Chapter Thirty-One

494 32 0
                                    

Tzuyu's POV

Nagising ako dahil sa isang nakakainis na tunog mula sa alarm ko sa nightstand. Unti unti akong bumangon para makita kung anong oras na. Maaga pa at may oras pa akong makapag ayos bago yung call time. Agad akong kumilos at ginawa yung morning routine ko.

I was wearing my robe while drying my hair using my towel before walking towards my closet. I looked at it and decided what should I wear today. I grabbed a oversized black sweatshirt and laid in my bed along side with a white tank top, a black ripped jeans and a black cap.

Tinignan ko yung mga damit na nilagay ko sa kama at isa isa itong sinuot. Hindi naman ganon kainit ngayon kaya pwede akong mag sweatshirt and besides pwede ko namang hubadin yun kapag nainitan ako. Sinuot ko yung hikaw na binili ko kahapon na may simpleng design lang.

After I wore my cap I looked at the time and malapit na yung call time namin. I grabbed my bag and bumaba na. Naabutan ko si Jennie unnie na nakaupo sa sala with her, White fitted crop top and a black pants.

"Ikaw pa lang?" Tanong ko at dumiretso sa kitchen para mag luto ng pagkain.

"Yeah" sabi nya at sumunod sakin sa kitchen bago umupo sa counter habang pinapanood ako.

"Want some?" Tanong ko habang inaayos yung ham sandwich na gagawin kong breakfast

"Yup" she said in a happy tone. Ginawan ko sya ng sandwich at nilagay yun sa harap nya na agad naman nyang kinain. Nag luto na rin ako ng para sa iba kasi sure akong wala pang kumakain sa kanila.

Lumabas mula sa kwarto nya si Rosé unnie na agad namang nag lakad papunta sa kitchen at kumain ng sandwich nya.

"Thank you Yoda" sabi nya kaya napailing na lang ako. Naka suot sya ng gray na sweater na nakatuck-in sa black pants nya. Sunod sunod ng lumabas yung iba na mostly ay naka pantalon at plain fitted na shirt lang.

Agad na kaming ng lakad papunta sa gate ng school dahil baka ma late pa kami. Naabutan namin si Minister na nag aantay samin. Agad kaming nag bow pagdating namin sa harap nya.

"Sa wakas nandito na kayo" sabi ni Minister while looking at us firmly.

"Take your Dragons. Baka kailanganin nyo sila. May the Gods and Goddesses guide you in your mission" sabi nya bago bumukas yung pintuan ng school signaling na simula na ng misyon namin.

Agad kaming lumabas at nag lakad papunta sa kung saan. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nagtanong na si Chaeyoung unnie.

"Saan ba tayo unang pupunta?" Tanong neto habang patuloy parin kami sa paglalakad.

"Anong kingdom ba pinakamalapit dito?" Tanong naman ni Sana unnie.

"Let's head to my kingdom first" Sabi ni Minari na nauuna saming mag lakad.

Tumango na lang kami at tahimik na sumunod sa kanya. Pinakiramdaman ko yung paligid dahil pakiramdam ko ay may sumusunod samin. Hinigpitan ko yung kapit ko sa bag bago inayos yung cap ko. Ilang oras na kaming nag lalakad nung natanaw namin yung bayan. Malayo pa ito pero natatanaw parin sya.

Biglang nag karoon ng isang makapal na usok sa palibot namin kaya agad kaming napafighting stance. Nilabas ko yung tonfas ko nung nararamdaman kong may paparating papunta sakin. Hindi nga ako nag kakamali dahil may isang kunai na muntik ng tumama sakin.

Humupa yung usok at nakita namin na merong benteng lalake ang nakapalibot samin. Agad kaming sinugod ng mga ito. Inatake ako ng isang lalake na may katana. Ginagamit kong pang salag yung tonfas ko bago ko sya sinipa sa tyan dahilan ng pag atras nito. Agad akong sumugod sa kanya at sinapak sya gamit yung tonfas ko dahilan ng pagiging abo neto.

Pinalitan ko ng gloves yung isang tonfas ko at agad na sumugod sa iba pang lalake. Pagkatapos ng paglaban namin ay naisipan naming itira yung isa sa kanila para mag tanong.

"Sino nag utos sayo?" Malamig na tanong ni Jihyo unnie sa kanya.

"Wala kayong malalaman mula sakin" sabi nya at tumawa ng mala demonyo. Nararamdaman ko yung pagtayo ng balahibo ko dahil dito. Tumingin sya sakin at ngumisi.

"Mananalo ang kadiliman" sabi pa neto bago naging abo. Inikot namin ang paningin namin sa dahilan neto pero wala kaming nakita.

Pinagpataloy namin ang paglalakad papuntang bayan. Agad namin itong narating at ang makulay at maingay na lugar ang bumungad samin. Madaming mga tindahan sa kung saan saan at madaming mga bahay.

Biglang natigilan ang mga tao at nag bulungan ng makita nila kami, more specifically sila unnie. Tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng may nakabanga kay Mina dahilan ng pag singhap ng mga tao.

"Shino ka bah ha?!" Galit na sigaw ng isang lasing na lalake.

Hindi namin ito pinansin at nag patuloy sa paglalakad.

"Hoy! Kinakausap pa kayo eh!" Sabi nya at nag hagis ng isang earth ball papunta samin pero nilihis lang ito pabalik ni Jeongyeon unnie sa kanya.

Huminto kami sa harapan ng mga Lion na may pakpak at sungay dahilan ng pag kunot ng noo ko. The hell? Agad silang sumakay sa mga ito kaya naiwan akong nakatayo dito.

"Sumakay ka na" Sabi ni Jihyo unnie habang hinihimas yung sinasakyan niyang lion

Tumango naman ako at lumapit sa isang lion na napakabangis tignan. Tinignan ko ito sa mata at mistulang hahawakan ng biglang mag salita si Nayeon unnie

"Mag iinga-" Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil maamong yumuko ito sa harapan ko para makasakay ako sa likod nya.

Hinimas ko yung ulo nito bago sumakay sa likuran nya. Isang tila malambot na upuan ang lion na ito. Hinihimas ko lang sya dahilan ng pag purr nya.

"What now?" Malamig na turan ko sa kanila.

"L-Let's go" Jisoo unnie said bago nila sabay sabay na paliparin yung mga lions nila. Agad naman akong sumunod sa kanila dahil agad ring lumipad yung sinasakyan ko. Tila isang maamong pusa ito na nakikipag laro sa mga ulap.

No one's POV

Papaanong nasakyan nya yung chimera na yun?
Takang tanong ng mga maharlika at Mga guardians.

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now