Chapter Seven

740 31 2
                                    

Tzuyu's Pov

Sinusundan ko lang sila unnie na tuloy tuloy lang sa paglalakad. Nilapitan ko si Jennie unnie.

"Where are we going?" Tanong ko habang nililibot yung paningin ko

"Sa bahay namin" sagot ni Rosé unnie na hindi ako nililingon

Tumango na lang ako

"Mag aaral tayo dito pero hindi pa ngayon, pa tapusin muna natin yung school year ngayon, habang hindi pa tayo pumapasok ay kami ang mag eensayo sayo, hindi nila dapat malaman kung sino ka" pagpapaliwanag ni Jisoo unnie

Tumango lang ulit ako

Hindi ko namalayan nasa harapan na pala kami ng isang bahay hindi ganon kalaki yung bahay. Pag pasok namin ay nagulat ako kasi ang lawak nung bahay kung sa labas mo titingnan parang masikip pero kapag pumasok ka sa loob ang modern.

May fire place, malaking sofa, malawak na sala, maayos na natural lighting, may chandelier, may aircon yan palang yung sala nag lakad lakad pa ako at napunta ko sa kusina malaking ref, maayos na counter, malinis na lutuan, binuksan ko yung cabinet puno ng ibat ibang klase ng spices.

Bumalik ulit ako sa sala at umakyat sa second floor. May nakita akong limang pintuan merong ibat ibang symbol ang kada pintuan. May isang pintuan na color black at may tao na symbol kaya sa tingin ko ay kwarto yon ni Jennie unnie

Yung isang pintuan naman ay color white na merong symbol ng arrow kaya sa tingin ko ay kay Rose unnie yun. Meron namang color violet na pintuan na may symbol ng utak kaya sa tingin ko ay kay Jisoo unnie yun.

Yung isang pintuan naman ay color gray na may symbol ng ibat ibang seasons kaya sure ako na kay Lisa unnie yun. At yung huling pintuan na tingin ko ay akin rainbow yung color.

Meron syang symbol na crown. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko pag pasok ko ay natuwa ako kasi hindi rainbow yung loob mostly black or white lang yung kulay yung favorite kong color. May king sized bed na color black yung kumot pero white yung cover.

Meron rin akong nightstand na color white at merong black lamp at sa tabi nito meron rin syang picture frame. Tinignan ko kung ano yung laman ng picture frame, tipid akong napangiti. Ito yung picture namin dati nung naisipan naming pumunta sa arcade.

May nakita akong pintuan kaya pinasok ko ito, restroom. Meron syang salamin sa loob na may kasamang sink merong hot tub at meron ring shower. Lumabas na ako at nag libot libot sa kwarto meron rin palang veranda dito na merong view ng bundok.

Lumabas ako sa veranda at pumasok sa walk in closet sakto lang sya para sa mga damit na dala ko. Humiga muna ako sa kama saglit at pumikit.

"Tzuyu kakain na bumaba ka na" rinig kong sigaw ni Jennie unnie

"Coming unnie" sigaw ko pabalik bumagon ako sa kama bago ayusin yung sarili ko at tuluyan nang bumaba.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko silang nag aayos na ng kakainan.

"Umupo ka na dyan kami ng bahala dito" sabi ni Lisa unnie nung sinubukan kong tulungan sila kaya umupo na lang ako sa mesa naalala ko umaga pa pala kaya bacon and toast lang yung pagkain namin meron rin namang fruits.

Pag katapos nilang mag prepare ay nag simula na kaming kumain.

"After nating kumain ay magsisimula na yung training mo mag sisimula tayo sa mental training at ang mag train sayo dun ay ako" sabi ni Jisoo unnie

"Next naman ay ang elements mo ako naman ang mag train sayo dun" sabi ni Rose unnie

"Ako naman sa speed at agility mo" sabi ni Jennie unnie

"Ako naman sa pain tolerance mo" sabi ni Lisa unnie

Tumango lang ako habang kinakain yung tinapay ko. Binilisan ko na lang yung pagkain ko para makapag palit pa ako ng damit.

After kung kumain ay agad akong umakyat sa kwarto ko at nag palit ako ng mas komportableng damit since mag tratraining ako. Since mental trainig yung gagawin ko ay hinanda ko na yung isip ko sa pwedeng mang yari.

After kong magbihis ay bumaba na ako at sakto namang tapos ng mag hugas sila unnie. Napansin ako ni unnie kaya tinanguan ko lang sya

"Let's go" sabi nya at lumabas na ng bahay sinundan ko naman sya at napad pad kami sa likod ng bahay nag lakad lakad pa kami hanggang sa makarating kami sa falls medyo malayo sya sa bahay pero maganda.

Tiningnan ko muna yung falls malinis yung tubig merong kaunting isda, nag sparkle yung tubig kapag natatamaan ng araw. Maraming puno sa paligid kaya hindi gaano kainit. Umupo si unnie sa mga bato na malapit sa falls.

"Umupo ka sa tapat ko"Sabi nya kaya sumunod na lang ako naka indian sit kaming parehas.

"Makinig ka lang sa lahat ng sasabihin ko"Tumango na lang ako

"Pumikit ka" Sinunod ko lang sya

"Wag mong ididilat yung mata mo mag focus ka papasukin ko yang laman ng utak mo subukan mong pigilan"Pag ka sabi nya nun ay biglang may nag salita sa utak ko

Subukan mo akong pigilan sabi nung boses alam kong si Jisoo unnie yun since sya lang naman yung tao dito. Sinubukan ko yung mga nababasa ko sa fantasy stories na gumawa ng barricade sa utak ko, yun nga yung ginawa ko pero hindi pa rin saya gumagana medyo huminana pero naririnig ko pa rin.

Ppong paulit ulit na sinasabi ni Jisoo unnie sa isip ko kaya na iirita ako gumawa ako ng maraming harang sa utak ko at kada harang na ginagawa ng utak ko ay mas humihina yung boses ni unnie kaya gumawa na lang ako ng isang malaki at makapal na harang sa utak ko since nakakapagod na.

Pagkatapos kong gawin yung isang harang na yun ay wala na akong narinig na boses kaya dinilit ko na yung mata ko. Nakita ko naman si Jisoo unnie na naka smirk sakin

"Mabilis mong nacontrol yung utak mo try naman natin kung kaya mong labanan yung gagawin ko" Pagkasabi nya nun ay bigla akong nawalan ng control sa sarili kong katawan.

Sinubukan kong i kontrol uli yung katawan ko pero mahirap. Trinay kong mag concentrate para ma balik ko yung contol sa katawan ko.Pag katapos ng ilang minutong struggles para makapag focus ay nagawa ko na ring ikontrol yung katawan ko.

Nahirapan akong ikontrol sya dahil pinasok uli ni unnie yung utak ko at kumanta ng kung ano ano kaya mahirap mag concentrate pero at the end nagawa ko naman sya, binigyan akong pahinga ni unnie 5 minutes

Tapos ay bumalik na kami sa bahay pag dating ko naman dun ay nag aabang na si Rosé unnie

---------------------------------------------
A/n: Don't forget to vote and comment thank you

Sorry for the grammatical error

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now