Chapter 34: Aftermath

65.3K 4.5K 932
                                    

PAGKABALIK namin sa Merton Academy ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante, siguro marahil ay dahil na rin sa mugto kong mata at walang tigil na paghikbi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKABALIK namin sa Merton Academy ay pinagtitinginan kami ng ibang estudyante, siguro marahil ay dahil na rin sa mugto kong mata at walang tigil na paghikbi. Hindi ko talaga maiwasang maiyak lalo na't wala akong nagawa sa sitwasyon, wala akong nagawa para iligtas si Casey.

"Girl, siguro pagod lang 'yang si Jamie. Ibalik na natin sa dorm niya," sabi ni Aris habang akay-akay nila ako. "Baka na-stress lang sa exam."

Napatigil sila sa paglalakad nung nagmamadaling naglakad sa direksyon namin si Mild. She held me on my shoulder at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Anong nangyari? Are you okay? Bakit ka umiiyak?" Pagpapaulan niya nang tanong.

"Hindi ko nga maintindihan si Jamie, eh," napu-frustrate na sabi ni Diana. "May pangalan siyang paulit-ulit na binibigkas, eh. Hindi naman namin iyon kilala." Dugtong pa niya.

Mild looked into my eyes at napansin niyang naiiyak muli ako. She held my shoulder. "Ako na ang bahala sa kanya. Thank you sa paghatid ninyo sa kanya rito sa Merton. Mag-ingat kayo pag-uwi." Paalam niya sa dalawa kong kaibigan.

"Girl, tawag ka kapag okay ka na, ha?" Bilin naman sa akin ni Aris.

How can I be okay? Nawalan lang naman ako ng isang malapit na kaibigan. Ang mas masaklap pa ay ako lang ang nakakaalala sa buong existence niya. Hindi ko inaaahan na sa ganitong bagay gaganti ang Black Organization, ang sakit.

Pagdating namin sa kwarto ko ay agad akong pinagpalit ng damit ni Mild. After kong lumabas sa CR ay nakaabang siya sa akin na nakaupo sa kama.

"Jamie, ano bang nangyari? Nag-aalala na 'ko para sa'yo," halata nga sa mukha niya ang pag-a-alala at parang naluluha rin si Mild habang pinagmamasdan ako. "Kanina sa Devil hour ay sinubukan namin tukuyin kung nasaan ang lawbreaker kaso nga lang ay wala kaming nakita. Ikaw ba, Jamie, nakaharap mo ba?" Tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil naalala ko ang mga pangyayari kanina. Nagsimulang manginig ang ibabang labi ko dahil sa takot. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko kung paano sinaksak ni Edel si Casey at naglaho ito na parang abo. Naalala ko pa kung paano nawala ang kaibigan ko at wala man langa kong nagawa.

"I guessed you're still not okay," sabi ni Mild. She held my hand at ramdam ko ang init ng palad ng aking kaibigan. "Kung kailangan mo nang mapagkukuwentuhan, nandito lang ako. Magpahinga ka na." Inayos ako ni Mild sa kama.

Nakakagaan nang pakiramdam dahil kahit papaano ay iniintindi ni Mild ang sitwasyon at hindi ako pinipilit na magsalita. Pagkalabas ni Mild ay doon na isa-isang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"A-Ang hina ko," mahina kong bulong habang nakakuyom ang aking kamao. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa. Naiinis ako dahil ang hina ko.

"Casey, Casey, Casey..." Paulit-ulit kong sabi. Hindi ko magagawang kalimutan si Casey kahit pa ako na lang ang taong nakakaalala sa kanya.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon