Chapter Eleven: Bullies meets the princess

781 33 0
                                    

Tzuyu's POV

Pagbukas ko ng pinto ay bumangad sakin ay isang matangkad na Blonde na babae. Nagulat pa sya nung nakita ako pero agad rin syang nakabawi. She smiled at me

"You must be our new roommate" sabi nya at tumango ako

"I'm Sowon by the way" sabi nya at nilahad yung kamay sakin. She has this intimidating aura

"Tzuyu" cold na sabi ko at inabot yung kamay nya nag shake hands kami

"Pasok ka" sabi nya at niluwagan yung pag bukas ng pintuan. Pumasok ako sa loob habang dala yung gamit ko tiningnan ko yung interior ng bahay may malawak na kusina maluwag na sala may flat screen TV malaking sofa na merong limang tao na ngayon ko lang napansin nanonood sila ng tv.

May second floor rin at I assume na andun yung mga kwarto namin.

"Gay-- I mean Girls meron tayong bagong roommate" sabi ni Sowon unnie since I assume na mas matanda sya sakin.

Sabay sabay silang tumayo at lumapit sakin isa isa silang nag pakilala.

"I'm Yuju" sabi nung isa pa ring matangkad na babae. She looks beautiful. Pointed chin, round eyes. Bakas mo yung pagiging masayahin nya. She said it with a bright smile on her face

"The name is Yerin" sabi naman nung isang babae na medyo maliit may bangs rin sya kagaya ni Yuju masigla yung boses nya. Like the other a bright smile

"Sin B" sabi naman nung isa meron syang vibe na girl crush. I just nodded her tone is still happy. She gave a small smile

"Umji" sabi naman nung isa she has this cold tone. She gave me a warm welcoming smile.

"And I'm Eunha" sabi nya bago kumagat sa hawak nyang burger. She has this cute little voice.

"Tzuyu" cold kong sabi at nakipag kamay sa kanila.

Binuhat ko na yung gamit ko

"Tulungan na kita" alok sakin ni Sowon unnie

"No need unnie" Sabi ko sa kanya

"Yung mga kwarto nasa second floor" sabi nya ng nakangiti. Tumango ako sa kanya

Umakyat na lang ako sa taas at napansin kong nasa pinaka dulo yung kwarto ko. Pagkahawak ko ng pintuan ay biglang nag iba yung kulay nito naging rainbow binalik ko ito sa color white Dahil baka magtaka sila dahil sabi ni Lisa unnie ay nag babago daw yung color ng pintuan base sa powers mo.

Pumasok na ako sa loob. Bumungad sakin ay isang simpleng kwarto may pintuan na sa tingin ko ay cr merong isang queen size bed merong mini fridge may tv at may mini sofa at meron ring balcony. Lumabas muna ako sa balcony pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang isang magandang view

Nakatapat yung kwarto ko sa field at kita ko rin yung parang forest mula dito meron akong mga taong nakikita yung iba nag uusap yung iba naman ay nag morning jog yung iba naman naman nagpractice ng powers nila maaga pa naman kaya maraming nag practice.

Humiga na ako sa kama at natulog since wala pa naman kaming pasok at bukas pa yun. Pagkalapat pa lang ng likod ko sa kama ay agad na akong naka tulog dala na rin siguro ng pagod sa huli naming training.

Nagising ako at agad na tumingin sa night stand 12:00 basa ko dun sa orasan. Lunch na. Bumaba na ako at wala akong naabutang tao mukhang sa cafeteria na sila kumain since tinatamad rin akong mag luto ay sa cafeteria na lang rin ako kakain.

Umakyat muna ulit ako sa kwarto at nag palit ng damit naka plain white shirt lang ako at black pants tsaka black nike shoes. Sinuot ko rin yung pin ko dahil required samin na kailangan parating suot yung pin.

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now