Chapter 19: Love-nat?!

13.1K 272 5
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Nandito na ako sa condo ni Napoleon at hindi ako makapasok sa loob dahil ayaw niyang buksan ang pinto ng unit niya. Hindi naman ako makakapasok loob ng hindi niya ako pinagbubuksan dahil wala akong spare key ng unit niya.

"Hoy Napoleon! Bubuksan mo ba tong pinto o hindi?" Malakas na sigaw ko.

Kanina pa ako nandito sa labas at mamumuti na lang ang mata ko kakahintay dahil ayaw niyang buksan ang pinto.

Hindi ko tuloy malaman kung nagtatampo talaga to o nagpapakipot lang tong hunghang na to eh.

Sunod-sunod kong hinampas ang pinto ng unit niya. Nakakabwusit na kasi. Siya na nga tong aalagaan ko, nag-iinarte pa kasi.

Hahampasin ko sana ulit yung pinto niya nang sa wakas ay buksan niya yun. "Stop doing that. Lalong sumasama ang pakiramdam ko sa ingay."

Bigla akong nakonsensiya nang makita ko ang itsura niya. Namumutla siya at halatang may sakit nga. Mukha ring nanghihina siya base sa tono ng pananalita niya habang nagsasalita kanina.

"You looked so weak. Kaya mo pa ba?"

Hahawakan ko sana yung leeg niya para malaman kung mainit pa ba siya pero tinabig niya lang yung kamay ko.

"I don't need you here. Bakit ka ba nandito? At sinong nagpapunta sayo?" Ramdam ko ang iritasyon sa tono ng pananalita niya sa akin.

Dahil ba sa nangyari noong nagtapat siya pero wala akong naging sagot? Yun ba ang dahilan kung bakit parang iritable siya sa akin?

"Hindi ko kailangan ng permiso mo kapag pupuntahan kita. Gagawin ko kung anong gusto ko. At nalaman kong may sakit ka kaya bilang may malasakit ako sayo, pinuntahan kita para icheck kung maayos na ba ang pakiramdam mo."

Hindi ko na siya hinayaang sumagot. Dire-diretso na akong pumasok sa unit niya. Mahirap na. Baka sapian yun at hindi ako papasukin. Brutal pa naman yung lalakeng yun.

Napapailing na lang niyang sinara ang pinto ng unit niya. Mabagal ang lakad na pumunta siya sa receiving area saka humiga sa mahabang sofa.

He really looked so tired. Nakita ko ang laptop niya at mga nakakalat na papeles dito sa glass table ng receiving area. Mukhang kahit na may sakit, kailangan niya pa ring magtrabaho.

"Napoleon, kumain ka na ba?" Nilapitan ko siya at pinakiramdaman ang leeg. Mainit siya.

Umiling siya. Magluluto muna ako ng pagkain habang nagpapahinga siya. Hindi naman siya pwedeng uminom ng gamot hanggat hindi siya kumakain.

Pumunta ako sa kusina ng unit niya at chineck kung may mga sangkap bang pwedeng lutuin.

Kadalasan kasi sa mga pad ng mga pinsan kong lalake, wala akong napapalang pagkain. Tinatamad daw kasi sila mamili kaya mas gusto nilang kumain sa labas o di kaya magpadeliver ng pagkain. Beer at alak lang ang madalas na laman ng ref nila.

Good thing, mukhang hindi naman kagaya ng mga pinsan ko si Napoleon. Maraming lamang sangkap sa pagluluto ang ref niya. Mukha namang kumpleto siya sa lahat ng sangkap.

Nagsimula akong magluto. Lugaw lang naman ang ihahanda ko dahil mukhang wala namang gana si Napoleon.

"Napoleon! May paminta ka ba dito?" Wala kasi akong makitang paminta dito. Kailangan ko kasi yun.

"NAPOLEON!" Napasigaw ako ulit dahil hindi siya sumasagot.

Naghugas ako ng kamay at pinuntahan si Napoleon. Nandun pa rin siya pero mukhang nakatulog na.

Nilapitan ko si Napoleon at naupo ako sa tabi niya. Nakaupo ako sa lapag habang nakahiga siya sa sofa.

Nilaro-laro ko ang buhok niya. "Are you being real Napoleon? Mahal mo ba talaga ako?"

Saved by the GangsterWhere stories live. Discover now