Chapter Forty

593 30 0
                                    

Nasabi na ni Hyunjin ang lahat ng plano ng kabilang panig. Wala siyang tinirang inpormasyon kahit isa. Pinasalamatan siya ng Minister ngunit kailangan parin siyang parusahan sa kanyang ginawa. Ngunit ngayon ay hindi pa nila ito pwedeng gawin dahil kailangan pa siya sa digmaan.

Kinabukasan ay tuluyang naging pula ang buwan. Kahit ang araw ay naging pula rin. Nabalot ng kulay ng dugo ang kalangitan. Nagdala ito ng takot at pangamba sa mundo ng mahika. Sa mundo naman ng mga tao ay paghanga ang mababakas sa mga tao. Mga walang kaalamalam sa maaring mangyari sa kanila.

Nakasuot na ng mga baluti sa katawan na umaangkop sa kanilang kapangyarihan. Gumawa ng suit ang techno kingdom kasama pa ang ibang kaharian upang ma proteksiyonan sila. Hindi ito basta bastang nasisira kahit patamaan pa ito ng mga kapangyarihan. Inaabsorb lang nito iyon.

Isang napakalakas na kapangyarihan lang ang makakasira nito. Handa na ang lahat. Ang mga semi Elite at mga middle ay kasama sa mga lalaban samantalang ang bottom naman ay ang tutulong sa mga healers nila.

Nasa unahan ang mga Royalties kasama ang mga Guardian. Ngunit hindi nila makita kung asaan ang prinsesa. Nagsisimula na silang kabahan dahil hanggang ngayon ay wala pa ito.

"Asan na ba si Tzuyu?" Halata ang inis at kaba sa boses ni Sana. Kinakausap na ulit sila nito ngunit halata mas lumamig pa ang pakikitungo nito sa kanila.

"Wala pa nga eh kanina pa namin siya hinahanap" sagot naman ni Nayeon habang iniikot ang paningin dahil baka sakaling makita nila ang prinsesa.

Sa mga kaharian naman ay nakahanda na rin ang mga hari at reyna sa magaganap na laban. Ngunit hindi mababakasan ng paghahanda ang techno kingdom alam nilang hindi sila mahahanap ng mga ito. Sa bawat digmaan ay sila ang parating hindi sumasali. Napakapayapa ng lugar na ito.

Nagsisimulang umatake ang kampon ng kadiliman. Inuuna nila ang mga kaharian. Si Hoseok ang umatake sa Firo Kingdom. Si Taehyung naman sa Light kingdom. Si Namjoon sa Wales, Si Seokjin sa Airo, Si Jimin sa Eartho, sa Lightning Kingdom naman si Jungkook at sa Iceo kingdom naman si Yoongi.

Sabay sabay silang umatake sa mga kaharian. Habang nagkakagulo sa palasyo ng Firo ay may dumating na isang babaeng nakasuot ng cloak at natatakpan ang mukha. Kasalukuyang nag lalaban ang Hari at si Hoseok.

Sinipa ni Hoseok ang paa ng hari dahilan ng pagtumba nito. Agad niya itong tinutukan ng espada at may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Tumatanda ka na talaga Myoui" Sabi nito bago akmang sasaksakin ang Hari ng napaubo siya bigla.

May lumabas na dugo dito kaya nagtataka niyang tinignan ang kanyang tiyan. May nakasaksak na Heavens fire sword sa kanya. Dahan dahan siyang lumingon sa may gawa nito at nakita ang babaeng naka cloack.

"Mananalo ang kadiliman! All hail Darkness" buong lakas na sigaw nito bago tumawa ng nakakakilabot at naging abo.

"Isa" bilang ng babae at agad na umalis.

Sa Wales Kingdom naman ay pinipilit na labanan ng mga guwardiya ang lalakeng tuloy tuloy lang sa paglalakad. Kahit batuhin pa nila ito ng mga sibat ay hindi manlamang ito natatamaan. Tila tubig na tumatagos lamang ang mga ito sa kanya.

May ngisi sa mga labi niyang pinapatamaan ng tubig ang mga guwardiya. Tila may mga galamay ito at hinahampas ang mga guwardiya. Hindi nagtagal ay agad ring nakadating ang lalake sa throne room.

Ang hari na lamang ang makikita dito. Agad na tumayo ang hari at hinanda ang kanyang sandata. May ngisi sa labing hinampas lang siya ng tubig ni Namjoon ngunit nasalag ito ng Hari at inatake. Laking gulat ng hari ng tumagos lamang ang kanyang espada sa lalake.

Agad itong tumama sa pader dahil sa malakas na water ball ni Namjoon. Duguan ang Hari sa lakas ng pagtama niya at hirap na tumayo.

"Mahina ka na Minatozaki" tumawa ng napakalakas ang lalake bago kinuha ang espada at ginamit ito upang iangat ang mukha ng Hari

"Oras mo na" isang mapaglarong ngiti ang binigay ng lalake sa kanya bago itinaas ang espada. Agad niya itong nabitawan ng may tumamang tila isang palaso dito.

Dahan dahan itong lumingon sa pinangalingan nun at nakita ang babaeng may cloak. Nagtatakang tumingin ang lalake bago ngumiti ng mala demonyo.

"Gusto mo na atang mamatay bata" sabi nito at nagbato ng water spike sa babae ngunit sinalo niya lang ito at muling hinagis sa lalake. Sasaluhin na sana ito ng lalake ngunit bigla siyang nakuryente.

Tumama ito sa kanyang puso dahilan ng pagkakuryente nito. Agad itong nangisay at unti unting naging abo.

"All Hail Darkness!" Ang huling mga salita ni Namjoon bago tuluyang naging abo. Agad na umalis ang babae sa kaharian ng Wales.

Sa Airo Kingdom naman ay nakikipaglaban ang mga guwardiya habang nakasakay sa mga pegasus. Sira sira na ang madaming parte ng kaharian dahil sa sunod sunod na mga buhawing pinapalabas ni Seokjin. Madami na ring pinsala dito.

Nagulat ang mga tao ng biglang nahulog mula sa pegasus si Seokjin. Nakita nila ang babaeng nakacloak sa hindi kalayuan at nakatingin kay seokjin. Sinusubukan maghabol ng hininga ni Seokjin ngunit hindi niya ito magawa dahil agad rin siyang nasaksak sa puso ng nalaglag niyang espada.

"3" mahinang bulong ng babae bago nawala.

Si Yoongi ay napunta sa Arcan Academy upang ito na lamang ang atakihin. Alam niyang naroon ang prinsesa at gusto niya ng tapusin ang laban. Simula na ang laban sa Arcan Academy

Sa Eartho Kingdom naman ay nakikipaglaban ang mga rock giants sa mga kampon ni Jimin. Nakapasok si Jimin sa loob ng kaharian at agad na sinira ang lahat ng makikita niya habang tumatawa ng nakakakilabot.

Sa kalagitnaan ng pagsira niya sa palasyo ay dumating ang babaeng naka cloak. Agad niya itong tinapunan ng earth spikes at sinimulan na ulit na manira ngunit nagtaka siya na nakatayo parin ang babae doon. Walang bahid ng kahit anong sugat.

Gumawa siya ng earth spikes at pinatama yun sa sahig. Ngunit agad na nakalayo ang babae at inatake siya. Ilang beses na nagtama ang espada nila ngunit hindi parin niya nakikita ang mukha ng babae.

Hindi niya namalayan na mahuhulog na siya sa mga spikes na ginawa niya. Napaubo siya ng dugo dahil dito. Ngumiti ng nakakakilabot at nagsalita.

"All Hail Darkness" ang huling mga salita nito bago malagutan ng hininga.

Sa lightning kingdom naman ay halos masunog na ang buong kaharian. Nakaluhod na ang hari at pinipilit na tumayo gamit ang kanyang sandata. Sinipa sa mukha ni Jungkook ang Hari dahilan ng pagtumba nito. Patatamaan na sana niya ito ng lightning ngunit bigla itong bumalik sa kanya.

Tumama si Jungkook sa isang nasusunog na pader dahilan ng pagbagsak nito. Sinira ng babaeng nakacloack ang pader at nakita niya ang naghihingalong si Jungkook. Nilabas niya ang scythe niya at pinugutan ito ng ulo.

Agad na umalis ang babaeng nakacloack at bumalik sa Arcan Academy.

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now