Chapter Nineteen

690 38 2
                                    

Tzuyu's Pov

Since nasa kwarto nanaman ako ay napagisipan ko na mag training na lang dito sa loob. Ayoko munang lumabas. Kinuha ko yung ballpen ko at inunscrew yun kinuha ko lang yung part na may ink. Tapos hinanap ko yung part na may butas sa ilalim ng side table ko. After kung ipasok yun sa butas ay may lumabas na pintuan sa gilid ng kama ko.

Pumasok ako dun at bumaba na para syang basement ng mga dungeons sa mga castles. Bumubukas yung mga torch sa paligid ng hagdanan kapag dumadaan ako. Bumalik na man sa dati yung ballpen at nag sarado na yung pinto. Walang makakaalam na nandito ako. This is my safe haven.

Pagdating ko sa dulo ay may isa pang pintuan. Binuksan ko ito at bumungad sakin ay isang training room. Napangiti ako at pumasok na sa loob at pumunta sa lamesa. Nandun yung controls para sa pag training ko. I started pressing buttons para mag appear yung mga monsters na kakalabanin ko.

May mga ogre,wolf at warewolf may protective barrier na nag hahati sa control area at sa mismong training ring. I removed my shirt. Naka sports bra lang ako at nag bun ng buhok. I started to stretch my body para hindi gaano sumakit yung katawan ko pagkatapos nito. Tiningnan ko kung gano karami yung mga monsters na lumabas.

Around 20 wolves 5 warewolf at 5 ogre. Hinanda ko na yung tonfas ko nilagyan ko yun ng iba't-ibang powers. Iniba ko yung isa kong tonfas para maging gloves. Pumasok na ako sa loob at agad naman akong inatake ng mga ito. Sinusubukan akong kalmutin ng mga warewolf at sinusubukan naman akong kagatin ng mga wolf at yung mga ogre naman ay sinusubukan akong hulihin.

Naiwasan ko lahat ng atake nila. Tumakbo ako papunta sa isang gilid at Isa isang inatake yung mga lumalapit sakin. May isang warewolf na sinubukan akong kalmutin pero nasalag ko yun gamit yung gloves na naging cape na hindi nasisira. Pagkababa ko naman nung cape ay agad ko syang sinuntok gamit yung tonfas ko na nag pa wala sa kanya. 1

Sumunod naman yung wolf na sinubukan akong kagatin sa mukha. Bago pa ako makagat nito ay nasipa ko na ito sa mukha na dahilan ng pag lipad nito papalayo at natamaan pa yung dalawa nyang kasama kaya sabay silang natumba. Isa isa namang umatake yung mga ogre sakin. 4

Mas matangkad sila pero mas mabilis ako. Sinubukan akong hulihin nito pero nakatalon ako at tumakbo mula sa braso nya papunta sa ulo nya at agad na pinalitan yung tonfas ko ng double sided sword tsaka ko sya pinugutan ng ulo. Bago pa ito matumba ay nakatalon na ako papunta sa isa pang ogre tsaka ito pinugutan ng ulo. Paulit ulit ko yung ginawa hanggang maubos ko na yung mga ogre. 9

Medyo pinagpapawisan na ako kaya gusto ko na itong tapusin. Bago ako bumaba galing sa pagtalon mula sa katawan ng ogre na napatay ko ay agad akong naghagis ng mga fireball pababa sa mga natitirang mga monsters sa baba agad namang kumalat yung apoy kaya agad na naman silang namatay kaya nakaland ako ng maayos.

Pagland ko ay agad akong kumuha ng towel dahil sobra akong pinagpawisan sa ginawa ko. Kusa namang namatay yung fireball na ginawa ko kanina. Habang nag pupunas ng katawan ay pumunta ako sa control table pinatay ko lahat ng mga ilaw dito at agad ng umakyat papunta sa taas. Nag scan naman yung laser sa pintuan bago bumukas. Pag bukas non ay agad akong pumunta sa cr at naligo.

After kong maligo ay nag suot ako ng plain white oversized shirt at shorts tinuck in ko yung harapang part at humiga sa kama. Naramdaman ko na yung pagod kaya agad akong nakatulog.

Nagising ako ng biglang nag alarm yung orasan sa side table ko. Tiningnan ko ito at nakita kong 8 o'clock na. Naalala ko na nag alarm pala ako para hindi ako makapag skip ng dinner. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Nag play sa utak ko yung ginawa ko kaninang umaga. Nag sparring kami ng teacher ko which I won dahilan para mapunta sa clinic si ma'am which results to no classes, I had lunch with the royalties and my unnies.

We we're eating peacefully until Chaeyoung unnie started being all sweet to mina unnie. That resulted for me to get jealou-- Wait--What?!.

I shaked my head para mawala yung thought sa utak ko wala naman akong gusto kay Minari, diba?

I shaked my head again nababaliw ka na Chou. Tumayo na ako sa kama at nag palit ng pants nakatuck in parin yung harapang part ng shirt at nakalugay lang yung buhok ko at nag suot ng glasses. Sinuot ko ulit yung pin sa damit ko at lumabas na ng dorm.

Pagdating ko sa cafeteria ay medyo maraming tao kaya pumila na agad ako. Habang naka pila ay bigla namang nagkaroon ng sigawan

"I LOVE YOU ROYALTIES!!"

"MARRY ME PRINCESS CHAEYOUNG!!"

"WE LOVE YOU PRINCESS SANA!!"

Ilan lang yan sa mga sigaw nila kaya hindi ko na kailangan lumingon kung sino yung dumating. Ako na yung susunod kaya inayos ko na yung salamin ko

"One steak, carbonara and orange juice" pagkatapos kong sabihin yun ay binigay ko na yung card ko. Agad namang dumating yung order ko kaya. Kinuha ko na ito at naghanap ng bakanteng upuan but unfortunately walang bakante kaya naisipan kong sa labas na lang kumain. Merong mga table dito sa labas ng cafeteria in case na puno na sya.

Umupo ako sa pinaka dulong table. Nilapag ko na yung pagkain ko at tumingin sa moon bago umupo napangiti ako.

"Full moon" I whispered bago tumingin sa pagkain ko.

Magsisimula na sana akong kumain ng may biglang umubo. Tiningnan ko ito at nagulat ako. Bakit sya andito? I looked at her with a uninterested look.

"What do you want Princess .....?"

-----------------------------------------------

A/n: sorry for the super late update wala lang talaga akong masulat.

Thank you for reading

Sorry for the grammatical mistakes and don't forget to vote and comment

Both votes and comments are deeply appreciated

Happy reading

Sino sa tingin nyo yung nakita ni Tzuyu? Comment nyo na

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now