Chapter Thirty-four: Water Stone

455 20 0
                                    

Tzuyu's POV

Agad kaming pumunta sa sarili naming kwarto dito sa palayso. Pagkatapos ng nangyari kay Mina ay agad namin syang dinala dito. Sinalubong kami ng Hari at Reyna na halata ang pag aalala dahil sa anak nila.

Pinaliwanag namin ang nangyari sa kanya kaya kumalma rin agad sila. Agad akong nag ayos ng gamit ko at nagpalit ng damit. Kumuha ako ng isang itim na sweatshirt na pinaresan ko ng ripped jeans at puting sapatos.

Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong lumabas mula sa kwarto ko at naabutan ko ang iba na kausap na akong hari at reyna.

"Mag iingat kayo" Nakangiting sabi ng Reyna nakita kong hinalikan nila sa pisngi ang dalawang namumuno sa Firo Kingdom. Dumako ang paningin nya sa akin.

"Lalo na ikaw" seryosong sabi nya sa akin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Tumango na lang ako bago sumama sa iba pa.

"Bye mom,dad" sabi ni Mina habang humahalik sa pisngi nila at kumakaway paalis.

"Babye po" sabi pa nila na may malawak na ngiti. Nag bow lang ako bilang pagpapaalam na tinugunan nila ng pag tango.

Pagtawid namin sa tulay ay biglang nagsalita si Sana unnie.

"Saan may pinakamalapit na dagat dito?" Tanong nya habang nakatingin kay Mina

"Malayo pa" sabi nya habang patuloy sa pag lalakad

"Lead the way" sabi ni Sana unnie na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"Waaahh makikita ko na ulit sila Mama" nakangiting sabi nito na parang nag dadaydream pa kaya natawa yung iba.

"Para namang hindi mo sila nakita nung nakaraang bakasyon" Mapang asar na sabi ni Jeongyeon unnie.

Tumawa lang si Sana unnie. Nabalot ng komportableng katahimikan ang paglalakad namin patungo sa dagat na sinasabi ni Mina. Napatingin ako sa taas at papalitaw na ang araw. Unti unting nagkukulay kahel ang langit.

Tirik na ang araw ng narating namin ang dagat na sinsabi ni Mina. Ilang oras kaming naglalakad ng walang hinto dahil masasayang daw ang oras ayon sa kanya. Lumapit si Sana unnie sa dagat at pumikit.

Ilang minuto lang ay may lumitaw na ulo ng parang dragon mula sa dagat at madami sila. Unti unti itong pumunta sa amin hanggang sa makadating ito pangpang. Isa syang dragon na imbes na pakpak ay may fins ito at tila isang ahas ang katawan.

Agad na hinimas ni Sana unnie ang pinakamalaki sa kanila. Agad itong pumikit ng dumampi ang kamay ni Sana unnie dito. Agad syang sumakay sa likod nito.

"Tara na" nakangiting sabi nya. Agad namang kaming sumakay sa mga water dragons na nakalaan para sa amin. Pagkaupo ko dito ay hindi sya basa gaya ng inaasahan ko at pwedeng kapitan ang leeg nito.

"Let's go!" Sigaw ni Momo unnie na nagpatawa sa lahat.

"Wales kingdom here we go!" Sunod na sigaw naman ni Jihyo unnie. Mabilis na lumagoy ang mga water dragons. Para lang kaming nangangabayo sa tubig. Hinawakan ko ang tubig na nadadaanan namin at nararamdaman ko ang unti unting pag gaan ng pakiramdam ko dahil dito.

Ilang oras lamang ay huminto na kami sa isang bangin sa dulo ng karagatan. Kumunot ang noo ko dahil dito. Agad na tumalon ang mga water dragons kaya napuno ng sigawan ang paligid rinig ko ang pagtawa ni Sana unnie. Pagkatapos ng ilang segundo ay nasa harapan na namin ang isang kastilyo.

Agad na bumaba si Sana unnie mula sa water dragon nya at lumapag sa isang kungkretong sahig. Sumunod naman kami sa kanya. Pagbaba naming lahat ay agad na lumubog ulit ang mga water dragons at tuluyang nawala.

Paglingon ko ay matalim na water sword ang nakatapat sa leeg ko. Nakita kong ganon rin ang estado ng iba dahilan ng pag kunot ng noo ko. Agad namang nag pakita si Sana unnie kaya agad nilang binaba ang kanilang mga armas.

"Pasensya na po mahal na prinsesa" sabi nila habang nakayuko. Ngumiti lang si Sana unnie sa kanila bago nagtuloy tuloy sa paglalakad. Sinundan lang namin sya. Wala masyadong tao sa lugar na ito bukod sa mangilan ngilang gwardya at mga katulong.

Dumiretso kami sa loob ng throne room at pagbukas pa lamang nangpinto ay may biglang bumuhos na tubig. Agad namang nakagawa ng barrier si Sana unnie kaya hindi kami nabasa. Narinig ko ang malakas na pagtawa ng isang baritonong boses na umalingawngaw sa loob ng silid.

"Maligayang pagbabalik anak" malumanay na sabi ng Isang babae na hindi mo mababakasan ng katandaan. Ang mga mata nito ay kasing asul ng dagat at tila malulunod ka kapag pinakatitigan.

"Paano nyo po nalaman na pupunta kami dito?" Kunot noong tanong ni Dahyun unnie.

"Nasabihan kami ng mga Myoui" nakangiting sabi ng Hari at lumapit sa amin.

"Hindi parin nagbabago mga biro mo tito" nakangiting sabi ni Jeongyeon unnie at humalik sa pisngi ng Hari

"Alam mo namang yan yung paraan ko ng pag tanggap ng bisita" tawa pa nito.

"Sino naman ang magandang dilag na ito?" Tanong nya ng tumama ang mata niya sa akin.

"May kahawig ka iha" nakangiting sabi sa akin ng reyna. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"Ikaw ba yung sinasabi ng mga Myoui na bagong pasok sa royalty?" Tanong naman ng Hari.

Tumango ako bilang sagot.

"Tipid magsalita ang batang ito" Natatawang sabi naman ng Reyna

"Ganyan po talaga yan" nakangiting sabi naman ni Rosé unnie

"Halina kayo at kumain alam kong nakakapagod ang paglalakabay nyo" sabi ng Reyna at dinala kami sa hapag kainan.

Tahimik kaming kumain ng biglang magsalita akong hari.

"Sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan nyo makikita ang hinahanap nyo" panimula nito at uminom ng tubig

"At ikaw lamang, ang makakapunto doon" seryosong sabi ng Hari habang nakangitin kay Sana unnie na sinuklian lang ito ng isang tango

"Ngayong gabi ang magandang panahon para kunin ito, maari nyo siyang samahan ngunit sa taas lamang kayo. At mag hihintay lamang gamit ang isang bangka" sabi nya pa at tumingin sa amin isa isa at sinuklian lamang namin ito ng isang tungo.

Dumating ang kinagabihan at handa na kaming umalis papunta sa Mariana trench. Nag paalam kami sa hari at reyna bago umalis. Ilang oras rin ang tinagal ng pag sasagwan namin bago namin narating ito. Ramdam namin ang kaba ni Sana unnie kaya agad nilang pinalakas ang loob nito.

"Kaya mo yan Sana"

"Kapag nagawa mo yan hahayaan kita halikan ako" Sabi ni Dahyun unnie kaya lumawak ang ngiti ni Sana unnie

"Walang bawian ah" Sabi nito bago tumalon mula sa bangka.

Napailing na lang kami dahil dito. Basta talaga para sa halik. Dumako ang tingin ko sa buwan na bilog na bilog ngayon. Goodluck Sana unnie.

Ilang oras ang nakalipas at wala paring Sana unnie na lumilitaw. Nagsisimula na silang kabahan ngunit nanatili akong kalmado at nakatingin lamang sa ilalim ng dagat kung saan sya tumalon kanina.

Biglang may lumabas na ilaw mula dito na nakakuha ng atensyon ng lahat. Biglang lumitaw si Sana unnie at umiilaw ng asul ang kanyang mga mata. Tila si syang sirena na tumalon mula sa dagat. Pagkatapos ng ilang segundong paglutang nito ay bigla itong bumagsak. Agad syang sinalo ni Dahyun unnie na tumalon sa bangka upang saluhin ito.

Muli kaming nag sagwan pabalik sa kaharian kasama ang natutulog na Prinsesa ng Tubig

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now