Chapter Thirty-three: Fire God

466 28 0
                                    

Mina's POV

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Sinag ng araw ang bumugad sa akin. Unti unti akong tumayo mula sa kinahihigaan ko. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari kanina.

Fire stone

Agad kong hinanap kung nasaan ang fire stone ngunit nabigo akong makita ito. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa isa akong hindi pamilyar na kwarto. Isang kama at isang kabinet lang nasa loob ng kwartong ito. Hindi rin sya gaano kalaki. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalakeng pulang pula ang buhok.

"Gising ka na pala. Kumain ka na sa baba may training pa tayo" malamig na sabi ng lalake kaya napakunot ang noo ko dahil dito

"Sino ka?" Sabi ko at dahan dahang tumayo.

"Ako si Agui, ang Diyos ng apoy" sabi nya at tumalikod na upang mag lakad.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko habang naka sunod lang sa kanya. Isa syang matikas na lalake at pulang pula ang kanya mga mata. May marka sya sa buong braso nya dahil naka suot sya ng sleeveless na parang jacket.

"Andito ka upang mag sanay, Gusto mong lumakas diba?" Tanong nya kaya napatango na lang ako.

"Gano katagal akong magsasanay?" Tanong ko dahil may misyon pa kami at kailangan nila ako.

"Dalawang buwan" sabi nya umupo sa hapag kainan. Natigilan naman ako dahil sa sinabi nya

"Hindi pwede! May misyon pa ako" sabi ko hindi umalis sa kinatatayuan ko.

"Magkaib ang oras dito at oras sa mundo nyo. Ang isang buwan dito ay Isang araw lamang sa inyo" sabi nya at nag simula ng kumain.

Natahimik ako kaya napatango na lang ako at sumabay sa kanya sa pagkain.

"Pagkatapos mo dyan ay mag sisimula na ang pag eensayo natin" sabi nya at nauna ng lumabas.

Binilisan ko ang pagkain ko dahil ayokong paghintayin ang isang Diyos mamaya.

Lumabas ako ng bahay at bumungad sa akin ang isang malawak na hardin. Walang mga bulaklak dito pero madaming bulkan. Ang mga puno ay may apoy na mga dahon.

Namamangha akong lumapit kay Agui.

"Simula ngayon ay alas kwatro pa lamang ng umaga ay dapat gising ka na" pag sisimula nya na tinanguan ko lang

"Ikaw ang maghahanda ng ating kakainin, wala akong pakialam kung isa kang prinsesa. Hindi magiging madali ang pag eensayo mo. Mag uumpisa tayo ng trenta minutos bago mag alas singko at matatapos ng alas jis. Naiintindihan mo ba?" Mahabang paliwanag nya. Tumango na lang ako.

"Ngayon simula na ng training mo" pagkasabi nya nun ay agad nya akong inatake.

Hindi agad ako nakaiwas dahil sa bilis ng kilos nya. Napahawak ako sa tyan ko at napa atras ng kaunti. Pinagsawang kibo ko yung sakit at humanda na sa atake niya. Sinusubukan kong umiwas sa lahat ng mga atake nya ngunit sadyang mabilis lang sya.

"Isa kang mahinang nilalang. Hindi ka karapat-dapat sa basbas ko" sabi nya at sinipa ang paa ko dahilan ng pag tumba ko.

Agad akong tumayo at galit na tumingin sa kanya. Pinalibutan ko ng apoy ang kamao ko at saka sya inatake. Walang kahirap hirap nyang sinasalag ang mga atake ko at tila hindi man lang naaapektuhan ng apoy.

Sinubukan ko syang tuhurin ngunit nasalag nya ito. At sinipa ako sa mukha dahilan ng pagtama ko sa isang puno. Nanghihina akong tumayo at sinugod ulit sya. Bugbog na ang katawan ko ng maisipan nyang itigil ang paglalaban namin.

ARCAN ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon