Chapter Thirty-two: Fire stone

485 29 1
                                    

Tzuyu's POV

Mula sa lion na sakay ko ay kita ko ang kaharian ng Firo. Isa itong malaking kaharian na napapalibutan ng lava at may isang tulay na bato para makapasok sa loob. Dahan dahan kaming bumaba sa mga lion na sinasakyan namin.

Chimera daw ang tawig dito sabi ni Lisa unnie habang lumilipad kami kanina. Lumapag kami sa dulo ng bridge kung saan may mga nag babantay na gwardya. Aga nila kaming tinutukan ng mga sibat nila na gawa sa apoy. Ang iba ay handa na kaming patamaan ng mga Fire ball nila.

Agad nila itong binaba ng matanaw nila ang kanila prinsesa na kakababa lang mula sa kanyang chimera. Bumaba na rin ako kasabay ng iba. Hinimas ko muna sa ulo ng isa pang beses ang chimerang aking sinakyan bago ito tuluyang umalis. Paglingon ko ay lahat sila nakatingin sa akin.

"What?" Taas kilay kong tanong sa kanila dahil para silang manghang mangha sa nakita nila

"Wala" nakangiting sabi ni Nayeon unnie bago bumaling sa mga kasama namin.

"Let's go" sabi ni Mina at nauna nang maglakad. Agad na nagsiyukuan ang mga guwardyang nag babantay sa tulay.

"Namiss ko na si tita" sabi ni Chaeyoung unnie habang nag iinat.

"Ako rinnn" pagsasang ayon naman ni Sana unnie.

Dirediretso kaming pumasok sa loob ng kastilyo. Isang engrandeng pasilyo ang bumungad sa amin. Nilibot ko ang paningin ko sa mga haligi nito. Puno ng mga paintings ang pasilyong ito.

Patuloy pa kaming nag lakad papunta sa throne room. Maraming malalaking bintana ang madadaanan mo sa pasilyo papuntang throne room. May mga pula itong kurtina na nagsisimbulo ng kapangyarihan nito.

Huminto kami sa harapan ng isang malaking pintuan. Kumatok muna si Mina bago binuksan ang pintuan.

Pagbukas nito ay tumambad sa amin ang Hari at Reyna na naka-upo sa kanilang trono. May mga katulong na nag nakatabi sa kanila at mga gwardya na nasa baba ng trono.

Mababakas ang gulat sa mukha ng dalawang makapangyarihan bago ito napalitan ng isang masayang ngiti.

"Tita!" Sigaw nila at agad na sinungaban ng yakap ang Reyna na malugod naman itong tinanggap.

"Namiss ka namin" Sabi pa nila at hindi parin kumakalas sa yakap ang mga ito. Kami lang ni Mina ang hindi lumapit dito dahil tumuloy sya sa kanyang ama upang halikan ito sa pisngi.

Pinagmasdan ko ang mga magulang ni Mina hindi mababakas na may edad na ang mga ito dahil tila ito mga dalaga at binata pa. Mukha silang nasa 20 to 30 years old.

"Napunta ata kayo dito mga iha" sabi ng hari habang naka akbay sa kanyang anak. Kumalas na mula sa reyna ang mga royalty at isa isang humalik sa pisngi ng Hari

"May misyon po kasi kami dito, tito" sabi ni Jihyo unnie

"Tara at pag usapan natin yan sa hapag kainan" sabi ng Reyna na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Dumapo ang kanyang tingin sa akin at tila natigilan.

"Sino naman itong bago nyong kasama?" Tanong nito at unti unting lumapit sakin. Agad naman akong yumuko upang mag bigay galang sa kanya.

"Sya po si Tzuyu, bago naming classmate" ramdam ko ang ngiti sa boses ni Jennie unnie.

"Magandang hapon po Mahal na Hari at Reyna" magalang na sabi ko at muling yumuko.

"Kay lamig ng boses mo iha" sabi ng Hari.

Unti unting lumapit sa akin ang reyna at marahan nyang hinawakan ang mukha ko at tinignan ng maigi ang mata ko. Pakiramdam ko ay nakikita nya ang orihinal na kulay ng mga mata ko sa likod ng asul na contact lens ko.

"Tito at tita na lang ang itawag mo sa amin" sabi ng Reyna at lumayo na sa akin ng may ngiti sa labi.

"Tama sya, kasama ka na sa royalty kaya pamilya ka na rin namin" sabi naman ng Hari.

Pagkatapos ng inkwentrong iyon ay agad kaming pumunta sa dinning area kung saan ay madaming pagkain ang naghihintay sa amin. Tahimik kaming kumakain ng basagin ito ng isang katanungan mula sa hari.

"Ano nga ulit ang sadya nyo rito" tanong neto habang pinupunasan labi nya gamit ang table napkin

"We have a mission to get the stone" Turan ni Mina unnie

"Pwede nyo po ba kaming tulungan?" Tanong naman ni Momo unnie

"Yeah sure, anong tulong ba iyon?" Tanong ng hari at bumaling ng tingin samin

"Saan po ba makikita yung stone?" Tanong ni Dahyun unnie sa kanya

"Ang fire stone ay makikita sa taas ng bulkan" biglang may lumabas na hologram ng buong lupain ng Firo

May isang malaking bulkan sa dulong bahagi ng lupain nila. Tinuro ito ng hari at nagsalita

"Diyan nyo makikita ang fire stone" seryosong sabi nito

"Salamat po sa tulong nyo" sabi ni Lisa unnie na may malawak na ngiti

"Let's go" sabi ni Mina at tumayo na

"Salamat po sa pagkain" sabi ni Rosé unnie bago tumayo at sumunod na sa iba. Aalis na rin sana ako ng mag salita ang Reyna

"Mag iingat ka Iha" seryosong sabi nito. Tumango lang ako bago yumuko at umalis na.

Agad kaming nag lakbay patungo sa sinasabing bulkan ng hari. Naging payapa ang paglalakbay namin ngunit gabi na kami nakarating sa paanan ng bundok.

Agad kaming nag set up ng camp dahil sa madami daw na mababangis na hayop dito tuwing gabi. Nag lagay kami ng mga protective barrier upang hindi kami atakihin sa gabi.

Pagkatapos naming mag set up ay agad naming nilibot ang bulkan upang hanapin ang fire stone. Nakita namin ito sa likod ng bulkan kung saan ay lumulutang ito sa gitna.

"Kunin mo na Mina" sabi ni Jisoo at maragang tinulak si Mina upang lumapit dito.

Tumango naman ito at akamang hahawakan na ang fire stone ng biglang may lumulutang na mga salita ang lumabas.

"Take if you Dare, Consequences beware" basa ni Jihyo unnie sa mga lumulutang na salita.

Hinawakan ni Mina ang fire stone at bigla na lang umilaw ang matingkad na pula mula sa kanyang mga mata. Umilaw rin ng ang bata bago ito nawala. Bigla syang lumutang kaya nag panic ang lahat. Naririnig namin ang mga sigaw nya mula sa hindi mo malamang dahilan.

Bigla syang nawalan ng malay. Agad akong akong tumakbo upang masalo sya just in time ng pagbagsak nya. May nakita akong tila peklat sa likod ng kamay nya ngunit hindi ito malinaw.

"Let's go back" sabi ko at buhat buhat parin si Mina.

Be strong Mina.

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now