Chapter Eight

698 30 2
                                    

Tzuyu's POV

Pagdating naming dun ay nag aantay na sa amin si Rosé unnie nakaupo lang sya sa may sofa. Pagka kita nya saamin ay agad syang tumayo at lumapit sa amin.

"Sa wakas at dumating na kayo" sabi nya at tumayo na.

"Sorry natagalan ang tagal nyang macontol yung utak nya eh" sagot naman ni jisoo unnie

"Rest?" Tanong ko kay Rosé unnie

"Sadly hindi pwede, marami tayong kailangang I practice at kulang tayo sa oras given na marami kang powers na kailangang mamaster" paliwanag ni unnie

Tumango na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa para. Sinundan ko na lang si unnie nung nagsimula na syang mag lakad papunta sa labas ng bahay. Napadpad kami sa likod ng bahay kung saan merong maraming putol na kahoy.

Nag labas sya ng posporo at nilagay yun sa mga putol na kahoy na naka tambak dun pero syempre hindi agad yun umapoy kasi nga posporo lang yun

"Subukan mong palakihin yung apoy bago mawala yung apoy sa posporo" sabi ni unnie

Tumango na lang ako at inimagine na lumaki yung apoy na yun habang nakataas yung kamay ko. Nag focus ako dun ng todo pero hindi ko pa rin magawa kaya dinilat ko na yung mata ko nakita ko na wala ng apoy yung posporo kaya nag sindi uli si unnie at hinagis nya uli dun sa mga kahoy syempre ganon rin uli ginawa ko.

Naka isang kahon na ng posporo si unnie bago ko nagawang palakasin yung apoy sa posporo mas mahirap sya compare dun kay Jisoo unnie pero kaya naman sya nakaka drain nga lang ng lakas.Pumalakpak si unnie

"Magaling ngayon naman subukan mong gumawa ng fire ball"

Pagka sabi nya nun ay pumikit agad ako at nag imagine na merong malaking fire ball sa kamay ko pero hindi ako napapaso. Pagka lipas ng ilang minuto ay unti unti ko ng nararamdaman yung init sa kamay ko.

Kaya unti unti ko ng binuksan yung mata ko at nakita kong merong maliit na fire ball sa kamay ko, mas nag focus ako at unti unti kong nakikita na mas lumalaki yung fire ball lalo itong uminit pero hindi naman ako napapaso.

Tumingin ako kay unnie. Nakita ko naman na nakatingin rin sya sa fire ball na ginawa ko at bigla nya akong tiningnan ng naka ngiti.

"Mas mabilis mong na control kaysa sa ineexpect ko, ngayon naman subukan mong gumawa ng weapon gamit yan, gaya nito"

Pagka sabi nya nun ay bigla syang nag labas ng sword gamit yung kamay nya sword na gawa sa powers nya, light sword, pagkalabas nya nun ay hiniwa nya yung maliit na puno sa gilid nya agad naman yung natumba.

"Ngayon naman subukan mo naman"

Hindi na ako pumikit kasi feeling ko ay kaya ko ng ma visualize yung sword na gusto ko na hindi na pumipikit. Unti unti na syang na foform sa sword na gusto ko ilang minuto lang ay nagawa ko na rin yung sword na gusto ko

 Unti unti na syang na foform sa sword na gusto ko ilang minuto lang ay nagawa ko na rin yung sword na gusto ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now