Chapter Thirty-eight

558 31 0
                                    

No one's POV

Ang dapat na labing dalawang araw na pag eensayo ni Tzuyu sa mundo ng mga Immortal ay naging isang linggo na lamang. Mabilis na natuto si Tzuyu at dahil na rin sa angkin na lakas nito ay naubusan na sila ng matuturo. Mas lumakas ang prinsesa at mas tumingkad ang kanyang mga mata.

Ngayon na ang araw na babalik siya sa mundo ng Arcan. Nakapalibot ang mga immortal sa kanya upang ibigay ang basbas nila dito.

"Kami ang mga diyos at diyosa na binibigay ang aming basbas sa prinsesa ng Arcan upang tuluyang magapi ang kasamaan sa mundo ng Arcan" sabay sabay nilang bigkas at biglang lumiwanag ang mga mata nila.

Naramdaman ni Tzuyu ang kapangyarihan nya na mas lumakas at umilaw ang kanyang braso. Napapikit sya sa sobrang liwanag nito. Pagdilat nya ay nandun parin sya sa lugar kung saan nya nakita ang Arcan stone. Wala na iyon doon. Tinignan nya ang braso at nakita nya ang marka na bigay ng mga immortal.

May tila maliit na rosas ang nakatattoo sa kanya. Kagaya ito ng gintong rosas na kanyang nakita bago siya napunta sa mundo ng mga immortal.

Agad siyang gumawa ng portal upang mag teleport pabalik sa mundo ng mga tao. Wala nang maasahan ang Arcan sa akin. Isip ni Tzuyu bago bumalik sa kanyang dating mundo. Paglabas niya sa portal ay sa loob ng kanyang kwarto sya napadpad. Mapait na napangiti siya sa mga memoryang bumalik sa kanya.

Agad siyang nagbihis ng longsleeves at pants bago lumabas. Pupunta siya sa naiwang kompanya ng kanyang mga magulang. Siya na ang magpapatakbo nito. Gulat ang bumakas sa mga tao ng nakita nila ang pagbabalik ng heiress.

"I believe that's my seat" malamig na turon ng dalaga sa lalakeng nakaupo sa dulong bahagi ng board room. Gulat ang takot ang makikita sa mukha ng mga tao sa loob ng board room.

"I'll be the new CEO" malamig na anunsyo nya bago umupo sa kung saan nakaupo ang lalake kanina. Walang kumontra sa kanya.

Pinagpatuloy nila ang meeting na parang walang nangyari. Isang buwan na mula ng dumating ulit si Tzuyu sa mundo ng mga tao at mas lumaki pa ang kanyang negosyo. Mas yumaman sya at mas lumakas.

Parati paring may suot na salamin si Tzuyu lalo na kapag nasa board meetings sya mahirap na matago ang kanyang mga mata kahit nakakacontactlense pa ito. Gumawa siya ng bagong salamin gamit ang kanyang kapangyarihan kaya natatago nito ang kanyang mga mata.

Nawala na sa isip nya ang tungkol sa mundo ng mahika dahil na rin sa pagiging busy niya.

May biglang nagsalita sa intercom sa loob ng opisina ni Tzuyu, ang kanyang sekritarya.

"There are peple looking for you, miss" magalang na sabi nito.

"Do they have appointments?" Tanong ni Tzuyu sa malamig na tono habang pumipirma ng mga bagong contrata. Tumindig ang balahibo ng kanyang sekritarya ng narinig nya ang malamig na boses ng kanyang amo.

"They don't have any appointments ma'am" nanginginig na sabi ng kanyang sekritarya

"You'll know what to do" walang ganang tono ang sagot ni Tzuyu at nagpatuloy sa pagbabasa ng ibang contrata ng biglang magsalita ulit ang kanyang sekritarya

"They said that it's urgent, Jennie Kim-" agad napahinto si Tzuyu bago nag salita ulit

"Let them inside" isang minuto ang nakalipas at may isang katok na narinig si Tzuyu.

"Come in" walang lingon na sabi nya at humarap sa bintana sa likod nya.

"Tzuyu?" May pagaalinlangan sa boses na sabi ni Jisoo. Dahan dahang umikot ang upuan ni Tzuyu upang humarap sa kanila.

"Hi unnies" may mapaglarong ngiti sa labi si Tzuyu bago tumayo.

Agad na tumakbo ang kanyang mga guardian papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Lihim na napangiti ito dahil doon.

"I'm sorry Tzu-" hindi na natapos ni Jennie ang sasabihin ng magsalita si Tzuyu

"It's fine. I don't wanna talk about it" mapait na sabi ni Tzuyu bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanila.

"Why are you here?" Professional na tanong ni Tzuyu at umupo sa kanyang upuan na tila walang nangyari

"Mas lumalakas na ang kadiliman, kailangan-" nahinto ang pagsasalita ni Lisa ng pinutol ito ni Tzuyu

"Wala na akong balak bumalik doon" malamig na sabi ni Tzuyu

"Mapapahamak pati ang mundo ng tao kapag nanalo ang kadiliman" paliwanag naman ni Rosé sa kanya. Nagbabakasakali na baka makumbinsi niya ito. Napahinto sa pagpirma si Tzuyu sa sinabi ng kanyang unnie.

Hindi pwedeng madamay ang mga tao. Oo at nararapat sa ibang mamatay na ngunit maraming madadamay na inosente. Napangisi ang mga guardian ng nakita nila ang naging reaksyon ni Tzuyu.

Kahit napakalamig nito ay mabait parin ito at hindi niya gugustuhing madamay ang mundong kinalakihan niya. Naglabas siya ng isang buntong hininga bago tumingin sa kanyang unnies

"I'll think about it" sabi ni Tzuyu bago bumalik sa pagpirma niya.

"Nalalapit na ang digmaan at kahit na sabihin nating malalakas na ang Royalty ay hindi parin ito sapat para manalo sila" pagpapaliwanag ni Jisoo

"Tulungan mo ang Arcan Tzuyu" sabi ni Jennie bago binigyan ng halik sa pisngi sa Tzuyu at naglakad papaalis.

"Sa pagpula ng buwan magsisimula ang digmaan" pahabol na sabi ni Rosé bago huling lumabas.

Pagkasarado ng pintuan ay napabuntong hininga si Tzuyu at napasandal sa kanyang upuan. Tinawagan niya ang kanyang sekritarya.

"Cancel all my appointments. Let Haseul handle everything while I'm gone" hindi na niya inintay ang pagsagot nito bago niya ito binabaan. Si Haseul ay kaibigan nya nung sa ibang lugar pa siya nag aaral. Sila ang parating magkalaban noon sa rankings kaya sigurado siyang magiging maayos ang kanyang kumpanya.

Sinuot niya ang kanyang coat at inayos ang kanya skirt bago naglakad papalabas ng kumpanya. Nag aabang na ang kanyang kotse kaya agad siyang sumakay dito at nagmaneho patungo sa bahay niya. Pagdating niya dito ay agad siyang nagpalit sa isa sa mga cloaks niya na andun at gumawa ng portal.

Kailangan niya munang makuha iyon bago tuluyang bumalik sa mundo ng mahika. Tinakpan niya ang kanyang mukha bago pumasok sa portal.

The Arcan Princess is back

ARCAN ACADEMYWhere stories live. Discover now