Chapter Twenty-nine

573 34 4
                                    

Tzuyu's POV

Hey, wake up already

You still owe me twice

I'll wait for you to wake up

I'll stay here

I slowly opened my eyes and was greeted by a white ceiling. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa loob ako ng isang ospital hindi ko alam na may ospital pala sa loob ng academy. Madami pa talaga akong hindi nalalaman sa lugar na ito.

Napunta ang tingin ko sa isang babaeng mahimbing ang tulog sa gilid ng kama ko. Nakayuko sya at halatang nakakangalay yung pwesto nya. I just let it be knowing who she is. Napansin kong tahimik lang ang lahat at kaming dalawa lang pala ang nandito. Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa hindi malamang dahilan

Napansin ko rin yung hawak nya sa kamay ko.Hinayaan ko lang dahil ayokong magising sya. Unti unti na syang nagising.

"Hey, Kanina ka pa gising?" She asked

"No,not really, just woke up few minutes ago" I said which isn't a lie though

"You hungry?" She asked

"Kinda, gaano katagal na ako nandito?" Tanong ko sa kanya

"Dalawang araw" Sagot nya habang nag babalat ng mansanas

"Ikaw lang nag babantay sakin?" Tanong ko sa kanya

"Hindi, actually kakadating ko lang rin kani kanina nakatulog lang talaga ako" paliwanag nya

"So sino madalas mag bantay sakin?" Tanong ko habang kinakain yung mansanas na binigay nya

"Si Mina" Sagot nya at kumain rin ng hiniwa nyang mansanas

"Bakit wala sya dito?" Takang tanong ko

"Pinauwi muna namin kasi dalawang araw na rin sya dito ayaw ka nyang iwan eh" sabi nya

"Ano oras sya babalik?" Tanong ko

"Maya maya rin nandito na yun, Bakit? Miss mo na si Mina noh?" Pang aasar sakin ni Sana unnie

"No" I said tsaka tumingin sa pintuan dahil bigla itong bumukas

"Hey, You're awake" She said with a warm smile
I can't help but return the gesture, my heart beating fast

"Sige iwan ko na muna kayo dito" sabi ni Sana unnie at lumabas na

Umupo naman si Mina sa dating inuupuan ni Sana.

"How are you?" she said worry evident in her voice

"I'm fine, nanghihina lang ng unti" I said with a smile

"Tsk, wag ka kasi gumawa ng mga bagay na masyadong risky tignan mo nangyayari sayo" sabi nya na halata mo ang inis sa boses

"Pero I'm glad na gising ka na" she said in her soft voice

"Kelan pala ako makakalabas dito?" Tanong ko sa kanya

"Sabi sakin ng doctor kahapon basta daw magising ka na pwede ka na rin daw makalabas dahil daw mabilis ka naman daw na gumagaling" sabi nya

"Well then, tulungan mo ako at gusto ko na umalis dito" sabi ko sa kanya at bababa na sana sa kama pero agad nya akong pinigilan

"Stay here, tatawag lang ako ng doctor" Sabi nya at lumabas agad. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa kundi mag intay dito.

Ilang sandali pa ay dumating na rin yung doctor at tinulungan na kami sa pag release sakin sa ospital.

Naglalakad na kami ngayon sa field at parang walang nangyaring kaguluhan dito nung nakaraang dalawang araw.

"You still owe me two things" sabi nya habang nag lalakad kami papunta sa dorm namin dahil pinilit ko syang pumasok pa kami ngayon

"Fine, ano naman yung dalawang bagay na yun?" Tanong ko at nauna nang pumasok sa loob

"Pag iisipan ko muna" sabi nya bago pumasok sa kwarto nya at ganon na rin ginawa ko. Naglalakad na kami papunta sa classroom ng biglang may nag salita galing ata sa speaker

"Calling all royalties please proceed to the Deans office now" Sabi sa speaker. Inintay na lang namin lubas yung iba pa dahil nasa tapat na rin naman kami ng room.

Ilang segundo lang ay lumabas na nga sila tas sinalubong ako ng yakap nila Jisoo unnie. Napangiti naman ako ng unti dahil dun

"Bakit kaya tayo pinapatawag ng Dean?" Takang tanong ni Lisa unnie

Lahat kami ay lumingon kay Jihyo unnie dahil baka alam nya ngunit nag kibit balikat lang ito

Agad naman kaming nakarating sa Dean's office

"Sinong kakatakot?" Tanong ni Chaeyoung unnie.

Kumatok na si Mina sa pinto at nakarinig kami ng mahinang "pasok"

Pagbukas ng pinto ay isa isa kaming pumasok at umupo sa isang mahabang sofa sa loob ng office nya. Wala paring nag babago mula nung huli kong punta dito.

"I know na nag tataka kayo kung bakit kayo andito" panimula nya na tinanguan lang namin

"I'm giving all of you a mission" seryosong sabi nya. Nanatili kaming tahimik

"Nakita nyo naman ang kayang gawin ng mga lalakeng yun nung nakaraan. I don't want that to happen again pero wala tayong magagawa dahil gulo ang gusto nila. They want war. Gusto nilang sakupin ang mundo ng mga tao. At hindi maari yun" seryosong sabi nya

"I'm giving you a mission to find the stones for each one of you. Pupunta kayo sa mga kingdoms nyo para hanapin doon ang mga stones na nararapat sa inyo. At kayo namang mga guardian ay sa Forest of the guardians nyo mahahanap ang mga stones nyo. At hahanapin nyo na rin ang stone ng prinsesa kahit wala pa sya dito. Sa forest of the Gods nyo iyon matatagpuan" Mahabang paliwanag nya na tinanguan lang namin

"Kailan po kami mag sisimula?" Tanong ni Jihyo unnie

"Bukas na bukas ay pupunta kayo sa Firo Kingdom para doon simulan ang misyon nyo" Sabi ni Dean

"Alas singko ng umaga ay may dadating na karwahe upang ihatid kayo doon kaya dapat ay maaga kayong matulog. Excused na kayo sa lahat ng klase nyo ngayon. Ang focus nyo ngayon ay ang misyon nyo. Napakahalaga netong misyon na ito." Seryosong sabi nya na nakatingin samin

Napatango na lang kami sa sinabi nya

"Maaari na kayong bumalik sa dorm nyo" sabi nya at muling binaling ang atensyon sa mga papeles nya

"Ngayon na lang ulit tayo nagkaroon ng misyon" nakangiting sabi ni Sana unnie

"At ganito na agad kabigat" napabuntong hinga na lang si Dahyun unnie

Pumunta na kami sa aming kanya kanyang kwarto para mag ayos ng gamit para bukas

--------------------
A/N: Miss me?

Comments and votes are highly appreciated

ARCAN ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon