Chapter 3: Double Trouble

19.9K 413 16
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Nagdoorbell ng tatlong beses si Blake daw bago binuksan ng kakambal niya ang pinto.

"OH MAY PANDESAL!" Agad kong tinakpan ang mga mata ko nang masilayan ko ang anim na pandesal ng kakambal netong kasama ko.

Sandali, anim ba o walo? Hindi ko nabilang agad eh. Sayang. Pwedeng patingin ulit? Joke!

"Haha. Pre, pandesal daw sabi ng fiance mo." Natatawang saad netong katabi ko.

"Yeah. I heard it bro." Sagot noong lalakeng nagbukas ng pinto.

Sino ba kasi ang may sabing buksan niya ang pinto nang topless siya?! Nakalow waist pants lang siya at nasilayan ko rin ang Calvin Klein niyang briefs.

"Alisin mo na yang takip sa mata mo. Para kang sira. Patakip-takip ka pa ng mata." Natatawang saad pa ng katabi ko.

"Bwusit ka! Sabihan mo yang kakambal mo na magdamit siya!" Sigaw ko sa kanila.

"Bakit pa magdadamit? Nandito ako sa unit ko. Komportable akong walang suot. Nasa sayo na yan kung papasok ka o hindi." Mayabang na sabi nung kakambal niya.

Nakakainis tong magkambal na to! Nakakaasar.

Kung hindi ko lang kailangan malaman ang pagkakaiba nila, malamang pinatikim ko na to ng sipa bago ako lumayas at dumiretso sa unit ko.

Inalis ko ang mga kamay ko sa mata ko. "Oo na! Oo na! Eto na nga oh. Papasok na."

Hinawi ko siya sa daan dahil nakaposing pa siya habang nakaharang siya sa pinto at nakangising nakatingin sa akin.

Hindi niya ba alam na nakakadistract ang katawan niya? Bwuset talaga.

Naupo ako sa sofa. Pumasok na rin yung kakambal niya. Umupo siya sa sofa na katapat ko habang dumiretso naman sa kusina yung kakambal niya. Pagbalik ng kakambal niya, may dala-dala na siyang tatlong lata ng beer.

Inabutan niya muna ang kakambal niya ng isang lata bago ako inabutan. "You want?"

"No thanks. I don't drink." Pagtanggi ko sa kanya.

"Oh really? What a waste." Nilapag na lang niya yung beer sa table sa harap ko.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong nung lalakeng topless. Ikinagulat ko yung bigla niyang pag-upo sa tabi ko habang umiinom siya sa beer.

Gusto ko siyang itulak pero dahil unit niya to, alam kong wala akong karapatan. Isa pa, wala naman siyang ginagawa sa akin kaya pabayaan na lang.

"I just wanted to know who is my fiance."

"You wanted to know who is your fiance?" Pag-uulit niya sa sinabi ko habang tinatapunan ng makahulugang tingin ang kakambal niya.

Tumalim ang tingin ko sa kanilang dalawa. Mukhang may pangtitrip pang naiisip tong dalawang to.

"Kung iniisip niyong paglaruan ako, think twice. Hindi niyo ko maloloko."

"That's not what were thinking." Sagot noong nasa harap ko. "I told you earlier. Ako nga si Antonov Blake. Yang katabi mo ..." Nginuso niya yung katabi ko. " ... yan si Andrew Napoleon. Siya ang fiance mo."

Taas-kilay kong nilingon tong katabi ko. Pinilit kong ifocus ang paningin ko sa mukha niya pero nadidistract pa rin ako sa katawan niya.

"Yes he's right. Ako nga si Andrew Napoleon." Tinignan niya ang kabuuan ko saka ko nakita ang pagsilay ng nakakalokong ngiti sa labi niya. "Dad didn't made a wrong choice after all."

"I know right bro. If ever you change your mind, handa akong sumalo." Nakangising sabi ni Blake.

Nakakaasar tong magkambal na to. Kung pag-usapan ako, akala mo isa lang akong bagay na pinagsasaluhan nilang dalawa. Nakakabwusit.

Saved by the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon