Chapter Twenty-seven

807 39 7
                                    

Tzuyu's POV

Napili kong gamitin ang Air powers ko tsaka ko hinawakan yung orb. Nag focus ako sa pag kontrol ng release ng powers ko sa orb, tsaka ko inasinta yung target

Pagkarelease ko ng powers ko papunta sa target ay nagkaroon ito ng mga cracks hanggang sa tuluyan na itong nasira at naging abo. Wala pang nakakagawa ng ganito kalaking damage dito mula pa kanina kahit ang mga Semi Elite.

Gulat ang bumakas sa mukha ng mga estudyante at nasundan ng mga bulungan. Lumitaw ang mga salitang S rank. Sa screen kaya mas lalong lumakas ang bulungan ng mga tao. Aalis na sana ako ng may biglang nagsalita

"A-at dahil nakakuha ka ng S rank ay maaari ka ng mamili kung kaninong posisyon ang iyong susubukang kunin" Sabi ng Mc na bakas parin ang gulat pero agad namang nakabawi.

Tinignan ko ang mga elites at bakas sa mukha nila ang gulat sa nangyari pero agad nilang tinago yun nung napansin nilang nakatingin na ako sa kanila. Hindi parin nag babago ang pagiging walang expression ni Mina unnie. Nakatingin lang ako sa kanya at binigyan sya ng isang nakakalokong ngisi bago tumingin ulit sa iba.

Should I fight her?

Claim her rank?

I know I can defeat her but should I?

But I'm not aiming for it though.

I look at her emotionless then looked at the other elites. I tilted my head to the side while looking at each one of them.

"Rank....." Sabi ko habang tinitignan silang lahat. Nararamdaman kong na eexcite na silang lahat dahil sa pagbibitin ko sa kanila.

"Rank 1, Princess Mina, Let's fight" Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng diretso. Mas lumakas ang bulungan ng mga tao dahil ang pinakamalakas ang napili kong kalabanin.

"May napili nang kalabanin ang ating bagong Elite, at ito ay walang iba kundi si-- Princess Mina!!" Pag aanunsyo ng Mc

"Ang ating rank 1, Please enter the Arena Princess, Goodluck Ms. Chou" sabi nya bago lumabas sa arena

"Matatalo ka lang dyan!" Sigaw ng isa sa mga semi elite

"Wag kang masyadong mayabang!" Tatawa tawang sigaw ng isa rin sa semi elite. Sila lang ang mga sumisigaw at nag iingay dahil ang lahat ay tahimik kahit ang mga Elite, Middle, at Bottom ay tahimik na nag mamasid sa mangyayari.

Naglakad ng dahan dahan si Mina papunta sa arena at ako naman ay nasagilid lang at nakatingin sa kanya. Naglakad ako papalapit sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ilang meters rin yung pagitan namin. Ramdam na ramdam yung tension

"You may start" sabi nung Mc

I just stood there waiting for her to attack me. Biglang nagkaroon nang fireball sa likod ko kaya tumakbo agad ako papunta sa kanya tsaka nilabas yung tonfas ko na gawa sa air. I made sure na kasing tigas ito nang diamond. Nung malapit na ako sa kanya ay nag backflip ako para sya yung matamaan pero nakaiwas agad sya.

Paglapag ko ay agad na nya akong inatake gamit ang fire sword nya. She started attacking me pero sinasalag ko lang yung gamit yung tonfas ko. Napapaatras ako kaya mas lumakas ang sigawan nang mga tao.

Sinipa ko sya sa tyan dahilan kung bakit napalayo sya sakin at napayuko. Agad akong sumugod pero nung susuntukin ko na sya ay nasalag nya rin ito agad. Tumalon ako patalikod para magkaroon nang distance saming dalawa.

Inatake nya ako gamit yung fire ball nya pero hindi na ako umiwas. Inalisan ko nang oxygen yung fireball nya kaya madaming nagulat nung nawala ito. Kasama na sya dun. I smirked at her

"I think you underestimated me" I said bago ko sya inatake agad.

"Maybe I did" she said tas sinalag yung atake ko. Mas nilaksan ko yung air kaya napupunta sa kabilang direction yung apoy nya.

I smirked. Nagulat sya kaya nagkaroon ako nang chance para sipain sya sa mukha dahilan ng pag talsik nya. Nakatayo rin sya agad at inatake ako na iniiwasan ko naman agad.

Bigla syang nag bato ng fireball na agad ko namang naiwasan. Gumawa ako ng tornado tsaka ko pinatama sa kanya nilagyan ko yun ng spikes para mas malakas ang impact sa kanya pero gumawa sya ng fire tornado.

Nag collide yung mga tornado namin causing it to be a huge fire and air tornado blades. Very fatal. Sinubukan niyang kontrolin yun pero hindi nya magawa, patuloy sa pag ikot at kung saan saan pumupunta yung tornado.

Pinagmamasdan ko lang ito ng makita kong papunta yun sa direksyon ni Mina unnie, Agad akong tumakbo dahil alam kong hindi sya agad makaka-iwas. Malapit na siyang maabot ay agad ko siyang hinila papunta sa akin causing her to stumble at agad ko naman s'yang sinalo bago pa sya matumba.

She looked at me surprised. Tititigan ko pa sana sya ng matagal kaso narinig ko na ang malakas na hangin at nararamdaman ko na ang init ng apoy. Tiningnan ko yung tornado tsaka inextend yung kamay ko at tsaka ito kinontrol. Unti unti kong pinahina yung tornado dahil para lahat sila ay magulat.

Ng tuluyang nawala yung tornado ay biglang nabasag yung force field dahil kanina pa pala tumatama yung tornado dito. Everyone was in awe, lahat nagulat dahil sa nangyari. Narealize ko na lang na kanina ko pa pala yakap si Mina unnie ng biglang may umubo at pumasok ang MC sa field

"Everyone, I think we have a winner for this round" sabi nya at nilingon kami kaya inalalayan kong tumayo si Mina unnie ng maayos.

"Thank you" sabi nya at tumango lang ako bilang tugon.

"The winner is...."

"We have a draw" dugtong ng MC kaya lahat ay natigilan.

Sino nga bang ang mag aakalang magiging draw ang laban ng isang baguhan sa isang matagal ng nangunguna sa mga elites?

"So now we will continue the leveling for the elites" sabi nya at agad ng umalis ng field.

May isang staff na nagturo sakin papunta sa kung saan nakaupo ang mga elites. Nasadulo ako dahil hindi pa sure ang rank ko.

Lahat ng mga elites ay nanatiling elites at nataasaan pa ang kanilang mga dating scores lalo na si Mina unnie. After ng leveling nila ay pinatawag kaming mga elites sa gitna ng field dahil may nais daw ibigay ang Minister

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now