Chapter 101: Preventing the Worst

34.3K 2.5K 1.7K
                                    

Slight changes in my plan, last chapter tomorrow then epilogue sa Sunday. But let still use the THANK YOU CLASS ZERO tomorrow on Twitter. 1PM.

Magte-trend tayo, in St. Claire we trust...

 Claire we trust

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SEVEN

NASA gitna kami ng malawak na daan ni Tristan na napalilibutan mg matataas na building at establisyimento. I am well-aware that Tristan is not an easy opponent pero nasa tamang lugar kami kung saan magagamit ko ang kapangyarihan ko sa malawak na paraan. We are in the middle of the city, marami akong bagay na puwedeng pagalawin.

"Iniisip mo ba na ang pagsasakripisyo mo ngayon ay nangangahulugan na magtatagumpay ang mga kaibigan mong nasa Arroceros?" Ngumisi sa akin si Tristan at tumakbo ako ng mabilis upang maiwasan ang matutulis na ugat na umaangat mula sa kalsada. Huminto ako sa pagtakbo at pumagulong pakaliwa noong may malaking ugat na biglang umangat mula sa aking harap.

Damn. Muntik na ako roon.

"Iniisip mo rin ba na ang pagsasakripisyo mo ngayon ay magagawang mabuhay si Deathevn?" Sa pagkakataong ito ay ako naman ang ngumisi sa kanya at mabilis na pinagalaw ang isang motor patungo sa kanyang direksyon. Nakatalon si Tristan para maiwasan ito.

Tumama 'yong motor sa isang malaking building na naglikha ng pagsabog.

Tiwala akong magpaiwan dito para labanan si Tristan dahil magkakasama sina Jamie, Claire, at Teddy. They can execute our plan well. Especially Jamie and Teddy, ilang beses ko na silang nakikita na makipaglaban at ibang klase ang teamwork nilang dalawa na para bang kabisado na nila ang galaw ng isa't isa.

Mabilis akong tumatakbo tungo sa direksyon ni Tristan habang seryoso siyang tinitingnan. This will be our last battle and I refuse to die here.

Hinagis ko sa ere ang lahat ng baraha ko at sabay-sabay itong pinagalaw. I swayed my finger at sumugod ang mga baraha sa direksyon ni Tristan.

Ipinadyak ni Tristan ang kanyang paa at may mga ugat na lumabas mula sa kalsada na animo'y maraming galamay. He is controlling those roots para magawang maiwasan ang mga baraha ko.

Kung patuloy kong aatakihin si Tristan ay wala siyang ibang magagawa kung hindi depensahan ang aking bawat atake. Sa oras na mapagod siya ay magiging madali na para sa akin na patayin siya. Patuloy ang paggalaw ng akinh daliri na mabilis naman nakikita ni Tristan kung saan tutungo ang mga baraha.

"Iyan lang ba ang kaya mo?" Tanong ni Tristan at dalawang matulis na ugat ang mabilis na tumutungo sa aking direksyon. Mabilis akong yumuko para maiwasan ito.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang bakal na basurahan sa 'di kalayuan. Kasabay ng aking pagyuko ang pagpapagalaw ko sa basurahan at pinalipad tungo sa direksyon ni Tristan. I caught him off guard at tumama ito sa kanyang tagiliran. Tumilapon si Tristan sa sahig at nagpagulong-gulong.

Damn. Kung alam ko lang na hindi ito mapapansin ni Teistan ay mas malaki at matulis na bagay sana ang pinagalaw ko.

Naglabas ako ng isang matalim na espada noong nakahoga sa sahig si Tristan, wala dapat akong sayangin na pagkakataon. Akmang ihahakbang ko na ang aking paa ngunit may ugat na kumapit sa akin.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon