Chapter Sixteen

682 33 3
                                    

Tzuyu's POV

Si Ms. Dara yung magiging partner ko. This will be exciting

Lahat na sila nag simula ng mag warm up by partner pero nakaupo lang ako dito at sinummon yung tonfas ko pinaglaruan ko lang to. Hinahagis hagis. Pinikit ko lang muna yung mata ko at nakiramdam sa paligid. Ilang minuto lang ay dinilat ko yung mata ko at nag lean pa left. May muntik ng tumamang fire ball sa mukha ko.

Nakita ko naman na nangaling yun sa kaklase ko na nakangisi ngayon sakin. May hawak syang isang fire ball. Hindi ko sya pinansin at nag focus na lang sa harapan. Magsisimula na yung training. Isa isa nang tinawag ni miss Dara yung mga mag partner.

"Sowon and Eunha" tawag nya sa kanila. Hindi ko pa alam yung powers nila unnie kaya ito yung magandang panahon para malaman kung malakas ba sila. Merong barrier na naghihiwalay sa mismong ring at yung upuan ng mga audience. Para na rin maprotektahan kami from the impact.

Nag fighting stance na sila. Merong axe na gamit si sowon unnie at si Eunha unnie naman ay isang dagger. Naglabas ng mga veins si Sowon unnie mula sa lupa at inatake si Eunha unnie. Nakaiwas naman si Eunha unnie pinaulanan nya naman ng dagger si Sowon unnie. Sinubukan namang iwasan ni Sowon unnie yung mga dagger pero masyadong marami kaya natamaan pa rin sya ng kaunti. Biglang lumutang yung nasa paligid nya. Gravity? Or telekinesis

Pinagalaw ni Sowon unnie yung mga veins sa paligid nya at inatake si Eunha unnie. Sinubukan iwasan ni Eunha unnie yung mga vines gamit yung dagger nya na lumulutang pero masyadong marami yung vines kaya napuluputan sya nito. Biglang nagkaroon ng mga tinik yung mga vines kaya nagkaroon ng maraming sugat si Eunha unnie.

"Aaaaaaahhhhhh!!!!" Napasigaw sya sa sobrang sakit dahil malalim yung mga sugat na natamo nya. Marami ng dugo ang nawawala kay Eunha unnie kaya unti unti na rin syang nawawalan ng malay. Unti unti nang inalis ni Sowon unnie yung mga tinik sa vines nya at ginawa na lang na smooth vines yung nakakapit sa kanya. Ng tuluyan ng mawalan ng malay si Eunha unnie ay sinalo naman sya ni Sowon unnie.

Nilapitan nya si Ms Dara habang bitbit nya si Eunha unnie. After nilang mag usap ay lumabas na sila. Pumunta sa gitna si Ms Dara

"OBVIOUSLY OUR WINNER IS SOWON. NOW NEXT IS YERIN AND SINB"

Sumusigaw parin sya para marinig namin sya kasi malaki yung training area namin. Her voice echoed

Pumunta naman sa gitna sila unnie at nag combat formation na may dalang samurai sword si SinB unnie habang katana naman si Yerin unnie. They started fighting pero wala pang naglalabas ng powers nila. Parehas na silang pinag papawisan. Biglang umapak si sinB unnie sa sahig at nakita ko na napahawak sa dibdib nya si yerin unnie na parang nahihirapang huminga. Biglang may mga ibon na lumabas sa likod ni SinB unnie. Kaya nawala sya sa focus inatake naman sya agad ni Yerin unnie.

Hindi pa nakakalapit si Yerin unnie ay tumalsik na sya sa force field ngayon ko lang nakita yung parang sonic waves na pinapalabas ni SinB unnie. Sonic waves. Biglang may lumabas na rhino sa likod ni SinB unnie. Agad naman nyang nilingon yun at sumigaw. Hindi kami masyadong na apektuhan nung pagsigaw nya dahil nga may force field kami

Tumalsik yung rhino sa sigaw ni SinB unnie pero hindi nya napansin na papalapit na si Yerin unnie kaya nakalapit sya dito atsaka nilagay yung patalim sa leeg nya habang nakatalikod si SinB unnie. Napansin ko yung maliit na ngiti na sumilay sa labi nya. Biglang nabitawan ni Yerin unnie yung katana nya at napaluhod sa lupa. Tinapat naman ni SinB unnie yung samurai nya kay Yerin unnie. Nag tap ng tatlong beses sa sahig si Yerin unnie as a sign of defeat. Lumabas na sila sa force field. Animal summoning

"THE WINNER IS SINB NOW NEXT IS YUJU AND UMJI" sabi ni Ms Dara tsaka umalis sa field.

Bumaba naman mula sa mga upuan sila unnie. Pumasok sila sa loob atsaka nag combat formation. Merong pinaglalaruan na metal balls si Umji unnie. Habang meron namang malaking roll ng paper si Yuju unnie. Ibang iba yung itsura ni Yuju unnie kapag seryoso sya. Pinalutang ni Umji unnie yung mga pinaglalaruan nya at umikot ito sa palad nya.

Umupo naman si Yuju unnie at i unroll yung malaking papel nag labas rin sya ng ink. Drawing to reality and metal bending . Tinuro ni Umji unnie yung kamay nya papunta kay Yuju unnie at agad na inatake ng metal balls si Yuju unnie, mabilis na bumulusok papunta kay Yuju unnie yung mga bola. Nagkaroon naman ng malaking harang sa harapan ni Yuju unnie.

Merong malaking wall na nasaharapan ni unnie na humaharang sa metal na pinatama sa kanya ni Umji unnie. Kinuha naman pabalik ni Umji unnie yung metal balls nya inalis naman ni Yuju unnie yung harang nya at napalitan yun ng mga hayop na mukhang leon inatake naman agad ng mga leon si Umji unnie. Tumayo lang dun sa gitna si Umji unnie habang yung kamay nya ay nasa likod nya. Nung malapit na ito ay biglang hiniwa ni Umji unnie yung leon gamit yung metal na nakabalot sa kamay nya.

Nag shape shift nya yung mga metal hanggang sa maging matulis at matalas ito. Mabilis nyang inatake si Yuju unnie na nakatayo na namay hawak na espada. Sinalubong nya yung mga atake ni Umji unnie kaso masyadong mabilis si Umji unnie at nasa likod na sya ni Yuju unnie at nakatapat yung metal sword nya sa leeg ni Yuju unnie. Hindi na nakagalaw si Yuju unnie dahila alam na nya na talo sya.

Binitawan nya yung espada nya as a sign of defeat. Lumabas na sila ng sparring ground at umupo na sa upuan nila.

Tinawag pa ni Ms. Dara yung mga mag partner hanggang sa kami na yung mag lalaban.

-----------------------------------------------------
A/n: Sorry for the late update. Sorry for the grammatical error and wrong spellings

May nagbabasa pa ba? Comment naman kayo and please vote.

Thank you for reading

ARCAN ACADEMYOnde histórias criam vida. Descubra agora