Chapter Thirty-seven

592 37 8
                                    

Tzuyu's POV

Pilit akong naglakad unti unti ko ng nararamdaman ang panghihina ko dahil sa bugbog kong katawan. I chuckled bitterly. Never again would I trust them. Patuloy akong naglakad sa hindi ko alam kung saan. Huminto ako sa isang gubat ng may nakita akong isang napakagandang bulaklak.

Ginto ang petals at itim ang tangkay. Hahawakan ko sana ito ngunit may nakita akong mga tinik. Laking gulat ko ng kusa itong nawalan ng tinik. Kinuha ko ito at tinignan. Ilang segundo lang ay biglang may lumiwanag mula sa hindi ganon kalayo. Agad ko itong pinuntahan.

May isang shrine akong nakita at may lumulutang sa gitna nito. Agad ko itong nilapitan at laking gulat ko ng nakita ko ang Arcan stone. Hinawakan ko ito agad na nagliwanag ang lahat.

Nagising ako na napapalibutan ng mga tao. Agad akong tumayo at laking gulat ko ng wala na akong mga sugat. Isa isa kong tinignan ang mga tao na nakatingin sa akin.

"Who are you?" Takang tanong ko sa kanila at lumayo ng unti

"Kami ang guro mo mahal na prinsesa" sabi ng isang babae sa malumanay na boses at yumuko ng kaunti. Meron syang asul na buhok at napaka asul na mga mata tila ito isang dagat. Nakakalunod titigan

"Kayo ang mga Gods and Goddesses?" Tanong ko sa kanila.

"Kami nga" maangas na sagot ng lalakeng pula ang buhok at ganon rin ang mata nya.

"Ako si Amphitrite ang diyosa ng tubig" sabi nung babaeng asul ang buhok

"Agui diyos ng apoy" sabi naman nung lalakeng pula ang buhok

"Ako naman si Aether, diyos ng hangin" sabi ng may gray na buhok at gray ang mata

"Ako naman si Gaea, diyosa ng lupa" nakangiting pagpapakilala ng babaeng may mala chocolate ang mata at ganon rin ang kulay ng kanyang buhok.

"Astrape ang aking ngalan ang diyosa ng kidlat" sabi naman ng may dilaw na buhok at dilaw na matang babae.

"Ako naman si Moroz ang diyos ng yelo" sabi ng lalakeng may light blue na mata at light blue rin na buhok.

"Freyer ang tawag nila sakin ang panginoon ng liwanag" sabi ng lalakeng puti ang buhok at ang mga mata.

"Ako naman si Hephaestus ang panginoon ng technolohiya" sabi ng lalakeng may green na buhok at mata.

"Kami ang mag eensayo sa iyo sa loob ng dalawang buwan" nakangiting sabi ni Aether.

"Kulang na tayo sa oras kaya kahit gusto naming isang taon ka dito ay baka hindi na kayanin ng oras" may panghihinayang na sambit naman ni Astrape

"12 days... ganon lang ako katagal mawawala kapag isang taon ako dito, diba?" Tanong ko sa kanila

"Tama" nakangiting sagot ni Amphitrite.

"Gawin na natin" malamig na tugon ko sa kanila. Bumakas ang gulat sa kanila ngunit agad ring nakabawi.

"Ako ang unang mag eensayo sa iyo" sabi naman ni Agui. Agad itong naglabas ng apoy at hinagis sa akin. Sinalo ko ito ng walang kahirap hirap at sumugod agad sa kanya na kinagulat nya.

Malapit na sa mukha nya ang apoy ng pinalitan ko ito ng tubig. Napaatras sya dahil dun bago ngumisi.

"Magaling ka bata" sabi nito bago ako inatake. Pinipilit kong iwasan lahat ng ito ngunit hindi ko magawa dahil sa bilis nya. Ilang oras na kaming nag lalaban ngunit wala paring sumusuko.

Naglabas sya ng apoy na may halong itim kaya napangisi ako. Hell fire. Ginawa nya itong espada kaya gumawa rin ako ng heaven fire at sabay kaming sumugod. Nagkaroon ng pagsabog ng mag tama ang espada namin. Nagkaroon ng makapal na usok na agad rin namang nawala.

Mababakas ang gulat sa mga mata nila ng nakita nila akong walang galos pero agad rin naman iyong napalitan ng mga ngiti. Tumalon ako papalyo sa kanya at aatakihin na ulit sya ng may iba't ibang kapangyarihan ang biglang humarang sa akin.

Nagtatakang tumingin ako sa iba pang diyos at diyosa.

"Tama na yan, kanina pa kayo nag lalaban" nakangiting sabi ni Astrape. Tumango lang ako bago pinawala ang espada ko. Ginaya nila ako sa loob ng bahay nila. Simple lang ito ngunit may bakas parin ng pagiging makabago.

Pumasok ako sa kwartong tinuro nila sakin. Agad akong pumunta sa salamin upang tignan ang aking mga mata. Mas tumingkad ang pagiging violet nito at ang dating pula ay napalitan ng pink. Agad akong humiga sa kama dahil ramdam ko na ang pagod ko.

Hinayaan nila akong magpahinga ngayon dahil bukas na ang simula ng totoong training ko. Alam nila ang nangyari sa akin bago ako napunta dito. Sabi nila ay unti unting lumalakas ang kadiliman kaya kailangan kong mag palakas lalo.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin sa kawalan pero naramdaman ko na lang na basa na pala yung pisngi ko. Hindi ko manlang napansin na umiiyak na pala ako. Agad ko itong pinunasan bago tumayo upang pumunta sa cr at makapaglinis ng katawan.

Pagkatapos ko dito ay humiga na ulit ako sa kama. Sinabi nila sa akin na ako ang totoong prinsesa ng Arcan ang tagapagligtas nila. Isang taon akong mamamalagi dito upang mag training. Pero depende pa daw iyon kung mawalan na sila ng ituturo sa akin ay maaga akong makakabalik sa mundo ng Arcan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa lalim ng iniisip ko.

No one's POV

Isang linggo mula ng nangyari ang lahat ay dumating ang mga Guardians na may ngiti sa labi. Natapos na nila ang kanilang training at may marka na sila sa kanilang mha braso na tanda ng pagiging guardian nila.

Si Tzuyu naman ay patuloy na nag tratraining sa mundo ng mga diyos at diyosa.

"Asan si Tzuyu?" Nagtatakang tanong ni Jennie sa mga royalty dahil hindi pa nila ito nakikita mula ng dumating sila.

"That bitch? Perhaps dead" nakangising sagot ni Nayeon. Nagpantig ang tenga ng mga guardian sa kanilang narinig

"Excuse me, what? Bitch?" Pigil inis na tanong ni Lisa.

"Sinaktan nya ang Arcan Princess, She's a attention seeking b-" hindi natuloy ni Sana ang naisabihin ng may isang sampal ang dumapo sa pisngi nya. Gulat na napatingin ang lahat kay Jisoo na nababakas ang inis sa lahat.

"Matagal nya na kayong kasama, tapos naniwala kayong gagawin nya yun ng walang dahilan?" Malumanay ngunit may diin na sabi ni Rosé

"Kilala nyo sya, pero pinili nyong maniwala sa isang taong ngayon nyo lang nakilala" galit na sabi ni Lisa

"You'll regret everything you did" sabi ni Jisoo na pinipigil ang inis.

"I expected more from you all, I'm disappointed" naiiling na sabi ni Jennie

"Why would we regret it? She's just a attention seeking bi-" hindi natuloy ni Jeongyeon ang kanyang sasabihin ng may isang patalim ang tumutok sa kanyang leeg.

May hawak na shadow sword si Jennie at yun ang nakatutok kay Jeongyeon.

"Finish your sentence and your life would follow" nakangising sabi ni Jennie.

Agad na tumayo ang mga Royalty at nilabas ang kanilang mga armas.

"No need to fight" napangisi na lang si Jisoo

"You'll lose anyways" sabi ni Lisa bago hinawakan si Jennie upang pakalmahin.

"What did you say?!" Galit na sabi ni Jihyo at aatakihin na sana sila ng magsalita ang kanyang kapatid.

"You'll regret that dear sister" sambit ni Rosé na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"There's no Royalty and Guardians now. You are on your own" sabi ni Jennie bago naglakad papalayo kasama ang mga Guardians.

Hahanapinin nila si Tzuyu. They need the Arcan Princess.

ARCAN ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon