Always remember that."  

Hinagkan ko ang sintido nito.

"I love you too, babe. Sana hindi ka magsawang mahalin ako kahit ang sungit ko sa iyo." Napangiti ako. Hindi ako magsasawa kailanman. 

DANICA

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon