Chapter 84: Merton VS. Sahandra

38.6K 3.1K 2.7K
                                    

I mited some accounts who constantly spamming "update na po" in comment box. Please, kailangan ko rin ng inner peace. You guys can still read the story pero 'di lang kayo makakapag-comment. 🥺

NAKABALIK na kaming dalawa ni Teddy kanila Seven

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKABALIK na kaming dalawa ni Teddy kanila Seven. Inilapag niya ang lunch namin sa may telang nilatag ni Jessica. This food was prepare by our school kung kaya't thankful ako doon. "Parang ang sarap mag-samgyup," sabi ni Mild.

Ace agreed. "Wala bang malapit na samgyupsalan malapit sa village na tutuluyan natin?" He asked while he setup his camera.

"Ay speaking of village," binuksan ko ang lunch ko, nasabi ko na bang the best ang barbecue sa Merton Academy? Isa ito sa mga favorite kong order-in kapag lunch break namin. "Ini-invite tayo ng taga-Prolus Academy. Magpapakain daw sila mamayang gabi, invited lahat ng school." Kuwento ko sa kanila.

"May nakausap kang taga-Prolus?" Kunot-noo na tanong ni Seven.

"Oo, pati 'yong taga-Sahandra Academy, nakausap din ni Jamie." Sabat ni Teddy sa usapan namin. "Hiningi pa nga niya 'yong number ni Jamie, eh. Ano nga ulit pangalan no'n? Wait... Si Topher!"

"Famous naman po." Sabi ni Kiryu. Inagaw ko ang pochi na kinakain niya.

"Lunch na po, mamaya ka na kumain ng pochi mo." Sabi ko sa kanya.

"Akala yata nila Jamie, brainy ka." Natawa si Ace sa kanyang sinabi.

Hindi ko in-expect na mauuto sila ni Teddy. Noong akmang sasabihin kong niloloko lang sila ni Teddy ay pinapakyu ako ni Teddy kaya 'di na lang ako nagsasalita.

In Class Zero, binu-bully namin ang isa't isa pero gusto pa rin naman namin na magkakasama. Walang nagtatampo or nagagalit kapag inaasar. Tsaka mas sanay kami na ganito namin kausapin ang isa't isa. We don't need to sugarcoat words para lang maka-close ang isa.

"Bakit hiningi ni Topher 'yong number mo?" Tanong ni Seven. Busy sa pagkain ang iba kung kaya't hindi naman sila nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Para lang i-update ko siya kung makapupunta tayo mamayang gabi." Sabi ko.

"Ha? Siya ba ang taga-Prolus Academy at number niya ang ibinigay sa 'yo?" Iritableng sabi ni Seven. "Ibigay mo sa akin 'yong number niyan. Ako ang makikipag-usap diyan sa Topher na 'yan."

Sana ay hindi nabibilaukan si Topher ngayon. Ako ang nahihiya sa tao, wala namang ginagawang masama pero dinamay ni Teddy sa kalokohan niya.

"Seven, alam mo, mas okay din na may kaibigan si Jamie outside Class Zero," epal ulit ni Teddy sa usapan namin. "Tsaka mukhang mababait naman sila. Huwag kang mag-alala, ako bahala kay Jamie. Sasakalin ko 'yan kapag may ginawang kalokohan." Sino kaya ang may ginagawang kalokohan sa aming dalawa ngayon?"

"Talaga ba?" Tanong ni Mild at sumubo noong Tocino. "E'di okay lang na kinausap ni Ronan si Claire kanina?"

"Ay putangina no'n, ah!"

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon