Chapter Thirty-Five

495 29 3
                                    

Sana's POV

Isang asul na kisame ang bumungad sa akin. Kunot noo akong umupo sa kinahihigaan ko dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Biglang bumukas ang pintuan kaya nabaling ang atensyon ko dito. Lumabas mula dito ang isang babaeng mala diyosa ang ganda.

Nakita kong napangiti sya ng nakita nya ako.

"Gising ka na pala, halika na kain na tayo" nakangiting sabi nya sa malumanay na boses. Para akong hinehele ng mga boses nya.

"Sino ka?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya papuntang kusina.

"Ako ang guro mo, ang diyosa ng tubig" Nakangiti paring sabi nya.

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya.

"P-patay na ba ako?" Sunod sunod ang mga katanungan sa isip ko ngunit nahinto ito ng may marinig akong mahinhin na tawa.

"Buhay ka pa, andito ka para mag ensayo" sabi nya at kumunot ang noo. Ganito rin siguro ang nangyari kay Mina kaya nawalan sya ng malay ng dalawang araw.

Tumango na lang ako bago sya sinaluhan sa pagkain. Tinulungan ko sya sa pagliligpit ng kanainan namin bago kami lumabas. Napapalibutan ng waterfalls ang buong lugar. Napakagandang tanawin kung tutuusin.

"Halika" sabi nya at pinaupo ako sa sahig.

"Ako si Amphitrite" nakangiting sabi nya sa akin.

"Ako naman si Sana" napangiti na rin ako dahil nakakahawa talaga ang mga ngiti nya.

"Simulan na natin ang pag eensayo" sabi nya bago tumayo. Tumayo na rin ako at agad nya akong inatake. Hindi ko inaasahan ito kaya hindi ako nakaiwas.

Tumama ang likod ko sa talon kaya napangisi ako. Agad akong tumayo ang ginamit ang falls upang atakihin sya. Ginawa kong matalas ang mga tubig na nagmumula dito at inasinta sa kanya. Sa isang hawi lang ng kanyang kamay ay nawala ito bigla. Nakita ko ang pag ngisi nya dahil dito.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya dala dala ang double sword na gawa sa powers ko. Agad nya itong nasalag tatadyakan ko sana ang tyan nya ngunit naharangan nya ito at ako ang nasipa.

"Wag kang dumipende sa kapangyarihan mo Sana" nakangiting sabi nito bago ako matumba dahil sa pag sipa nya sa paa ko. Tinutok nya sakin ang Espadang nabitawan ko. Ngumiti ako bilang senyales na sumusuko na ako.

Dalawang buwan kaming nag ensayo. Tinuruan nya ako kung papaano mas makokontrol ang kapangyarihan ko at ang hindi dumipende dito. Nandito kami ngayon sa garden upang ibigay nya na ang basbas nya sa akin.

"Ako, ang diyosa ng tubig ay binibigay ang basbas ko sa iyo" nakangiting sabi nya at biglang umilaw ang marka ko sa akong braso. Napapikit ako sa sobrang liwanag nito.

Pagkadilat ko ay kwarto ko agad akong bumungad sa akin at natutulog sa tabi ko si Dahyun. Napangiti ako dahil dito.

No one's POV

Pagkagising ni Sana ay agad silang nag ayos upang mag lakbay sa iba pang kaharian. Sunod nilang pinuntahan ang Airo Kingdom kung saan nakilala ni Tzuyu ang magulang ni Nayeon na tila kasing hangin rin nya.

Natagpuan nila ang Air stone sa isang lumilipad na isa sa kaharian nila. Ito ang unang beses na nakasakay ni Tzuyu sa isang pegasus.

Pagkatapos nito ay sinunod nila ang Eartho Kingdom. Dito nakilala ni Tzuyu ang magulang ni Jeongyeon na strikto sa lahat ng bagay. Natagpuan nila ang Earth stone sa lunga ng Stone giants.

