Chapter 16

11.4K 421 25
                                    

DANICA

"We need to backout. Umalis na tayo." Sabi ko. Napatingin ang tatlo sa akin. Salubong ang mga kilay nila. 

"Bakit tayo aatras? Nandito na tayo beshy ngayon pa ba tayo susuko?" sabi ni Sara.

"Yeah babe, why so sudden. Beside nasa loob na bakit kailangan pang lumabas. Nakakabitin iyon. Nakakasakit ng ulo." Napakunot ang noo ko sa pinagsasabi ni Logan. Siraulo ito. Parang may ibig sabihin kasi ang sinabi niya. Gago talaga.

"May nakalap na tayong mga ebidensya. Tama na siguro iyon muna sa ngayon. Madami pa naman pagkakataon. Alam niyong may hawak akong kaso sa asawa ni Mrs. Alejandro. Hindi ko lang expected siya ang Lady Dragon na sinasabi nila. Ayokong maapektuhan ito. Magugulo ang mga ebidensya na nasa kabilang panig." sabi ko.

Kailangan ko pa ng malalim na imbestigasyon dito. Hindi ko akalain si Mrs. Alejandro iyon. Hindi kaya siya din ang nagpapatay sa asawa niya? Sinasabi niya lang na mga kasosyo at ang kinabibilangan nitong sindikato ang nagpapatay sa asawa niya. Para malihis ang totoong salarin at siya mismo iyon. Napasuklay ako sa buhok ko. Naging kumplikado ang lahat. Para tuloy back to zero ako ngayon.

"Babe. . ." napalingon ako. Muntik na kaming mag-kiss dahil ang lapit ng mukha ni Logan sa mukha ko. Itinulak ko ang noo nito.

"Ano ba Logan kanina ka pa nakasiksik sa akin. Ang luwang luwang ng space doon!" naiinis na sabi ko.

"Huh? Maluwang? Hindi ah hindi ko pa nga napapasok maluwang na kaagad?! Ito ipapasok ko pa lang." narinig kong natatawa ang dalawang kasama namin sa pinagsasabi ni Logan.

"Logan, isa! Manahimik ka diyan!" singhal ko. Buwisit na ito. Napakalibog hindi halata huh?

"Ready na ako, babe." Nakangising sabi nito. Napatirik ako ng mata.

Naalarma kami ng nagkagulo ang mga kalalakihan na parang may hinahanap. Siguradong nalaman na nilang may nakapasok.

"Guys be ready mapapalaban tayo." Sabi ni Sara. Hinanda ko ang baril ko. Nagtago kami sa tambakan ng mga gamit.

Ngumuso ako kay Logan para isenyas na humiwalay siya. Pero ang walanghiya dinampian niya ako ng halik sa labi. Bigla ko siyang binatukan.

"Sabi ko punta ka doon sa kabila. Hindi ko sinabing halikan mo ang labi ko. Buwisit na ito." napakamot ng ulo si Logan. Nagflex ang biceps niya.

"Akala ko kasi i-kiss kita." Napangisi ito. Inirapan ko ito.

Buti na lang nakalabas kami na hindi napansin ng mga kalaban. Sumakay na kami sa kanya kanya naming mga sasakyan. Naka motor pala ang dalawa.

Napag-usapan na lang na magkita-kita kami sa isang kainan na malapit sa highway.

Nang bumaba kami ni Sara. Nakita naming paparating ang dalawa. Tinginan ang mga tao sa dalawa lalo na ng alisin nila ang helmet. Ang guguwapo naman kasi ang dalawang macho na ito.

"Beshy ang hot nilang dalawa. Grabe! Nag-vibrate ang ano ko," tumawa si Sara sa sinabi niya. Ang lantod mg babaeng ito nagba-vibrate ba yun?

Hindi ko maalis ang jacket sa beywang ko tasbu kasi ang pantalon ko. Napatingin si Logan sa suot ko.

"Bakit hindi mo alisin yang jacket nakapulupot diyan sa beywang mo, babe?" nakakunot ang noo na tanong nito sa akin. Akmang aalisin na nito ng hawakan ko ang mamasel niyang braso. Tiningnan niya ako ng may pagtataka.

"May butas kasi ang puwit ng pantalon ko." bulong ko sa kanya.

"C'mon guys kumain na tayo nagugutom na ako." Sabi ni Sara. Nauna itong naglakad papasok ng isang kainan. Pinagitnaan ako ng dalawang macho. Pagkapasok ng restaurant nagtinginan ang mga kumakain doon. Halos ang mga babae ang lalagkit ng tingin nila sa dalawang kasama ko.

BARAKO SERIES: #5  It's Over Now (Logan Dela Costa Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon