Chapter Forty-one

823 31 0
                                    

Unti unting binaba ng babaeng nakacloak ang nagtatakip sa mukha niya. Tumingkad ang violet at pink na mata nito. Pinupugutan niya ng ulo ang lahat ng nadadaanang kalaban. Hindi manlamang siya nasusugatan kahit sunod sunod na ang pag atake sa kanya.

Nakita niya ang mga Royalty at Guardians na kinakalaban si Yoongi. Halata ang hirap sa kanilang mukha at madami na silang sugat. Agad siyang nag teleport sa likod ni Yoongi at hinagis ito pataas. Gulat ang bumakas sa mukha ng lahat.

Nanghihinang napangiti na lang ang mga Guardian bago tumingin sa mga Royalty.

"Tulungan na natin ang iba" sabi ni Jennie. Tumango ang lahat at sinumulang atakihin ang mga kampon ng kasamaan.

Gulat ang mukha ni Yoongi ng nakita niya ang sarili sa langit. Hindi siya agad nakabawi ng my isang malakas na pwersang tumama sa kanya dahilan ng malakas na pagbagsak nito. Nakita niya ang violet at pink na mata ni Tzuyu bago bumagsak.

Nagkaroon ng malaking tila crater sa sahig na pinagbagsakan niya. Agad siyang tumayo kahit na dumudugo na ang kanyang bibig. Dahan dahang bumaba si Tzuyu habang pinaglalaruan ang scythe niya.

Nanlaki ang mata ni Yoongi ng makilala niya ito. Death scythe. Bumakas ang galit sa mukha nito bago sinugod si Tzuyu. Naiwasan niya ito at hinampas sa batok si Yoongi gamit ang hawakan ng scythe at tsaka ito tinuhod.

"Mahihina naman pala kayo" mapangasar na sabi ni Tzuyu at patuloy sa paglalaro ng kanyang sandata.

Nanghihinang tumayo si Yoongi at naglabas ng Hell Ice. Pinatama niya ito kay Tzuyu at agad na nagteleport sa likuran. Aatakihin na sana niya ito ng bigla itong humarap na may hawak na Heavens Fire. Hindi agad nakaiwas si Yoongi kaya nalapnos ang kalahati ng mukha nito.

Isang nakakatakot na hiyaw ang lumabas mula sa bibig nito. Walang emosiyong nilapitan siya ni Tzuyu at tinutukan ng scythe sa leeg.

"Tumayo ka! Lumaban ka!" Galit na sabi ni Tzuyu at pilit na pinatayo ang lalakeng labis na nanghihina.

Galit ang mga matang nakatingin siya rito.

"Matatalo ka dadating na ang iba pa!!" sabi nito at tumawa ng napakalakas. Kinalabutan ang mga tao ng narinig nila iyong bukod sa Arcan Princess.

"You mean them?" Mapang asar na tanong ni Tzuyu at may nilaglag na mga singsing. Ang singsing ng mga dating namumuno sa Dark Kingdom ang kanyang mga pinatay.

"P-paanong?" Nanghihina ang boses na tanong ni Yoongi. Nakaluhod na ito kaya yumuko si Tzuyu upang makipagtitigan sa kanya.

"Mahihina kayong lahat!" Malademonyong boses ni Tzuyu ang sumagot sa kanya. Napangisi naman si Yoongi dahil dito.

"Kinakain ka na ng kadiliman" nakangising sabi ni Yoongi na sinagot lang din ng ngisi ni Tzuyu kaya mas lalo siyang nagtaka.

"Oh please, I'm more powerful than you expect" makahulugang sabi ni Tzuyu. Biglang umangat si Yoongi sa lupa.

"Pahihirapan muna kita bago kita patayin" sabi ni Tzuyu bago tumawa ng malademonyo.

Isa isang lumabas ang sugat sa katawan ni Yoongi na tila gawa ng espada. Sumisigaw siya sa kirot ngunit tila musika lang ito sa pandinig ng prinsess.

Isa isang pinatamaan ng prinsesa ang kanyang katawan ng kanyang mga kapangyarihan. Sira sira na ang damit nito at puro sugat na ang lalake.

"Ikaw ang dahilan ng lahat!" Biglang tumama sa puno ang katawan ni Yoongi kasabay sa pagsigaw ng prinsesa. Nakita ito ni Mina kaya agad siyang tumakbo sa gawi ni Prinsesa.

Kapag nawalan ito ng kontrol ay magiging katapusan na ng lahat ng mga tao sa mundo ng mahika at sa mundo ng mga tao. Naglakad si Tzuyu papunta sa harapan ni Yoongi at walang pag aalinlangan na sinaksak ito sa kanyang puso.

Umubo ng dugo ang lalake bago nanghihinang tumingin kay Tzuyu.

"All Hail Darkness!" Nakangising sabi nito bago tuluyang naging abo.

Lumutang ang katawan ni Tzuyu papunta sa gitna at tinignan ang lahat ng mga naglalaban. Madaming sugat na mga mag aaral at ang iba ay namatay na. Lumiwanag ang mga mata nito bago nagpakawala ng isang malakas na sigaw.

Nagliwanag ang lahat kaya napapakit ang lahat. Ilang minuto nagtagal ang liwanag kaya agad silang dumilat ng mawala ito. Patay na ang lahat ng mga kampon ng kasamaan. Kasabay nito ang pagkawala ng prinsesa.








Bumalik sa dati ang lahat ngunit labis na lungkot ang bumalot sa Royalty at Guardians. Isang taon na ang nakalipas mula ng nagsimula ang digmaan. Maayos na ulit ang lahat ng nasira at napalibing na ang mga nawalan ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi naniniwala ang Guardians at si Mina na wala na si Tzuyu

"Nararamdaman pa namin siya Buhay siya" pagpupumilit ni Rosé sa ibang Royalty

"Walang bakas sa kung saan siya napunta ni anino niya hindi natin nakikita" pagdadahilan naman ni Chaeyoung.

"Buhay pa siya" malumanay pero may diin na sabi naman ni Mina.

Nasa Garden sila at nagpapahangin. Tapos na ang lessons nila ngayong araw kaya pwede na silang gumala sa kung saan.

"Wala tayong nakitang bangkay o miski abo manlang niya, buhay pa siya" paliwanag ni Lisa habang nakatingin sa langit na namaynaghahalong kulay violet at pink dahil sa paglubog ng araw.

"Babalik siya" makahulugang sabi ni Jisoo at nakatingin rin sa langit

"Sana nga" sabi ni Jihyo mapait na napangiti ang lahat.

Nanatili sila dun at dinama ang malamig na hampas ng hangin. Pinagkwekwentuhan ang mga nangyari dati nung andun pa si Tzuyu. Hindi nawawala ang mga marka sa kamay ng mga Royalty at ganon rin ang mga sa Guardians.

Napupuno ng magagandang alaala ang lugar ngunit biglang malulungkot dahil maaalala nilang wala na ang prinsesa. Tuluyang nabalot ng katahimikan ang lahat at pinupunasan ang mga muntik luha na pumapatak mula sa mata nila. Si Hyunjin ay naparusahan ngunit napabalik rin siya sa Arcan Academy dahil sa pagtulong nito sa digmaan.

Naging masaya sila ni Heejin at nagkaroon pa ng mga kaibigan. Sila ang pinakasikat ngayon sa semi elites. Dahil sa angkin na lakas at kagandahan. Napatawad na rin sila ng mga Royalty.

Naging mag kasintahan na Si Jihyo at Daniel at buong pusong sinoportahan nila ang dalawa. Ganon na rin si Nayeon at Jeongyeon na tila natatakot pa nung umamin. Sinundan naman ito ng Saida at Mochaeng.

Si Mina na lang ang single sa kanila ngunit hindi nila ito pinipilit na mag nobyo o kaya nobya dahil alam nilang si Tzuyu lang ang laman ng puso nito.

"Oh anong drama yan?" Isang pamilyar na boses ang bumalot sa loob ng Garden. Agad nilang binaling ang atensyon sa babaeng nakatayo sa pintuan ng Garden at malamig na nakatingin sa kanila.

Si Mina ang unang nakabawi at agad na tumakbo at sinungaban ng halik si Tzuyu. Agad naman niya itong tinugon at mahigpit na niya si Mina.

Napuno ng kasiyahan sa Garden na iyon.









Ilang taon ang lumipas at si Tzuyu na ang namumuno sa mundo ng Arcan. Nagpakasal ang mga magkasintahan kaya mas lumakas ang mga Kaharian. Nagkaroon ng sariling anak ang mga ito na at lumaki rin ng magkakasama.


Fin~

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now