Sunod naman ay ang Iceo kingdom. Kabaliktaran sa ugali ni Momo ay talagang malamig ang pakikitungo ng magulang nito sa iba bukod sa anak nila. Nakita nila ang Ice stone sa gitna ng nagyeyelong kweba sa gitna ng kagubatan dito.

Sa Light Kingdom naman ay nakilala nila ang magulang ng dalawa. Napakabait ng mga ito at parating nakangiti sa kanila. Nakuha ni Jihyo ang Light stone sa isang abandunadong lugar sa kingdom.

Sa Lightning Kingdom naman ay nakilala ni Tzuyu ang magulang ni Dahyun na parating punong puno ng energy. Parati silang may ginagawa. Nakuha ni Dahyun ang Lightning stone sa taas ng isa sa mga building nila.

Ang mga namumuno naman sa Techno Kingdom ay talagang napakabusy. Parati silang nagmomonitor ng mga bagay ngunit may oras parin sila parati para sa anak nila. Nakuha ni Chaeyoung ang Techno stone sa loob ng technical dimension.

Pare-parehas ang nangyayari sa kanila. Sa oras na nahawakan nila ang kanilang mga stone ay nagliliwanag ang kanila mata at biglang mawawalan ng malay sa loob ng dalawang araw.

Pare-pareho rin silang may mga marka sa likod ng kamay bilang simbolo ng kanilang basbas sa kani kanilang mga Diyos o Diyosa.

Naglalakad ang mga bida papunta sa kagubatan ng mga Guardians. Naisipan nilang dito na muna pumunta bago sa Arcan Kingdom. Huminto sila sa tapat ng isang kagubatan na may force field.

Tumagos ang mga kamay ng Guardians ngunit ang sa mga Royalty ay hindi. Nakuryente lang sila kaya hindi na ulit nila ito hinawakan.

"Mukhang hindi kayo pwede sa loob" mapait na ngiting sabi ni Lisa

"Kaya nyo yan, Fighting!" Pagpapalakas ng loob ni Dahyun.

"Oo nga, kayo pa ba?" Nakangiting sabi ni Jihyo.

"Tama!" Sabi ni Jennie habang tumatango pa.

"Fighting!" Sabay sabay na sabi ng apat bago pumasok sa loob ng force field.

Magseset-up na sana ng camp ang iba ng biglang may ibon na dumating at may dalang sulat. Agad itong kinuha ni Jihyo at binasa. Nanlaki ang mata neto dahil sa nakasulat

"Agad kayong bumalik sa Arcan Academy " Basa ni Jihyo upang malaman ito ng lahat. Nagtataka ang lahat dahil dito. Hindi pa tapos ang mission nila

"Mukhang kailangan talaga nating bumalik" Sabi ni Jeongyeon at napatango ang lahat. Nag iwan sila ng sulat sa labas ng kagubatan bago umalis. Nagpahuli si Tzuyu at inilusot ang kamay sa loob ng kagubatan. Walang bahid ng sakit ang mukha ni Tzuyu.

Agad siyang sumunod sa iba upang hindi sila mag taka. Tahimik nilang tinahak ang daan papunta sa kanilang paaralan. Agad silang dumiretso sa opisina ng kanila ministro.

Isang babaeng may brown na mahabang buhok ang nakaupo sa harapan ng kanilang ministro. Kumunot naman ang noo ng iba sa kanila at ang iba naman ay nagtaas ng kilay. Napansin sila ni Cl kaya agad itong tumayo at nagsalita.

"Pinapakilala ko ang Arcan Princess" sabi nito at humarap ang babae.

Kahawig ni Tzuyu ang sinasabi nilang Arcan Princess ngunit ang mata nito at purong Violet lamang.

"I'm Kim Hyunjin, The Arcan Princess" nakangiting pagpapakilala nito. Nabato ang lahat sa kinatatayuan nila dahil dito.

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now