Chapter 11

13K 425 28
                                    

DANICA

Hanggang ngayon hindi pa din ako maka-get over sa bukol ni Logan. Although hindi ko pa nakikita ang kabuuan niyon pero hindi ako makapaniwala kung gaano katambok iyon sa loob ng kanyang pantalon.

Bakit ba masyado yata akong affected sa bukol ni Logan? Ang dami ko pang dapat  aasikasuhing kaso.

Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko ang bukol este si Logan. Naghihintay siya sa waiting area ng presinto at may hawak na bulaklak.

"Anong kailangan mo?" tanong ko ng makalapit sa kanya. May himig na pagtataray.

Humalukipkip ako sa harapan niya at seryosong hinarap siya.

"Flower for you, babe," anito saka ibinigay sa akin ang flower.

Tiningnan ko iyon. Napakamot ng batok si Logan.  Napabuntonghininga ako. Kinuha ko ang hawak niyang bulaklak.

Hindi sinasadyang napasulyap ako sa ibabang bahagi sa pagitan ng hita niya. Malaki talaga siya kahit wala pa itong ginagawa.

"Babe, are you okay?" napaangat ako ng tingin.

"Y-yeah, I'm okay," nauutal na sagot ko. My gosh! Bakit sobrang affected ko sa bukol niya. Napangiti ako ng alanganin.

"Ihahatid na kita, babe? Please pumayag ka na para naman makabawi ako sa iyo kahit hindi ko alam kung may nagawa akong kasalanan sa iyo," anito saka nagpaawa ang mukha nito. 

Hindi naman ako naaawa. Nadadala ako sa kaguwapuhan niya. Walanghiya!

"Okay. I am sorry sa inasal ko last time. Na-stress lang ako sa mga kasong hawak ko," sabi ko.

Lumapit si Logan sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. Tinitigan niya ako.

Bigla akong na-conscious dahik sa titig niyang iyon. Hindi ko maiwasang mapatingin sa labi ni Logan. Napalunok ako.

"Ihatid mo na ako," utos ko rito. Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong mayakap ang machong ito. 

****

"Inspector, ito ang lahat ng information ng taong pinapamatyagaan mo sa akin. Nandiyan na din ang larawan ng isa sa mga pumatay sa magulang mo. Napag-alaman kong magkakaibigan pala ang magulang mo at ang taong ito." 

Napatingin ako sa private investigator na kinuha ko. Although police ako hindi ko naman maharap ang kaso ng mga magulang ko. Dahil madami din akong kasong hawak. 

"Salamat. Manmanan mo ang taong ito at may kutob akong may kinalaman din ito sa pagkamatay ng magulang ko. I saw that men before. Hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng taong iyan."  

Ibinigay ko sa kanya ang larawan at information ng matanda. "Nasa account mo na ang bayad ko," tumango ito at nagpaalam na ding umalis.

Binasa ko ang report na nakalap ng private investigator. Hindi nga ako nagkamali na isa sa mga suspect ang gagong ito. Humanda siya dahil aalisan ko sila ng mascara. Mabubunyag ang mga kasamaan nila! Magkakaroon na din ng hustisya ang mga magulang ko.

******

"Oh, sorry Miss!" hinging paumanhin ko sa nakabanggaan kong babae.

"Sorry din hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko," hinging paumanhin nito. Napangiti ako.

"By the way, I'm Ica," pakilala ko sa sarili at nilahad ang kamay ko.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon