Chapter Thirty-nine

579 31 0
                                    

Sa mundo ng Arcan ay abala sa pag eensayo ang lahat. Miski ang mga lower ranks ay puspusan sa pag eensayo. Unti unti na kasing namumula ang buwan. Hudyat na malapit ng magsimula ang digmaan. Nagkaroon ng lamat sa pagitan ng mga Royalty at Guardians. Hindi na sila nakikitang magkasama at halata ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Naguilty ang Royalty dahil sa mga sinabi ng Guardians ngunit hindi nila alam kung paano sila mapapatawad ng mga ito, lalo na ni Tzuyu. Si Chaeyoung na lang ang nakakalapit sa Guardian dahil wala naman siyang naging kasalanan dito.

Agad na bumalik ng Arcan ang mga Guardians pagkatapos nilang makausap si Tzuyu. Isang malaking banner ang bumungad sa kanila na may nakasulat na "we are sorry" nagtatakang tumingin sila sa paligid at nakita ang mga Royalty.

"What's this nonsense?" Malamig na turan ni Jennie

"We don't have time for this bullshit" madiin na sabi ni Lisa bago naglakad ulif ngunit napahinto ng magsalita ng mga Royalty.

"Patawarin niyo sana kami.... nagsisisi na kami" pag uumpisa ni Jihyo.

"Matagal na naming kayong napatawad" sabi ni Rosé na may maliit na ngiti sa kanyang labi. Lumiwanag ang mukha ng Royalty dahil sa narinig

"But I don't think she did" sabi ni Jisoo unnie bago patuloy na naglakad. Umalis na sila at iniwan ang Royalty na nakatulala. Nangnakabalik sila sa sarili ay pinagpatuloy lang nila ang pag tratraining na parang walang nangyari.

Nag uusap na ulit ang Royalties at Guardian kapag wala si Hyunjin. Lumalayo sila kapag nakikita nilang kasama nila ito. Tinuturing parin nilang prinsesa si Hyunjin.

Ngunit nag sisimula ng maghinala si Chaeyoung sa totoong katauhan nito. Napapadalas ang pagpunta sa forest ni Hyunjin kaya nagtataka na ito. Napapansin rin nyang unti unting humihina ang force field ng school.

Napapadalas na ang pag atake ng dark creatures sa school nila kaya madalas rin silang napapalaban. Isang buwan na mula ng kinausap ng mga guardian si Tzuyu at malapit ng tuluyang maging pula ang buwan.

Gulat ang bumalot sa lahat ng nakita nilang muli ang pagbalik ni Tzuyu. Madaming nag bubulungan dahil bumalik siya at dahil na rin may kasama siya. Isang babaeng may wavy na itim na mahabang buhok at may nunal sa gilid ng mata.

Dumiretso sila sa classroom ng Royalty na napabalot ng gulat. Lalo na si Hyunjin ng makita niya ang kasama nito.

"H-heejin?" Nagtatakang tanong nito at unti unting lumapit sa kanila. Nagtutubig na ang mata nito nag nagpataka sa mga taong nasa loob ng silid.

"Ako nga" ngumiti ang babaeng tinawag niyang Heejin. Agad na tumakbo si Hyunjin upang yakapin ito.

"T-tzuyu?" Nagtatakang tanong ni Nayeon. Isang malamig na tingin lang ang binigay niya rito.

"Nandito ako para tulungan kayo hindi para maging kaibigan nyo" malamig na turan nito bago nagsimulang mag lakad.

"Wait" tawag ni Mina sa kanya. Huminto si Tzuyu ngunit hindi niya ito nilingon.

"Where have you been? What's happening?" Takang tanong niya.

"Ask the PRINCESS" madiin na sabi ni Tzuyu bago naglakad papalabas. Nakasalubong niya ang mga Guardians na may mga ngiti sa labi.

"What's happening?" Madiin ni tanong ni Mina at tumingin kay Hyunjin na nanginginig na sa takot.

"I-" magsasalita na sana ito ng bumukas ang pintuan at pumasok ang guardians.

"Kasama siya ng Dark Kingdom" turan ni Jisoo. Nagulat ang Royalties sa natuklasan at aatakihin na sana nila si Hyunjin ng harangan sila ng Guardians.

"Ganyan ba talaga kayo? Inuuna ang emotion sa utak? Kaya siguro hindi natuwa mga Mentors nyo" naiinis na sabi ni Jennie na hawak ang ice sword ni Momo

"Ginawa niya iyon upang iligtas ang taong mahal niya" pagpapaliwanag ni Rosé. Tinago ng Royalties ang kanilang mga armas at nakinig sa mga Guardians.

"Si Heejin ay isang Jeon. Dinakip siya ng kanyang kapatid upang magamit nila si Hyunjin" dugtong ni Jisoo.

"Magagamit natin siya" sabi ni Lisa at tinuon ang pansin sa dalawang nakayuko sa likuran nila.

"Sasabihin ko sa inyo ang lahat ng plano ng Dark Kingdom, wag niyo lang saktan si Heejin" buong tapang na tumingin si Hyunjin sa kanila.

"Let's go, dadalhin ka namin kay Minister" malamig na sabi ng Royalties at sinamahan silang dalawa sa Minister upang makausap.

Hinawakan ni Jennie ang kamay ni Mina bago pa ito maka alis.

"Alam kong mahal mo si Tzuyu, Get her bago ka pa mabigo" sabi nito at ngumiti ng kaunti. Tumango lang si Mina at tuluyan ng lumabas.

Nag ikot siya sa buong school ngunit hindi manlang niya nakita si Tzuyu. Naupo siya sa damuhan ng Garden ng may marinig siyang sigawan. Agad niya itong pinuntahan at nagulat sa kanyang nakita.

Si yuqi ay duguang nakahiga sa sahig at walang malay. Si Lucas naman ay duguan nakaluhod. Nagulat siya ng makitang si Tzuyu ang may gawa nun at wala manlamang itong bakas ng kahit anong sugat o pagkapagod.

Tumakbo siya sa direksiyon nito ng makitang may sasaksak sa likod ni Tzuyu. Naitulak niya ito palayo ngunit siya naman ang natamaan nito. Bumaon ang kutsilyo sa tiyan niya. Agad na nagpanic ang mga tao dahil dito.

Unti unting nabalutan ng pula ang dating puting damit ni Mina.

"Stupid" bulong ni Tzuyu bago binuhat si Mina papalayo sa mga tao. Napangiti sa Mina dahil dito

"Tsk I'm just helping you" sabi ni Tzuyu at dinala siya sa clinic. Pagbukas nila ng pintuan ay walang tao dito dahil lunch na ngayon.

Hiniga ni Tzuyu si Mina sa kama at tumingin sa paligid at siniguradong nakalock ang pintuan. Pinunit ni Tzuyu ang damit ni Mina dahilan sa pagtili nito.

Ngumiti si Tzuyu at tila huminto ang mundo ni Mina. Ngayon niya na lang ulit ito nakitang nakangiti. Bumalik muli ang kanyang isipan ng naramdaman niya ang pagbunot ng kutsilyo. Galit siyang tumingin kay Tzuyu ngunit agad ring nawala ito ng makita niya ang malamig na mga mata nito.

"Stay still" sabi niya at inumpisahang pagalingin sa Mina. Ilang segundo lamang ay wala na ang sugat ni Mina at hindi mahahalatang nangyari ito.

Aalis na sana si Tzuyu ng pigilan siya ni Mina.

"Please stay" nagmamakaawa ang boses ni Mina at tila maiiyak na. Lumambot ang puso ni Tzuyu sa nakita.

"I will" sabi niya bago gawaran ng isang halik sa kanyang noo si Mina.

Their feelings never changed. They love each other and no one could stop them. But will they get over the past that easily?

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now