Chapter Two

937 31 0
                                    

Tzuyu's POV

Nagising na lang ako ng may naramdaman akong tumatapik sakin pag tingin ko ay si nakangiting mukha ni Jennie unnie ang bumungad sakin. Tinignan ko sya ng nagtataka

"Gising na dadating na si sir" paliwanag nya at tinuro yung pintuan na may pumasok na lalake

Tumango lang ako sa kanya at tinuon yung pansin ko sa harap

History. Naisipan ko na lang na tumingin sa bintana dahil wala naman akong balak makinig. Napag aralan ko na yan.

Habang naka tingin sa bintana ay pakiramdam ko ay may naka tingin sa akin mula sa malayo. Pinag masdan ko ang paligid  ng biglang may dumaan na anino sa may kagubatan.

Hindi ko na lang pinansin dahil baka hayop lang yun.

Hindi ko namalayan lunch na pala sobrang lalim ng iniisip ko ay nakalimutan ko na yung oras. Lumapit sakin sila unnie nung wala ng tao sa room

"Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Lisa unnie

"Yeah" sagot ko sa kanila at inayos na yung gamit ko

"Parang ang lalim ng iniisip mo kanina ah" sabi ni Rosé unnie at niyakap ako mula sa likod

"It's nothing" sabi ko sa kanila

"Halina kayo kain na tayo gutom na ako" sabi ni Rosé unnie

"Ako rin" dugtong naman ni Lisa unnie

Napag desisyonan namin na sa cafeteria na lang kumain since tinatamad kaming mag maneho paalis sa school papunta sa restaurant nila Lisa unnie.

Pag baba namin papunta sa cafeteria ay hindi talaga nawawala ang bulungan kahit saan kami pumunta. Minentain lang  namin ang blank face namin.

Nang makarating kami sa canteen ay biglang tumahimik ito ng saglit at bumalik ang bulungan. Humanap na lang kami ng table at luckily ay nasa dulo ang isang vacant table na sakto lang para sa amin. Nung maka upo na kami ay pinag usapan na namin kung ano ang i oorder namin since si Lisa unnie ang manlilibre.

"Carbonara with fried chicken, blueberry cheesecake,sundae, fries and orange juice" sabi ko

"Wow hindi ka naman gutom nyan" asar ni Lisa unnie. I just looked at my book, hindi pinansin yung pang aasar nya. Napailing na lang sya

"Sayo Jennie unnie?" Tanong ni Lisa unnie with her charming smile.

"Salad,ice cream, coke, strawberry cake and fries yun lang" Jennie unnie said with her gummy smile.

"Noted" Lisa unnie smiled

"Fried chicken with rice, ice cream, apple juice, burger, cookies and fries" sabi ni Jisoo unnie habang naglalaro sa phone nya.

"Ikaw Rosé unnie?" Tanong ni Lisa unnie

"Jokbal,rice,kimchi,ice cream, brownies, mountain dew, and fries" sagot nito habang nanonood sa nilalaro ni Jisoo unnie

"Ok ok, since marami kayong inorder sino gustong sumama sakin?" Tanong nya

Tumayo na lang ako at na gets naman nya na ako yung sasama sa kanya kaya inakbayan nya ako.

Pumila na kami sa counter nung kami na yung oorder ay naka order naman agad kami, habang nag iintay ay biglang bumukas yung pintuan ng cafeteria at nanahimik, pero hindi rin nag tagal ay napuno ito ng nakakabinging sigawan.

Irene marry me!

Joy your smile makes me smile too!

Wendy ah you're so cute!

ARCAN ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon