Chapter Twenty-eight

572 38 4
                                    

Tzuyu's POV

Pag dating namin sa gitna ay isa isa kaming kinamayan ni Minister at isa isang kinongratulate na nag pataka sa aming lahat pero ngumiti lang sila kay Minister at nagpasalamat bukod sakin na yumuko lang saglit. Humarap sya sa audience at ngumiti

"Ngayon at nakita na natin ang paglakas ng mga elites at nadagdagan pa nga sila ng isang malakas na kakampi" She said referring to me

"Palagay ko ay nararapat ng ibig ang mga regalo sa kanila" sabi nya at may mga lumabas lalaking may dalang plain na malaking itlog

Anong gagawin namin dyan? Lulutuin? Tanong ko sa sarili ko

"Paki bigay na sa kanila" Sabi ni Minister CL at isa isa nilang inabot samin ang itlog. Pag lapat ng mga kamay namin ay unti unting nag iba ang mga itlog ang dating mga normal na kulay puti ay napalitan ng iba't ibang kulay at napalibutan ng iba't ibang klase ng palamuti

Ang kay Mina unnie ay kulay pula na may scales at mga silver lines na nag mimistulang disenyo nito

Kay Sana unnie naman ay kaparehas lang rin ng kay Mina unnie pero color blue

Ganon rin ang sa iba ngunit ang kulay lang ang pinagkaiba dahil pinapakita ata ng itlog na ito ang kung anong kapangyarihan ang meron kami.

Ang akin naman ay madami ang kulay mula sa dark color to light color at hindi mawawala ang scales nito at ang lines na nag papaganda dito ang kanila ay silver at ang akin naman ay gold.

Muling nagsalita si Minister CL

"I-focus nyo ang inyong mga kapangyarihan sa aking ibinigay na regalo upang malaman nyo ang laman neto" sabi nya at sabay sabay naming nilagay yung powers namin dun sa itlog

Unti unting nag karoon ng crack sa itlog hanggang sa tuluyan na itong mabasag at nag labas ng liwanag na nakakasilaw dahilan para ilayo namin ang aming mga tingin mula dito

Ilang segundo lang ay naramdaman ko ang biglang pag bigat ng aking mga balikat dahilan para mapalingon ako dito at may nakita akong isang baby dragon nakatingin rin sya sakin

Cold eyes, purple scales,pink wings-a very beautiful little dragon. Nilingon ko ang iba ko pang kasamahan at nakita kong may kanya kanya na silang dragons at ang mga kulay nito ay nag rerepresent sa mga powers nila

Kay Mina unnie ay pula na nakatingin lang sa kanya habang hawak hawak nya ito samantalang kay Sana unnie naman ay asul na umiikot ikot sa ulo nya kay Nayeon unnie ay gray na nasa arms nya at ginagawa nyang baby, Si Jeongyeon unnie na may color brown na dragon na nasa sahig at umiikot sa paa nya Momo unnie na light blue ang dragon , Jihyo unnie white ganon rin kay Rosè unnie, Chaeyoung unnie ay green, Dahyun unnie ay yellow, Jennie unnie black kay Jisoo unnie ay beige at kay Lisa unnie naman ay indigo

Muling nag salita si Minister ngunit may itim na usok na lumabas sa harapan naming lahat.

"Bakit hindi nyo naman kami inimbita sa kasiyahan nyo?" Sabi ng malalim na boses agad naman kaming naging alerto sa narinig

Nilabas ko ang aking tonfas at humanda sa mga maaaring mangyari. Lahat kami ay nakalabas na akong mga armas ng nawala ang usok. May nakita kaming pitong lalake na nakatayo doon

Narinig ko ang mga pag singhap ng mga tao at ang mga bulung bulungan

Bumalik na sila?

Akala ko ba tapos na?

Ilan lamang yan sa mga naririnig ko sa kanila

"Bakit kayo andito?" Malamig na tanong ng Minister

"Hindi nyo naman kami sinabihan na may kasiyahan pala dito" Tumatawang sagot nung nasa gitna medyo matangkad sya at may nakalagay na NJ sa may leeg nya

"Hindi mo manlang kami inimbita CL" maangas na sabi nung isang may JK sa may jawline nya

"Go, umalis na kayo hanggat maaga" Sabi ni Minister Cl na hindi manlang mababakasan nang pangamba

"Oh trust me, aalis rin kami after ng regalo namin" Sabi nung may nakasulat na MY sa gilid ng mata nya na hindi agad mapapansin dahil maliit lang ito

I looked around the place dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. May narinig kaming pagsabog na may kasunod na hiyawan mula sa labas agad kaming napalingon dito at tinakbo kung saan man nangaling yung sigawan

Napunta kami sa field ng school madaming sugatan na estudyante agad ko namang nilabas ang tonfas ko. May mga halimaw na umaatake sa mga estudyante para silang werewolves but may may mask sila na parang sa the plague.

"LAHAT NG KAYANG LUMABAN AY MAIWAN DITO AT YUNG HINDI NAMAN AY TULUNGAN NYO ANG IBA PARA MAKAPUNTA SA SAFETY" malakas na sigaw ni Minister CL.

Agad kong inatake ang isang monster gamit ang tonfas ko,hinampas ko ito sa ulo at ginamitan ng unting powers ko. Nakita kong nakikipaglaban na rin ang iba pang Royalties kaya naman pinalitan ko ang weapon ko ng scythe hinaluan ko ito ng air powers kaya magaan na lang ito.

Inikot ko ito at sapol sa ulo ang mga nagtatangkang lumapit sa akin na agad naman nilang kinamatay. Bigla akong nakaramdam ng init na dumaan sa likod ko kaya nilingon ko ito

"I saved you, You owe me one" Sabi ni Mina at lumapit sa akin with her fire katana I just smirked at nag talikudan na kami umiikot sa amin yung mga dragons namin na binubugahan rin yung ibang lumalapit samin ng mga powers nila.

Napansin ko na kanina pa kami lumalaban pero parang hindi maubos ubos yung kalaban may napansin akong glowing circle sa gitna ng field at dun nangagaling yung mga monsters. Agad ko itong tinakbo at pinalitan ang weapon ko ng dual sword at pinupugutan ko na lang ng ulo ang lahat ng humaharang sakin

"Where are you going?" I heard Mina shout bago ako makalayo sa kanya. I just smirked at hindi na sya pinansin dumiretso ako sa circle at may nakitang crystal na itim. I studied it for a while habang pinupugutan lahat ng monster na lumalapit sakin.

"κλείστε την πύλη" I said and bigla na lang nag sarado yung portal. I felt dizzy dahil malaking bawas rin sa energy ko yung ginawa kong pag sarado sa isang dark portal. Bago ako tuluyang bumagsak ay may naramdaman akong sumalo sakin

"Tsk, you owe me twice now" I heard her say bago ako tuluyang lamunin ng dilim

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now