Chapter 28: Scouting the Place

72.6K 3.9K 553
                                    

MATAPOS naming maayos ang gamit ay nagkita-kita rin naman kami agad sa lobby upang pag-usapan ang mga pupuntahan naming lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MATAPOS naming maayos ang gamit ay nagkita-kita rin naman kami agad sa lobby upang pag-usapan ang mga pupuntahan naming lugar. Wala pa kaming assurance kung totoong may lawbreaker na gumagala sa paligid pero mas maganda na yung sigurado. If we ever meet another member of Black organization, we will make sure na makakalaban na kami. We trained so hard para mapantayan ang level nang kanilang kakayahan.

"Makinig kayong lahat," sabi ni Seven at lumapit naman kaming lahat sa kanya. "Like what I'd said earlier, maghahati-hati tayo ng lugar na pupuntahan. Me and Jamie will go to BulSU to check the place. Teddy and Claire will go to Robinson, Malolos or nearby places. Si Kiryu, Mild, and Girly naman ang pupunta sa bayan para i-check ang lugar. Maliwanag ba?" Tanong ni Seven.

Tumango naman kami bilang pagsang-ayon sa plano ni Seven. Mas mapapabilis ang trabaho namin sa ganoong paraan. "One more thing, if ever something na mangyari, ipaandar ninyo agad ang devil hour para wala masyadong indibidwal na masaktan at para mapuntahan namin kayo agad." Isa rin ito sa gusto ko kay Seven, talagang may pakialaman siya sa mga team mates niya.

Umalis na kami sa Malolos Club Royale at sumakay kami ng karatig na jeep papunta sa Bulsu. Nasa labas pa lang kami ng nasabing school ay ang dami nang bilang ng estudyante ang naglalabas-pasok. Maraming estudyante ang tumitingin sa aming dalawa ni Seven dahil nakasuot pa kaming dalawa ng uniporme ng Merton Academy.

"I think dapat magpalit muna tayo ng dami--" hindi ako pinakinggan ni Seven dahil dire-diretso siyang naglakad papunta sa main gate upang kausapin ang guard. "Uy wait lang, para ka namang walang kasama!"

"Ang dami mong reklamo, tumakas ka lang naman sa school." Ouch. Yung bibig talaga nung lalaking 'to walang preno.

Kinausap niya yung guard at parehas naming sinurrender ang ID namin sa guard upang makapasok kami sa loob ng campus nila. Ang laki ng campus nila at para bang hindi isang state university.

"Tumingin-tingin ka sa paligid, Jamie, if you ever find someone na may kakaibang kinikilos," bilin sa akin ni Seven habang tumitingin sa paligid.

Actually halos lahat ng kababaihan dito sa school na ito ay tumitingin kay Seven. Aminin na natin, malakas ang dating ni Seven. May hitsura talaga siya na mapapatingin ang kababaihan. "Uhm... Kayo ba yung taga-class zero?" Tanong ng isang babaeng lumapit sa amin, may hawak siyang cellphone at mukhang balak niyang magpa-picture.

"We're not celebrities. Don't bother to ask to take a picture with you because my answer is no," sabi ni Seven at nilagpasan ang babae.

Hindi ko alam kay Seven kung hindi ba siya sanay makiramdam sa sinasabi niya. Sobrang harsh niya minsan... No, madalas. Sobrang straightforward at wala siyang pakialam kung masasaktan ka o hindi.

"Sorry." Sabi ko sa babae bago sumunod kay Seven.

Umikot-ikot pa kaming dalawa sa loob ng Campus. Halos sumakit ang paa't leeg ko sa kakamasid sa paligid ngunit wala naman akong nakitang kakaiba sa campus nila. May mga estudyanteng nagkukuwentuhan sa mga benches, mga naglalakad papunta sa susunod nilang klase, at mga estudyanteng nagpi-PE sa grounds. Parang normal na school lang.

"Seven, mukhang wala rito ang hinahanap natin," sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa kalangitan at may nakita akong lalaki na nakaitim na damit at sumbrero. Nakaupo siya sa tuktok ng building ng College of Engineering.

Hindi ko na hinintay makasagot si Seven at tumakbo na ako papasok sa college nila. "Hey, Jamie!" Sigaw ni Seven at humabol naman siya sa akin.

Mabilis akong umakyat sa building ng engineering. "Excuse me! Excuse me," paulit-ulit kong sabi sa mga nagdadaan. Nakarating ako sa fourth floor at humihingal akong napakapit sa aking tuhod. Hindi na ako nakaakyat sa pinakatuktok dahil ma rin hindi ko alam ang daan patungo rito.

Ilang segundo ang lumipas ay dumating ma si Seven na kagaya ko ay naghahabol din ng kanyang paghinga. "Why did you run?"

"May nakita ako, someone's wearing a black shirt and cap. Nasa tuktok siya ng college na ito at nakatingin sa atin. I don't know if he's a member of Black Organization pero masasabi kong kahina-hinala ang kanyang kinikilos." Paliwanag ko kay Seven.

Sumeryoso ang mukha ni Seven. "If that's really true, ibig sabihin lang nito na totoong may gumagala na Lawbreaker sa lugar na ito." Ani Seven. "Kailangan nating bumalik at i-inform ang iba nating kasamahan."

Naglakad na kami pababa at bago kami umalis ng unibersidad ay naisipan naming kumain sa KFC, dahil sabi ng mga estudyante rito ay iyon daw ang pinakakilalang kainan sa bayang ito. I thought they are reffering to the fastfood restaurant pero ang KFC pala na tinutukoy nila ay Kapitolyo Food Court na para bang sikat na karenderya sa lugar.

"Let's find another place na kakainan. Tingnan mo naman ang lugar, ang init pa." Bulong sa akin ni Seven habang naglalakad kami. Umajyat kami sa second floor dahil nandoon daw ang masasarap na kainan.

"Ang arte mo naman, ganito nga ang masarap na kainan, eh. At isa pa, sulitin na rin natin dahil hindi mo rin masasabi kung kailan ulit tayo makakabalik sa lugar na 'to," paliwanag ko sa kanya at hinatak ko na siya para makapila kaming dalawa. May mga estudyante kaming nakasabay sa pagpila at mukhang vacant hour nila.

Um-order kami ni Seven ng pagkain and so far, ayos naman. Masarap din naman at affordable ang presyo.

"Ready ka na ba sa magiging parusa mo pagbalik mo?" Tanong sa akin ni Seven habang kumakain kami. "Knowing sir Joseph, pakiramdam ko ay patatakbuhin ka niya sa field ng maraming ikot. O kaya naman, community service for few days."

"Sige lang, manakot ka pa. Panira ka nang mood sa pagkain, alam mo 'yon?" Sa totoo lang ay kinakabahanna nga ako sa maaaring maging consequence sa ginawa naming pagtakas, eh. "Ikaw, pasmado talaga dila mo, no?"

"I'm just being honest. Why would I use sugar coated words? It's better na marinig mo ang masakit na katotohanan ke'sa sa mabulaklak na kasinungalingan." Sabi niya sa akin. May point naman pero... Basta! Nakakainis pa rin siya. "But, Jamie, bakit ka nga ba sumama sa misyong 'to?"

"Gaya nang sabi mo sa'kin dati," ngumiti ako sa kanya. "Gusto ko gamitin ang kapangyarihan ko para makatulong sa ibang tao, hindi kakayanin ng konsensya ko na may mawala pang mga inosenteng tao." Paiwanag ko sa kanya.

Wala na akong narinig na sagot kay Seven bagkus ay tumuloy kami sa pagkain. After naming kumain na dalawa ay bumalik din kami sa Club Royale. Pagkabalik namin sa lugar ay nadatnan na namin si Kiryu at Mild na nagsi-swimming samantalang si Girly ay nakaupo sa isang upuan na animo'y nagsa-sun bathing.

"Welcome back!" Masayang bati ni Kiryu. "Jamie, magpalit ka na, tara na mag-swimming tayo."

Dahan-dahan akong napalingon kay Seven at iyon, I will ready my ears in three... Two...one...

"Nandito ba kayo para magsaya? Ang sabi ko sa inyo ay pumunta kayo sa bayan para i-check ang lugar," inis na sabi ni Seven sa tatlo.

Gurly removed her glass. "Duh, galing kami doon. We just went back here kasi sumakit na ang paa namin sa paglalakad." Dahilan niya.

"Oo nga, there's nothing unusual in that place. Parang normal na bayan lang," sagot ni Kiryu at patuloy pa rin silang naghaharutan ni Mild. As usual, ano pa nga bang aasahan sa dalawang 'to na puro pagsasaya lang ang gusto.

Seven sighed na parang pinipigil ang kanyang inis, wala na rin anman siyang magagawa sa tatlong iyan. "Magpapalit lang ako––"

Naputol ang aking sinasabi nung makarinig kaming lima ng isang malakas na pagsabog. Mayamaya pa ay may nakita na kaming makapal na itim na usok sa 'di kalayuan. Seven snapped his finger at umandar na naman ang devil hour, in this way, kahit papaano ay mababawasan ang casualty.

"Maghanda kayo guys! Baka may nangyari ng masama kanila Teddy." Sabi ni Seven at tumakbo na siya paalis. I expected na may lawbreaker sa lugat na ito pero hindi ko inaasahan na magiging aggressive sila lalo na't alam nilang nandito kaming taga-Class zero.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon