Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo

68.9K 4.3K 1.6K
                                    

MAS mabilis pa sa hangin na sumusugod ang lalaking nakasuot ng Shinobi Shozoku habang hawak-hawak ang kanyang katana

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAS mabilis pa sa hangin na sumusugod ang lalaking nakasuot ng Shinobi Shozoku habang hawak-hawak ang kanyang katana. Sinubukan ni Seven na sanggain ito gamit ang pagpapagalaw ng isang bakal na basurahan.

Nabigla na lamang si Seven nung bigla itong mahiwa nung lalaki sa ilang piraso at patuloy ang pagsugod sa kanya. "Shit this is bad," Sabi ni Seven. Hindi nawawala ang tingin niya sa lalaki na papasugod sa kanya.

Sa isang iglap ay nasa tabi niya na ito, nagawa naman na iwasan ni Seven ang pag-atake. Iyon nga lang ay nagkaroon siya ng malalim na galos sa kanyang kanang braso. Nagsimulang umagos ang malapot na pulang dugo mula rito.

Mahigpit na mapakapit si Seven sa kanyang braso. "Ayos ka la--" Hindi na natapos ni Kiran ang kanyang sinasabi nung may bumubulusok na palaso ang lumilipad tungo sa kanyang direksyon. Luckily, nagawa niya itong masunod agad habang nasa ere. "Damn this arrow dude." Sabi ni Kiran at sumugod sa direksyon nung taong namamana.

Naniniwala sila na kasama ito nung lalaking nakasuot ng Shinobi Shozoku, sila ay mga kagaya nila na mga taong may ability rin ngunit mas piniling kumampi sa Black Organization.

"Napahanga mo ako na nagawa mong maiwasan ang ginawa kong pag-atake," nakangiting sabi nung lalaki kay Seven. Masama siyang tinititigan ni Seven ngunit hindi niya maiwasang mapakagat sa kanyang ibabang labi dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang braso.

"Black Organization," may matinding galit na nabubuhay sa puso ni Seven habang sinasabi ang mga salitang iyon.

"It's a pleasure that you guys know us," Hindi nawawala ang ngisi sa mukha nung lalaki na para bang lalo niyang iniinis si Seven. "Let me introduce myself, I am Hanzo... one of the member of Black Organization."

"I don't fucking care about who you are," Inilabas ni Seven ang matatalim na kutsilyo na nakatago sa kanyang bulsa at pinalutang ito sa ere. Sinimulan niyang iwasiwas ang kanyang kamay upang mapagalaw ang mga ito.

Ang mga kutsilyo ni Seven ay mabilis na lumilipad tungo sa direksyon ni Hanzo pero nagawa niya itong iwasan lahat na para bang nakikita niya kung saan ito tutungo. "Iyan lang ba ang kaya mo? Tunay nga ang sinasabi nila na para ngang mga bata lamang ang class zero, you guys can't even scratch me." He said.

"Seven tabi!" Malakas na sigaw ni Minute na kakarating lamang, she had a hard time na mahanap kung saan nangyayari ang gulo dahil medyo malayo siya.

Pagkalingon ni Seven ay isang malaking bato ang bumubulusok sa kanyang direksyon, he immediately jumped into the right side para maiwasan ito. Nabigla rin si Hanzo sa malaking bato na bumubulusok sa kanyang direksyon pero nagawa niyang hugutin ang katana niya sa lalagyanan nito at nagawa itong mahiwa sa ilang piraso.

"Huwag mo kaming minamaliit na class zero," sabi pa ni Minute habang nagpalutang ng maliliit na piraso ng bato. Minute's ability is Terrakineses, ibig sabihin lamang nito ay kaya niyang kumontrol ng mga geologic materials kagaya ng lupa at mga bato.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon